51
"Hi, love!!" Sigaw ni Farrah ng na nasa kama. May table kasi syang nilagay doon. Yung sa hospital yung nasa gilid yung paa nya para kaharap ng tao yung table kahit naka higa. Para daw maging komportable ako. Lalo na sa laki ng tyan ko. Nasa harap ko sya at nakaharap sa kanya yung laptop.
"Love. Bakit? May problema ba? Gusto yatang mag video---" Tanong naman ni Makkie.
"Tarantado! Di ikaw kaylangan ko. Si Jules nandyan ba sya?!" Badtrip na sabi ni Farrah.
"Wahhh si Mr. An pinagpalit---
"Manahimik bwisit! Nandito asawa nya bwisit! Bilisan mo baka masapak pa kita. Tawagin mo sya!!" Natawa nalang ako. Kasi naman. Haha ang cute nila!
"Wahh sige sige! Mr. JULES ALCANTARA! TAWAG KA DITO!" sigaw ni Makkie. Natawa nalang ako. Ang ingay nya!
Natawa nalang ako. Ang kulit nya rin kasi. Tinapat na sakin ni Farrah yung Laptop. Kita ko agad si Makkie.
"What! Tadyak gusto mo? Sino ba yan? I told you not to recieve any call. Tell them Im busy" Galit na sabi ni Jules. Napasimangot ako.
"Importanteng importante lang kasi." Sabi naman ni Makkie.
"Mamaya na." Sabi pa nito. Napa simangot ako.
"Langya naman kasi Makkie!! Sabihin mo asawa nya tumatawag!! Kung ayaw parin nya hinding hindi na kami babalik dyan! Understand!!" Sabi ko.
"Yes mam! Mr. A. Asawa nyo daw po tumatawag pag diba----"
"What!? si Max?" Natawa ako ng may marinig akong kumalabog. Ano yun? Hahaha.
JULES
"Naka deploy na po lahat ng units natin." Sabi ng isa kong tauhan na nakaharap sa monitor. Habang ako ay naka tayo sa likod nila at tinitignan ang bawat ginagawa nila.
"Good, search all areas. Kahit na private property pa yan. We need mr. Lazerna alive understand?" Sabi ko sa kanila.
"Yes boss!!!" Sabi nila at nagpatuloy na sa pag tatrabaho.
Hay, ano ba yan? Naiinis na ako! Di na ako nakakatulog ng maayos. Bwisit!
Dapat talaga nilagyan ko ng tracking device ang loko lokong yun. Bwisit!
Tahimik at maayos silang nagtatrabaho ng bumukas ang pinto sa likod ko. Para syang sliding door na nahahati sa gitna and computer operated. Napatingin ako roon. Office ko ang katugon ng pinto na yun. Tanging trusted member lang ang may access roon.
Si Makkie pala at dala dala ang laptop nya. Ngiting tagumpay. Di ko nalang sya pinansin.
"Wahh sige sige!! Mr. JULES ALCANTARA!!! TAWAG KA DITO!!" Sigaw ng isip bata na sya. Napabuntong hininga nalang ako samantalang yung mga nagtatrabaho rito ayun di mapigilang di matawa. Nakakahiya sya.
Tauhan pa naman nya ang nandito.
"What! Tadyak gusto mo? Sino ba yan? I told you not to recieve any call. Tell them Im busy" napagsabihan ko na kasi sya ang kulit nya. Hay.
"Importanteng importante lang kasi." Sabi pa nito
"Mamaya na." Sabi ko at di na sya pinansin. Natahimik naman sya sandali.
"Yes mam! Mr. A. Asawa nyo daw po tumatawag pag diba----"
"What!? si Max?" Sigaw ko dahil sa gulat. Pucha!
Agad akong napatakbo. Pero dahil sa katangahan at sa kamamadali ko ayun nadapa ako. Tangna!! Makkie papatayin kita!!
Rinig ko yung mahihinang tawanan nila. Napatayo ako agad saka maayos at nagmamadaling lumakad.