14
"Umiiyak nanaman si nanay." sumbong ni Jace sa mga kapatid nya nanunuod ng adventure time. Umupo sya sa tabi ni Jade na katabi rin si Jazz.
"Lagi nalang sya umiiyak simula nung nagtrabaho sya." si Jade na kinakain ang waffer ni Jazz. Napatingin naman ang dalawa sa kanya.
"Baka. Inaaway nya si nanay!" Jace.
" Awayin din natin sya!" jazz.
"sige!" *-* yung dalawa. Talagang alam na alam nila ang utak ng isa't isa. Naghanda na sila sa binabalak nilang pagsugod. Si Jace ay naghakot ng apple si Jade naman ay chocolate at naghanda ng tatlong face mask para sa kanilang tatlo at si Jazz naman ay pera, libro at waffer.
"Ok na?" Tanong ni Jazz sa mga kapatid.
"Wait paalam lang ako." sabi ni jace at nagsulat na sa papel. "dear lola Teresa and nanay. Pupunta kami sa. Saan nga ba tayo pupunta?" napakamot nalang sa ulo ang mga kapatid nya.
"A. Add blg." si jazz. Tatango tango naman si Jace.
"A + bill."
" ano yan? Bat ganyan?" jade naguluhan kasi ito sa A+bill ni jace.
"basta. Ps wala na pong waffer,chocolates at apple. Paki bilan nalang po kami. Love triplets. Ayan na. Lina kayo." inilagay jace ang papel sa center table at umalis na sila ng unit nila.
JULES
"Wait El. Si Max? Ilang araw na syang di pumapasok." Tanong ko kay Ellha na lutang rin. 2 araw matapos na may mangyari samin. Nagising akong wala sya at hanggang ngayon ay di sya. Nagpapakita sakin.
"Wala po sir. Wala naman syang nasabi. Lunch na po sir. Di pa po ba kayo kakain?"
Halatang tinataguan nya ako. Sabi nya mahal nya ako. Pero bakit lumalayo sya!? I dont know but I think I feel the same way too. My mind have no memories of her but my heart tells me that she will complete me and she's the only one can do that to me. Yes, narinig ko ang sinabi nya. Pero bakit di nya ako harapin at sabihin nya iyon sa harap ko!?
"May tatlong bata na gumagala sa building. Please paki dala po sila sa control room. Sobra po nilang talino kaya maaaring matakasan nila kayo." boses ng guard sa intercall. Paanong may nakapasok na bata dito!
"Max! Meron nga... Tatlo... Mga anak mo yun!? Sige sige hahanapin namin" Anak ni Max? Bakit parang nakaramdam ako ng tuwa at excitement?
Mabilis kong pinindot ang botton para makaconnect sa control room.
"Bring those kids here." sabi ko at tumingin na kay El.
"Papuntahin mo si Max dito pag dumating sya." tumango sya.
"opo sir." yumuko sya at umalis na.
Nakangiti akong sumandal sa upuan ko.
Di mo ko matatakasan ng matagal, Maxine. Hindi.
MAXINE
"Maxine anak ano ba nangyayari sayo?" nag aalalang tanong ni manang sakin.
Pakiramdam ko kasi ang sama sama ko. Bakit di ko naaalala si ate sa twing magkasama kami? At sa twing handa na akong mag pakilala kay Jules ay doon naman sumasampal sakin ang katotohanan na may ibang nagmamay ari na sa kanya at hindi na sya sa akin.
"Manang ang sakit sakit na po kasi. Lagi nalang ako yung talo. Lagi nalang ako ang naiiwan. Bakit lagi nalang ako ang nasasaktan? Bakit ako lagi ang dapat mag sakripisyo?" para akong bata na nagsusumbong sa ina ko. Kung nandito lang sana si mama. Sana may karamay ako. Sana di ganito kahirap.
*flashback*
Nakatitig lamang ako sa mukha ni Jules na payapang natutulog sa tabi ko. Ang gwapo nya at bumagay sa kanya ang blonde nyang buhok. Noon pa man halata nang blonde ang buhok nya ewan ko ba sa kanya. Pinapakulayan pa nya ng black. Mas naging manly ang itsura nya. Pumuti sya ng sobra. Ngayon lumabas ang totoong features nya at mas lalong gumwapo sya sa paningin ko.
"Hubby, gising na. May sasabihin pa ako sayo." bulong ko kasabay ng paghalik ko sa noo nya pababa sa ilong nya hanggang sa labi nya.
" Max." usal nya pero halatang tulog parin sya. Buong gabi ba naman nya ako angkinin eh. Nagising kasi ako kagabi na may lumalagos sakin ng mabilis. Pagtingin ko sya yun. Nginitian nya lang ako at ako naman nagpaubaya na. Haha mahal ko eh.
"I love you. I love y--"
Tumunog yung phone ni Jules. Kinuha ko yun at tiningnan ko kung sino yun. Si ate. Nagtatalo ang sistema ko kung sasagutin ko yun o hindi. Pikit mata ko iyong sinagot at itinapat sa tenga ko habang nakatitig kay Jules.
"Hon. Good morning." masaya nitong bungad. Di ako makapagsalita. Ano ba sasabihin ko?
" ok no need to say anything. I just wanna tell you that I'll be there next month. I have big big big news for you. I love you. Hintay mo ko. Let's get married when I back home.." sabi nya at pinatay na yung tawag. Ano yung balita na yun? Di kaya.
Napalayo ako kay Jules. No wag naman sana. Please. Napaiyak nalang ako. Di pwedeng magkaka anak sila. Pano kami?
Napatayo ako at nagmadaling mag ayos ng sarili at tuloy tuloy na umalis ng building.
*end of flashback*
"Maxine, Diyos ko ano bang nangyayari sa buhay mo." mahigpit ko syang niyakap at umiyak ng umiyak.
" manang paano kami kung gagawa na rin sila ng pamilya!? Matagal ng nangulila ang mga anak ko. Kaylangan nila ang tatay nila."
"Anak. Dalawa lang naman ang pagpipilian mo. Kung lalaban ka para sa mga anak mo o mananahimik ka para sa ikakabuti ng lahat." hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at iniharap nya ako sa kanya. "Puso mo ang sundin mo anak. Matagal ka nang nag irap. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na maging masaya. " ngumiti nalang ako at yumakap sa kanya. Maya maya pa ay lumabas na ito pero...
"MAXINE SILA JACE, NAWAWALA!"
---------------------------
