53

1.1K 36 1
                                    

53

"Shit!!" Halos wala na sa katinuang daing ni Alex ng maramdaman nya ang maliit na kutsilyong humiwa sa tyan nya mababaw lamang iyon ngunit napakasakit. Samahan pa ng ilan pa nyang mga sugat.

"Magsalita ka nalang kasi Alex! Wala namang mawawala sayo diba? Mag ta traydor ka lang naman." Natatawang sabi ni Selena matapos nun ay dinilaan ang kamay nya ma puro dugo nito.

Napangisi naman si Alex. Napaka tanga nya talaga. Ayun ang iniisip nya. Di nya alam kung ano ang nangyari. Ang alam lang nya ay nagmamanman sya sa lugar kung saan dinala si Amon. Ng pauwi na sya ay biglang may bumangga sa kotse nya. Pag gising nya nakatali na ang dalawang kamay nya at nakabitin na sya. Napaka pabaya nya talaga.

"Just kill me." Sagot nya. Di sya takot mamatay. Mas takot syang gamitin laban sa mga kaibigan nya at di nya iyon mapapayagan. Mamatay nalang sya kaysa naman maging traydor sya. "Ahhh!! Fuck!!" Sigaw nya ng maramdaman nyang may tumusok ng ilang beses sa tagliran nya.

Halos mabaliw na sya sa sakit pero matatag parin sya.

"Sabihin mo nalang kasi! Ano pa ba!?" Galit ma galit na sabi ni Selena. Bwisit na bwisit na sya. Gusto na nyang na nyang makuha ang anak nya. At ofcourse mapatay si Jules at ang buong pamilya nito.

"Kahit anong gawin mo. Wala kang mapapala sakin. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa pagtaksilan ang mahahalagang tao sakin. Naiintindihan mo ba yun? Malamang hindi. Dahil wala kang puso! Hinding hindi mo na makukuha si Sabrina. Si Maxine ang kikilalanin nyang nanay at hindi ang baliw na tulad mo!" Sigaw ni Alex. Na lalong kinagalit ni Selena.

"Hinding hindi yon mangyayari!! Anak ko si Sabrina akin sya! Uubusin ko kayo! Kung di kita mapagsasalita. Gagamitin kita para sila ang lumapit sakin! Wala kang kwenta!" Sigaw ni Selena at pinagsasaksak ang dibdib ni Alex. Di sya dumaing ni lumuha manlang.

Masakit sa kanya na di na sya mabubuhay pa pero ok na yun para sa kanya kaysa naman magamit sya laban sa mga taong tinuring nyang pamilya.

Napadilat nalang sya at ngumiti. Nanlaki naman ang mga mata ni Selena at napatigil sa ginagawa.

"You cannot defeat Hidden Sun. You cannot destroy my family." Nahihirapang sabi nito. Maya maya pa ay unti unti ng pumikit ang mga mata nito at binawian na ng buhay.

Napangisi si Selena. At sinaksak na itong muli at iniwan na roon ang kutsilyo. Sinigurado nyang di ito matatanggal. Nasa handle nito ang emblem ng Lazaro. At ipapamukha nya kay Jules na iisa isahin nya silang lahat.

"Itapon nyo na yan. Sa A.Add building alam kong naroon sya ngayon." Sabi ni Selena na may ngiting mala demonyo sa mukha habang naglalakad at inaalis ang surgical gloves na ginamit nya.

"Yes ma'am!" Sagot ng mga ito at ibinaba na ang walang buhay na si Alex.

---------

"What the fuck!!! Wala parin bang Alex na nagpapakita!!" Sigaw ni Jules na bwisit na bwisit na. Mababaril nya talaga ito! Nakita kasi nila ang sasakyan nito na sira sira sa isang daan malapit sa site kung saan dinala si Amon.

"Mabibigwasan ko ang lalaking yun pag di pa nagpakita!!" Sigaw naman ni Lyka. Katunayan nga ay ganun ang nararamdaman nilang lahat ngayon. Magkakapatid na ang turingan nila. Ayaw nilang may mawawala sa kanila.

Forlorn VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon