16
Maxine
"Max, I'm sorry wala akong alam. Walang nagsabi na may pamilya ako na nandyan pala kayo. I' m so sorry."Pag hingi nya ng tawad sa akin. Kumalas ako sa kanya at pinag katitigan sya sa mata habang sapo ko ang kaliwa nyang pisngi at hinaplos ko iyon.
"Di mo ginusto ang nangyari. Wala kang dapat ihingi ng tawad. Akala ko noon totoo sinabi ni Lei noon. Na patay ka na. Halos mawasak ako ng sabihin nila yon. Pero eto ka. Buhay at humihinga." di ko mapigilan ang mga luha ko. Akala ko matatagalan pa bago ko sya mahawakan ng ganito. Napaka saya ko.
Nangunot ang noo nya.
"Si Lei. Bat di ka nya ikwinento sa-
"Takot lang si Lei. May humahabol satin noon. Baka takot lang sya na madamay ang pamilya nya. Wag kang magalit kay Leighton. Please." paki usap ko. Tumango sya at hinalikan ako sa labi. Sandali lamang iyon at ipinatong nya ang noo nya sa noo ko.
"I feel complete. Wala akong memorya na magkasama tayo pero ang puso ko. Kilalang kilala ka. Na ikaw lang bubuo sakin. Ikaw at ang mga anak natin. Napangiti ako. Napaka saya ko. Sobra.
"Gagawa tayo ng panibago. Wala na ang nakaraan. Wag mo ng isipin yun. Mahalaga nandito ka na."
"Bakit di mo agad sinabi? Nasaktan kita ng di ko alam."
Natahimik ako. Si ate. Bakit ko nga ba sya nakalimutan. Napalayo ako ng kaunti sa kanya.
"why?"
"You're my sister's boyfriend. Paano ko ba yun nalimutan? Masasaktan sya pag nala--
"Hey hey Max, Max saka na natin sya isipin. Basta ngayon magkasama na tayo. " sabi nya na parang wala lang sa kanya ang problemang yun.
"Masasaktan sya."
"Ginusto nyang pagtaguan ako ng katotohanan. Please, lets just forget her." tumago tango nalang ako.. "I want to ask if we are married. We have ring and you said I'm your husband."
"We're not. I'm only 16 back then when you- uhhm never mind. " muntik ko pang masabi.
"We're not.. So... Lets get married" nganga ako. Ano daw? Nginitian nya ako at hinila palabas.
"Ellha bring my kids. I'll marry their mom"
----------------------------
"Thank you, judge." sabi ni Jules sabay shake hands rito ng matapos ang kasal daw namin. Sa Huwes lang kami kinasal para madalian daw. Tapos saka na daw yung church wedding pagmaayos na ang lahat.
Go with the flow lang ako sa nangyari. Mula sa pag hila sakin ni Jules palabas ng building, pagbili nya ng puting dress sa nadaanan lang naming botique. Hanggang rito sa huwes. Nagkaproblema lang sa lalaking witness. Buti nalang free si Trigger at malapit sya dito kaya sya ang nahatak ko.
Marami pa silang napag usapan ng judge hanggang sa lumabas na rin kaming lahat.
"Wife?" napatingin ako kay Jules na nakayapos sa akin. Nauuna sila El na gustong gusto ng mga anak ko. Si Trig nasa likod namin at matiim na nakatitig.
"Yes ok lang ako." sagot ko na may ngiti sa labi. Napangiti naman sya at hinalikan ako sa ulo.
"I'll just get the car. Wait for me here, ok?" sya. Hinalikan nya ako sa labi at kumalas na sa akin.
"Tatay! Sama!" paglalambing ni Jade sa ama.
"Ako din!" si Jace. Natawa naman si Jules. Kinarga ni Jules si Jade at hinawakan naman ni Jules ang kamay ni Jace at nakahawak sa coat nya si Jazz indikasyon na sasama rin ito. Natatawa pa si Jules at nagsimula na silang maglakad. Napangiti ako. Ito yung namiss nila. Yung alaga ng ama.
"Max!" napatingin ako kay Trig na halatang naguguluhan.
"Max,bakit ka pinakasalan ng kuya ni Anthony? Bakit tatay taw-- don't tell me si Jules ang rapist mo?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Alam kong narinig ni El ang sinabi ni Trigger.
"Trig you don't know the real story. Don't judge him. Please" paki usap ko. Natahimik naman sila.
"Trig, kilala mo ko. Di ko sya mamahalin kung masama syang tao. Wala sanang makaalam sa kasal na--
"Anong walang makaalam? Bakit?"
Napatingin ako sa pinanggaling ng boses.
"Jules."
"Thank you for being our witness. Trigger, Ellha. I really appreciate it." mabigat ang bawat kataga nito at halatang inis na inis ito sa narinig. Hay sana lang nakikinig na ito ngayon pag galit sya.
"And as for you my dear wife. We will talk. We'll gonna talk." hinawakan nya ang isang kamay ko at marahan na hinila papunta sa kotseng kinalululanan na ng mga anak namin. Isinakay nya ako sa passenger seat ng kotse nya at sumunod naman sya. Pinaandar nya agad yung kotse. Tahimik at cold lang sya. Di nya talaga nagustuhan ang sinabi ko.
" Nanay tatay kila lolo muna kaya kami?" tanong ni Jade. Napatingin naman ako sa kanila na nag sisikuhan pa.
"O-opo. Para may time kayo ni tatay." sabi naman ni Jace. Halatang scripted.
Napatingin ako kay Jules. Maybe kaylangan muna naming pag usapan lahat ng nangyari.
"Pwede rin. Sige kung ayun. Gusto nyo." nagtanguan sila. Napatingin nalang ako sa ama nila. "Kila papa muna." sabi ko at itinuro ko na rin yung adress.
--
Kalalabas lang ng kotse ng mga anak namin at naiwan kaming dalawa sa loob. Inis parin sya. Hay v.v
I'll just wait here. Di mo rin naman ako ipakikilala diba?" sya. Na may halong hinanakit. Bumuntong hininga nalang ako at bumaba.
"Mga anak. May sasabihin si nanay." tawag ko sa kanila nag silapitan naman sila. Umupo ako.
"Di nyo pwedeng sabihin sa lahat na nakita na natin si tatay." parang naguguluhan sa sinabi ko.
"Bakit naman po?" tanong ni jade
"I want to tell Allister that we found tatay." si Jace. Napabuntong hining ako. Ayoko rin naman gawin to pero kaylangan.
"Alam nyo namang galit si lolo at tito kay Tatay. Gusto nyo bang awayin nila si tatay?" tanong ko. Umiling naman sila. "Secret muna natin si tatay ok."
"Ok po." malungkot nilang sabi. Niyakap ko nalang sila.
"Wow!" napatingin ako sa kabubukas na gate. Si tita Leila kasama si Allister.
"Maxine. Napadalaw ka." Sabi nito lumapit naman ako sa kanya at humalik sa pisngi. Humalik naman sa pisngi ko si Allister at nakipaglaro na sa mga pinsan niya.
"pumasok ka muna. Matutuwa papa mo pag nakita ka." tita. Ngumiti naman ako at hinawakan ang kamay nya.
"Di na po tita. Paki hi nalang ako kay papa. Hinatid ko lang po yung mga bata dito. Nagpupumilit po eh." sagot ko. Ngumiti ito at pinisil ang kamay ko.
" Ganun ba?" malungkot nyang sabi.
"Alis na po ako." tumango nalang sya ako naman ay bumalik sa kotse.
Tinignan ko si Jules at hinawakan ang kamay nya.
"I explane why. " sabi ko. Tinignan nya lang ako at pinatakbo na ang sasakyan.
Hay sana makinig sya.