24

1.8K 52 7
                                    

24

Maxine

"Hi" bati ko sa lalaking nakaupo sa isang malambot na sofa sa gilid ng upuan sa harap ng garden. Napatingin naman sya sakin at ngumiti.

"Hi." Sabi ni Leighton. Umupo naman ako sa harap nya sa mahabang upuan kaharap nya. Sobra syang namayat pero di naman nabawasan ang kagwapuhan nya. Alas kwatro na ng hapon pero maliwanag parin, siguro dahil magsu-summer na. Mas humahaba na yung umaga kaysa sa gabi.

"Kamusta?" Tanong ko. Di ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Pakiramdam ko kasi kasalanan namin kung bakit sya nagkaganito. Na gu guilt ako.

"Ok lang. Medyo masakit pa pero kaya na." Nakangiti nyang sabi. Nahihiya naman akong tumango at natahimik kami ng matagal.

"I'm sorry." Sabi ko matapos ang mahabang katahimikan. "Nadamay pa kayo ni ate Arc. Di ko yata kayang dalin sa kunsensya ko kung may nagyari ngang masama sayo." Sabi ko pa. Di ako nakatingin sa kanya. Nahihiya kasi akong tignan sya ng harapan.

Naramdaman ko na bahagya syang lumapit at hinawakan ang kamay ko.

"Ano ba sinasabi mo? Wag ka ng ma guilt sa nangyari sakin. Beside wala ka namang kasalanan. We are all victim." Sagot nya na nakangiti pa. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Wahhh naiiyak ako.

"Pano kung namatay ka!? Pano sila? Kahit naman sabihin mo na biktima lang tayong lahat dito. Dahil parin samin kaya ka napunta sa ganung kalagayan." Umiiyak kong sabi at ang loko. Natawa!!! Loko lokong lalaking yun!! Loko loko talaga sya!! Naramdaman ko namang tumayo sya at tumabi sakin saka umakbay.

"You know what. Nung oras na nabaril ako. Pakiramdam ko. Wala akong kwentang tao. Dahil ko nagawa na ipagtapat sa inyo ang nangyari. I pray to God to give me second chance to live. Second chance to make things right. Chance to tell truth and everything I know.

"Max, kami dapat ang mahiya sayo. I let you and your kids live without Jules. Hinayaan ko na halos walong taon kayong magkalayo na alam ko naman na dapat kayo ang magkasama. I should be the one to say sorry. Max. I'm so sorry"

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi nya ang mga katagang yun. Matapos nun ay ngumiti sya at hinawakan ang ulo ko sabay marahan na ginulo ang buhok ko.

"Tell me why. Alam kong may rason kayo na ate Arc. Bakit?" Napabuntong hininga sya at inalisa pagkaka akbay sakin saka hinawakan ang kamay ko.

"Alam kong gusto mong malaman ang lahat but I dont want you to be hurt. Let Jules fix everything for the both of you. I know he is more than capable of doing things. I'm sure in no time it will be fine." Sya. Napabuntong hininga nalang ako. Sana nga. Sana nga talaga maging maayos na ang lahat.

"Sana nga. Sana nga." Sagot ko at tumango nalang.

"NANAY!! NANAY!!! BILIS!!!!" Sigaw ni Jade kasama si Air na walang paki sa mundo. Katunayan parang manika ni Jade si Air kasi hawak hawak nya ito kahit saan. Kasi mga daw little sister-in-law nya ito. Grave sila! Binenta na ang future sister nila kay Fire!

Napatayo naman ako.

"Why?" Tanong ko.

"I don't know! But we have to go somewhere I don't know. Cause someone I don't know is waiting!!!!" Sigaw nya. Napatingin ako kay Lei. Nakakunot din ang noo nya. Ano daw?

"Anak babaliw ka na ba?" Tanong ko. Napakamot sya sa ulo nya at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Don't think too much and let's go!!" Sabi nito at hinila na rin ako. Hay.. Ano ba yan. Nag pa hila nalang ako hanggang sa makarating kami sa balcony sa tapat ng pool side. Agad naman akong lumapit doon at tumingin sa ibaba.

Forlorn VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon