8
MAXINE
Nasa hospital kami at nasa labas lang ako ng kwarto nya. Samantalang lahat sila ay nasa loob. Ano nga ba naman kasi ako diba? Isang secretary lang naman ako.
Ok na si Jules. Over fatigue and stress lang daw ito dahil sa dami ng trabaho nito. Nandito na rin si Ate at sya ang nagbabantay kay Jules. Gusto kong naroon din ako sa loob gusto kong ako ang una nyang makita pero di pwede. Dahil wala na ako sa buhay nya. Di na kami kasali sa pinapahalagahan nya.
May lumabas ng kwarto at napatingin ako. Si Anthony. Di ako makapaniwalang magkapatid sila. Ano yun? Niloloko ako ng tadhana? Ginagago. Winawalanghiya. Parang napaka landi kong babae. Imagine magkapatid ang nakagamit sakin. Lanya parang tinuhog ko sila ng di ko alam.
Umupo sya sa tabi ko at niyakap ako.
"Ok na sya Max." Sabi nito. Tumango naman ako. Pero gusto ko talagang makita kung totoong ok sya na. Nakaka asar tong buhay na to!!
"Pano kayo naging magkapatid? Magkaiba apelyido nyo? Step of half brother?" Tanong ko sa kanya.
"Totoo kaming magkapatid kayalang naipanganak sya ni mama na di sya kilala ni papa so ang ginamit nyang surname is kay mama. Di na nya pinapalitan cause doon na sya nasanay." Tumango nalang ako para di nya mahalata na gulat na gulat ako sa mga nalaman ko.
"Ihahatid na kita." Sya. Tumingin ako sa kanya at umiling. Di ko kaylangan gusto kong mag isa.
"Ako nalang. " Sabi ko. Umangal pa sya pero ako parin ang nasunod. Para akong lutang na naglalakad palabas ng hospital.
Lakad lang ako ng lakad sa daan. Nabubungo pero walang paki alam. Ano ba nagyayari sa buhay ko. Bakit ganito.
Nadaan ako sa isang bar. Walang dalawang isip na pumasok ako roon at nagpakalango sa alak.
--------
Zephyr"Ang daming chix." Sabi ni Peter na parang manyak kung makatingin sa mga babae tss kahit naman di nya manyakin sa tingin yung babae. Babae na mismo tatakbo sa kandungan nya para mapunta sa langit.
Nasa bar kami dahil na rin successful ang nangyaring photo shot at nabayaran na rin kami. Easy money, right? Muka lang ang puhunan at katawan. Sa sobrang gwapo at hot ko syempre sisikat ako hahaha.
"Hoy may nabalitaan ako. May babae daw na di tumalab ang charm mo?" sya na may babae ng nakakandong.
Ayun pa nga ang isang dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Langya sa kaperpektuhan kong to di nahumaling ang babaeng yun sakin. Pandak na yun. Ang hot nya kasi tapos ang ganda pa. Di halatang tatlo na anak. Shete ang swerte nakakuha roon.
"ewan ko. Tomboy yata." Inis kong sabi. Napatigil ako sa pag inom ng alak ng may matanaw akong babae sa harap ng bartender. Yumuyugyog ang nga balikat nito at nakayuko. Sa damit palang kilalang kilala ko na sya. Si Maxine yes alam ko na name nya. Yung boss nya kasi sinabi kanina...
Tumayo ako at di ko na pinansin lahat ng tumatawag sakin. Nilapitan ko agad sya.. Umiiyak nga sya. Parang lumambot ang puso ko sa nakikita ko. Sobrang hard pa ng iniinom nya. Halatang halata na nasasaktan sya...
"Bakit di nalang kami bumalik sa dati? Bakit nya kami kinalimutan? Nangako sya eh. Nangako sya. Bakit di nya tinupad!?" Umiiyak nitong sabi na halatang langong lango na sa alak.
"Hoy masungit!" Sigaw ko. Napatingin naman sya. Mas lalo akong naawa sa kanya. Kita ko yung sakit na nararamdaman nya. Kitang kita sa mukha nya na hirap na hirap na sya. Tulad ng unang kita ko sa kanya. Bakit?
"Mahangin. *sob* keya pala humangin ng malakash ditoh...." Lasing nyang pamumwisit sakin sabay iyak naman. Di na nito kaya.
"Boss kaylan pa to dito?" Tanong ko sa bartender.