49

1K 37 7
                                    

49

MAXINE

"So pinadala ka ni Jules dito?" Tanong ko habang nakaupo sa isang single chair dito. Nakapagitna sya sa dalawa kong anak na lalaki at nakakandong naman sa kanya si Jade na ayaw syang pakawalan. Kain ito ng kain ng dark chocolate na gustong gusto nya at panaka nakang sinusubuan si Lander.

"Opo. Mabuti na rin po kasing may kasama kayong lalaki. Lalo na sa kalagayan ni mrs A."

"Ganun ba. Si Jules maayos ba sya doon? Di naman sya napahamak diba?" Tanong ko. Nag aalala na talaga ako sa asawa ko.

"Maayos po si mr. A. Good news pa nga po. Dahil bumalik na ala ala nya and alam na rin ng papa mo lahat ng nagyari years ago. Nagtutulungan sila ngayon." Napangiti ako. Bumalik na ang ala-ala nya. Mabuti naman. Saka tanggap na sya ni papa!? Napaiyak ako. Ang saya saya ko sobra. Itong pangyayari nalang na ito ang hadlang sa aming dalawa. Sana talaga matapos na ito.

"Si Amon? Ano balita sa kanya?" Napatingin ako kay Lana na halatang halata ang takot sa mga mata nya. Tumingin naman ako kay Lander na parang walang maisagot. Kinabahan ako. May masama bang nangyari kay kuya?

"I'm- I'm sorry" sagot nya. Anong I'm sorry? Bakit!?

"Ano ba nangyayari?" Tanong ko.

"Anak layo muna kayo samin doon muna kayo sa labas may pag uusapan lang kami pwede ba?" Paiyak ng sabi ni Lana pero pinipilit parin nyang ngumiti. Kinakabahan ako sobra!

"Ok po. Bro labas tayo. Jade you should come with us. Now" si Alister. Tumayo naman silang lahat. Si Alister makulit at pala ngiti pero parang si Kuya pag nag seryoso. Kaylangan nyong sundin. Nakakatakot yan.

"Tawag nyo nalang po kami. Bye bye." Si Jade. Bago pa umalis sa kandungan ni Lander ay nakatikim pa ng halik sa ulo.

"Be careful. Guys remember what I said." Paalala pa ni Lander sa mga bata.

"Ok kuya got it." Si Jazz at umalis na sila.

"So ano na nangyari?" Tanong ko. Napabuntong hininga naman si Lander.

"The night you call mr. A. Pinuntahan nila agad yung lugar kung saan mo tinuro. They saw his car, keys and phone but he's not there. He was abducted that night and we think its Selena's plan." Narinig ko nalang na umiyak si Lana. Agad ko syang pinuntahan at niyakap. Nanginginig sya. Naaalala nanaman nya siguro ang nangyari dati, noong mga panahong yun ng buhay nila. (Kung di nyo pa po nababasa yung FuBu story po yun ni Lana at Amon. COMPLETED na sya sa wattpad and Fb.

Hanapin nyo nalang po. Salamat.)

Di na ako nagsalita. Hinayaan ko lang na umiyak sya sa yakap ko. Ano ba tong nangyayari sa amin. Ang kuya ko. Shit! Wala talagang puso si Ate!!

"Ginagawa na ni mr.A ang lahat para mahanap si Mr. Lazerna." Sagot ni Lander. Tumango nalang ako.

"Salamat Lander at narito ka." Sabi ko.

"No prob mrs. A. Siguro puntahan ko na muna yung mga bata. Excuse po." Sabi nya at umalis na. Naiwan kami ni Lana rito. Iyak lang sya ng iyak. Di ko alam kung paano pagagaanin ang loon nya dahil napakabigat din ng sa akin.

"Max, I can't--"

"Shhh walang mapapahamak. Uuwi si kuya. Di sya mapapano." Ayun nalang ang sabi ko. Sana sana talaga. Di ko rin kakayanin kung mawawalan ako ng kapatid.

--------------------------------


MAXINE

"Anak, tulog na." Tawag ko sa mga anak ko at kay Alister na kalaro si Lander. Napaka bait nya sa bata. Pero alam kong iba ang kay Jade. Alam ko sa mga tingin nya.

Forlorn VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon