54
LANDER
"Lander!! Someone's calling! Lyka!!" Badtrip na badtrip na sabi ni Marion. Nasa kanya kasi yung phone ko. Nanunuod sya ng Yamato Nadeshiko. Napatakbo naman ako palapit sa kanya at umupo sa tabi nya. Ang sama ng tingin nya sakin. Kakain ng tao. Promise!!
"Dito ka sa tabi ko." Sabi ko at kinuha ang phone ko saka sinagot yun.
"Hi. Ate balita?" Tanong ko na nakangiti pero mukha ni Ate Lyka na umiiyak ang nakita ko. Bakit? At saka bakit parang nasa morgue sila ng HQ? Di lang sya ang naririnig kong umiiyak kundi silang lahat na naiwan roon. "Ate Farrah! Ate Farrah!!" Sigaw ko.
"Bakit ba?" Si ate Farrah at lumapit na sa amin. "Marion, doon ka muna sa mga kuya mo. Ate sa labas tayo." Sabi ko at naglakad na papunta sa labas.
"Bakit ba?" Si ate Farrah pagkalabas namin. Umupo naman ako sa buhanginan tumabi sakin si Ate.
"Lyka? Bat umiiyak ka!? Si Makkie? Luke, Jules? Si Alex? Bakit!?" Kinakabahang sabi ni ate Farrah.
"Nasa morgue ba kayo?" Tanong ko na ikinasinghap ni ate Farrah. Naluluha na ako at ang bigat ng loob ko. Wala parin silang tugon. Iyakan lang sila ng iyakan. Bakit!!?
"TANG INA! LYKA! MAGSALITA KA NAMAN NA!" Galit na galit na sigaw ni Ate Farrah. Bakit ba kasi!?
"Lyka, pwede na daw pumasok." Rinig kong sabi ni Kuya Luke. Saka naglakad si at Lyka papasok sa loob. Sa morgue nga!
"Hoy ano ginagawa nyo dyan!!? May-may namatay ba? Magsalita naman kayo!!" Sigaw ko. Bwisit.
"Far, Bunso. Si Alex, patay na." Nanbitawan ko ang phone ko. Nanghina ako. Si kuya Alex? Patay na? Unti unti akong napatingin sa buhangin. Kitang kita ko si kuya. May kumot hanggang bewang. Kitang kita ang lahat ng sugat nya ang tinahing tyan at dibdib nya. Napaka putla nya na alam mong wala ng buhay.
"Tinatarantado nyo ba kami!!? Ano patay! Hindi agad agad mamamatay yang gagong yan. Kung pinag titripan nyo kami. Papatayin ko kayo!!" Si At Farrah na di na mapigilan ang pagluha.
"Pinatay sya, ng mga Lazaro. Kanina tinapon sya sa harap ng A.Add. tinapon sya ng mga hudas na yun na parang basura!" Si Kuya Makkie at narinig ko nalang ang ilang mga suntok sa pader.
"T@ng !n@! T@ng!n@ talaga!!" Paulit ulit kong sigaw habang nakaupo at nakatitig lang sa nakikita ko sa screen. Mariin na naka yukom ang kamay ko at di mapigilan ang pagluha ko. Hayop sila!!
"Si Jules!! Ano nangyari sa kanya!? Nasan sya!"
"Jules gather every single Hidden Sun member from s-class to E around the world. By now siguradong nagkakagulo na ang Hidden Sun at Lazaro's sa buong mundo. He declare war." Sagot ni Luke. Tama. Tama lang talaga yun. Mauubos sila! Kaylangan na nilang lahat mawala!!
"Wag makapunta punta rito ang putang Selena na yan. Shit shit!" Papatayin ko sya!! Sigaw ni Ate. Napaiyak nalang kami.
Maya maya pa ay namatay na ang tawag. Tumakbo ako papalayo. Siguradong nasa kwarto na ang mga bata pati si Max. Lumayo ako ng kaunti at nagwala sa harap ng dagat habang umiiyak. Ang sakit sakit kasi!! Sila yung tumulong sakin para maabot kung nasaan ako ngayon. They train me to be like this. Si kuya Alex kahit na napaka bwisit nya minsan. Kahit na parang sira na sya. Para parin syang totoong kuya ko na di sumuko sa pag desiplina sakin! Silang lahat na malapit sakin. Sila ang humubog sakin. Tapos mawawala lang ang isa sa pinagkakautangan ko ng buhay! Shit!! Papatayin ko sila!!
Napaupo nalang ako. At umiyak ng umiyak. Bwisit!Naramdaman ko nalang na may yumakap sa likod ko. Kilala ko to. Napatigil ako.
"Just cry, Lander. I'll be here. Just let go everything." Sabi nya. Parang cue ko na yun para umiyak pa ng umiyak.
