15
MAXINE
Halos mabangga ang minamameho kong kotse dahil sa pagmamadali ko. Alam kong sa A.Add blg sila pumunta at nakumpirma ko pa iyon ng makakausap ko si El. Ano ba iniisip ng mga batang yun!
Di pa sila pwedeng makita ng tatay nila! Di pa ako handa. Ano nalang sasabihin ni Jules? Ano magiging reaksyon nya!?
"Sana wala roon si Jules.. Di pa nya sila kilala." mahina kong panalangin. Hanggang sa makarating ako sa building. Pagbaba ko ay si El agad ang nakita ko. Dali dali akong lumapit sa kanya at hinawakan ang mga kamay nya.
"Where's my kids?" kinakabahan kong tanong.
"You look.."
"Ellha please tell me where are they?" tanong ko pa. Mukha naman syang naguguluhan sa ikinikilos ko.
"Nasa office ni sr Alcantara!" natigilan ako.
"Shit! Di pa pwede!"
***
Jules
"Nagpahuli ka agad?" bwisit na sabi ng isang batang babae sa batang lalaki na nakasalamin at seryosong nagbabasa ng makapal na libro. Umupo ito sa tabi nya at humalukipkip. Di ko alam kung bakit pero napaka saya ko na nakita ko sila. Parang may mainit na palad na humaplos sa puso ko.
"Bakit ko pa pahihirapan ang sarili ko? Dito rin naman nila ako dadal--
"Hey, di po ako aalis!" sigaw pa ng batang lalaki na dala ng isa kong empleyado.
"Sir ito na po." sabi nya sakin. Tumango nalang ako at lumabas na sya.
" Ikaw yung nagpapa iyak kay nanay!" sigaw ng batang lalaki na walang salamin. Na tumabi rin sa mga kapatid nya. Tantya ko ay nasa 7-8 gulang na sila. Di ako nakapag salita at tinitigan ko lang sya. Kahawig nila yung picture na ipinakita sa akin ni papa noon. Sabi nya ako yun.
B-bakit kamuka ko ang mga anak ni Maxine? Wala sa loob kong lumapit sa kanila. Umupo ako sa harap nila at pinagkatitigan sila. Yung buhok, mga mata, ilong at labi nila. Kuha nilang lahat sa akin. Pwera sa babae. Kay Max nya nakuha ang labi nya.
"A-anak kayo ni Max?" Tingin naman silang lahat sakin. I know in my heart they are mine. Nanginginig ang kamay ko. Maxine bakit wala kang sinasabi?
"Muka pobang hindi?" yung batang babae. Ngumiti ako at umiling.
"Hindi naman. Ano pangalan nyo?" nauutal kong tanong.
"I'm Jade Marion Alcantara. Jade nalang po
"Jace Maximus. You make my nanay cry." inis nyang sabi. Maxine cried because of me. I cause her pain. I made her suffer. Napaka sama ko.
" I'm Jazz Mackenzie.. And you are?" tanong nya.
"Jule, Jules Alcantara." nanlaki ang mga mata nila na parang di makapaniwala sa sinabi ko. Lumapit si Jace at tinitigan ako ng malapitan. Maya maya pa ay lumayo na sya. Sakin at parang di makapaniwala.
"I-ikaw" Jace
"Si" Jade
"Tatay?" Jazz.
*blag*
Maxine.
Apat na pares ng mga mata ang mapatitig sakin ng marahas kong nabuksan ang pinto ng office ni Jules.
"Nanay! Nanay si tatay diba sya?" sabay nilang tanong sa akin. Habang hinihila ang damit na suot ko.
Napatingin ako kay Jules napaka tahimik nya pero halata sa mga mata nya ang kagustuhang malaman ang katotohanan.
Wala na akong magagawa. Kapalaran na ang nagdala samin rito. Lumuhod ako at tinignan silang tatlo.
"Di dapat kayo umalis ng walang paalam. Alalang alala si nanay." pagalit kong sabi sa kanila. Isa isa ko silang niyakap at pinag hahalikan sa noo.
"Sorry nanay. You're always crying kasi. Akala namin inaaway ka ng boss mo. " Jade.
" but si tatay yun, diba? Sya si tatay!" Jace.
"Nanay he really looked like us. And his also an Alcantara. " Jazz
Napayuko ako. Sobrang talino ng mga to para pagtaguan. Tinitigan ko ulit sila at hinawakan ang mga pisngi nila.
"Sama muna kayo kay tita Ellha. Kaka usapin ko lang si-si tatay. " hirap kong sabi sabay tingin kay Jules. Napatayo sya at lumapit samin. Umupo sya sa harap ko. Gitna namin ang mga anak namin.
"You're mom and I will talk privately. Can you give us sometime?" tanong ni Jules sa mga anak namin. Nabaling naman ang atensyon nito sa kanya.
"But we want to he--" Jace
"No, Jace lets go. They need to talk. Lets go." sabi ni Jazz.
"But" Jade..
"Nanay, tatay. Alis na kami." Si Jazz at hinila na ang mga kapatid nya papunta kay El. Tumayo kaming dalawa at nagkatitigan hanggang sa maisara ang pinto sa likod ko.
Kinakabahan ako na nanginginig ang katawan ko. Naramdaman ko nalang na lumapit sya at kinabig nya ako payakap sa kanya. Wala akong naging reaction. Ramdam ko ang init ng yakap nya..
"I'm so sorry. Naiwan kita. Sorry" parang ayun ang cue ko at inilabas ko na ang luha ko. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Kasabay ng pag hagulgol ko sa dibdib nya...
---cont