2

2.7K 73 2
                                    


2

MAXINE

"Max"

"Sir Leighton." Tumayo si El at yumuko ng kaunti. Kilala sya dito!? Bakit sya nandito!? Nanlalaki ang mga mata nya na parang pinapawisan sya ng malagkit.

"Ano ginagawa mo dito? Max?" Tanong nya. Pinipigilan ko yung inis sa loob ko. I last saw them 7 years ago. Yung iniwan nila ako sa labas ng bahay ni papa. Yung inilayo nya kami ng mga anak ko kay Jules.

"Work. " Matipid kong sagot. Kahit na ayokong magalit di ko mapigilan. Napatingin sya sa labas tapos dali dali akong hinawakan patayo.

"Ano ba Lei?" ako. Habang nagpupumiglas. Pero di nya ako binitawan hanggang makarating kami sa kusina. 

"Ano ba---uhhhmmmp!!" Sigaw ko pero tinakpan nya ng kamay nya ang bibig ko... 

"Sandali lang." Bulong nya. Ano ba kasi kaylangan nya. Bakit nya ako pinasok dito!? Di ako tumitigil sa pagpupumiglas. Kaya lang sinandal nya ako sa pader inipit nya ang buong katawan ko gamit ang sa kanya at nakatakip parin ng kamay nya ang bibig ko. Di ako makagalaw dahil na rin sa lakas at laki nya. 

"Good morning, sir." Rinig kong sabi ni El sa labas. Napapikit si Lei. 

"Good morning. Have you seen Lei? Where's my new secretary?" Tanong ng lalaki sa labas. Nawalan ako ng lakas na pumalag at parang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kilala ko yun. Yung boses na yun. Lumaki at lumalim lang ng unti pero sya parin yun. Ramdam parin ng puso ko na sya ang lalaking mahal ko na sya yung lalaking hinanap ng puso ko sa loob ng 7 taon.

"HERE COFFEE!!" Sigaw ni Lei. Bakit ayaw nya akong ipakita kay Jules! Bakit tinatago nya ako! Ayaw ba nya kami magkita? Ano ba nangyayari!! Gusto kong lumabas at yakapin ito ng sobrang higpit pero nakaipit ako kay Leighton. Napaiyak nalang ako. Gusto ko na syang makita!

"Ok. Spare her Lei. Tss. El I have to discuss you." sabi pa nito at narinig ko nang pumasok ito at isa pang pintuan. Sya... Sya si Mr. Alcantara. Yung pagtatrabahuhan ko. Yung boss ko. Asawa ko ang boss ko!? Lumayo si Lei pero malaki nya iyong pagkakamali dahil pagkalayong pagkalayo nya ay sinampal ko sya ng sobrang lakas. Tig dalawang beses sa magkabila nyang pisngi. Hayop sya! 

"Anong kasalanan ko sayo. Bakit mo sya nilayo sakin. Bakit mo sya nilayo samin ng mga anak nya? Bakit sya umalis! Bakit nya kami iniwan!!" napayuko sya. Bakit!?

"Sorry Max." 

"Sorry! May magagawa ba sorry mo? Iniwan nya kami at pinagtakpan mo sya. Bakit!? Panong sinabi nya nalang na ayaw nya samin na ayaw nya ng responsibilidad. Hindi yung biglaan yung walang pasabi. Alam nyo kung bakit? Masakit kasi. Masakit dito!? *turo ko sa dibdib ko* sobrang sakit. Alam nyo ba yun!? Sobra!" niyakap nya ako pero pumalag ako. "Bitawan mo ko!" 

"I'm sorry, Maxine. Para rin sayo ang ginawa namin. Mas inuna namin ang ikabubuti mo." buong lakas ko syang tinulak. Anong para sakin! Para saktan ako!! Para pagmukain akong tanga.

"Para sakin, para sakin? Para sa ikabubuti ko? Ikinabuti ko ba ang pag iyak gabi gabi!? Ikinabuti ko ba ang pangungulila ko sa kanya sa araw araw na nagdaan sa loob ng pitong taon! Ikinabuti ba ng mga anak ko na lumaki silang walang ama!!! Sabihin mo Lei!! Sabihin mo!!!" Sigaw ko. Natahimik naman sya at di makapag salita. Lalabas na sana ako dahil gustong gusto ko ng mahalikan si Jules. Pero pinigilan nya ako.

"Bitaw!" 

"You can't. He's not your Jules any more. Di ka na sya kilala. Wala syang alam sa nakaraan nya." Ito. Tinawanan ko sya ng pagak.

"Di nya ako kakalimutan. Inaakan nya ako! Pinamahal nya ako sa kanya! Tapos lalayo sya. Hindi hindi ako papayag!"

"Di mo alam ang sitwasyon! Di nya rin gusto ang nangyari pero ito na yun! Wala syang maalala! Na aksidente sya pitong taon na nakakaraan! At ngayon may amnesia sya... Wala ng Maxine sa buhay nya! Walang rape, walang Ilocos, walang mga anak! Di ka nya kilala!" sigaw nya. 

Natahimik ako.. 

Hindi.... Hindi totoo yun.....

-----

Wag mong ipilit kay Jules ang sarili mo. Kung ayaw mong lumayo sya sayo ng tuluyan.

Paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko ang mga sinabi nya. Totoo ba yun? Na kinalimutan na nya ako at lahat ng napag daanan namin. Totoo bang di na nya ako kilala at ang mga anak nya!? 

Ikaw at ako habang buhay. Kahit na siguro malayo ako sa iyo. Gagawa at gagawa ng paraan ang puso ko makabalik ang sa tabi mo.... 

Napangiti ako. Totoo nga sinabi nya... Totoong bumalik sya. Pero bat naman ganito!? Masakit eh. Sobra! Huminga ako ng malalim at kumatok na. Dala ko ang dalawang mug ng coffee for Leighton and Hot Choco for Jules. Di sya nagkakape. Acidic sya. Sumasakit sikmura nya pag nagkakape sya. Pinagbuksan naman ako ni Lei at kunuha yung sa kanya. 

Napako ang tingin ko sa lalaking tumatawa sa harap ng bintana. Ang totoo buong likod ng desk nya at glass na kita ang buong city. 

"Ok sleep tight hon. I love you too." Sabi nito sa kausap nya. May iba na sya. Pinagpalit na ba nya talaga ako! Mariin ang pagkakahawak ko sa tray na hawak ko. Di pwedeng mawala sya sakin. Samin ng mga anak nya. Di pwede!!! 

Tumingin sya sakin at nagtama ang paningin namin pero walang sign ng recognition sa mga mata nya.

"Good morning you must be. Ms Lazerna." Nakangiti nitong sabi. Sya parin sya. Lumaki lang ng unti ang katawan nya. Mas tumangkad sya at mas naging authoritive ang aura nya pero sya parin yung lalaking minahal ko. But yung nga mata nya? Wala na yung init, yung desire yung pagmamahal. Nakikita ko nalang ang kagustuhan nyang i welcome ako rito bilang bago nyang secretary. Bumuntong hininga ako. Di pwedeng ganito. Di ko dapat payagan na ganito kami! Hindi! Para sa mga anak namin.

"S-sir Jules!!?" Kunwa'y gulat at masaya kong sabi. Naningkit naman ang mga mata nya. "Sir? Di nyo po ako natatandaan? Estudyante nyo po ako nung high school. Advisor ko pa nga po kayo nung third year. Di nyo po alam? Di naman po ako nagbago? Di nyo po ako nakikilala?" tanong ko. Pero napatingin sya kay Lei. Tumingin rin ako rito at nakiusap gamit ang mata ko. Napabuntong hininga sya.

"Yes, teacher ka dati. High school teacher. Estudyante mo sya and kapatid rin ang turing mo sa kanya." Kapatid!! Tss pero payagan. Wag biglain.

"I see. Kaya pala kilala mo ako." Sagot nya na pinagkatitigan ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti nalang ako at lumapit sa kanya.

"Sir eto po." Sabi ko at inilagay sa harap nya ang mug nya. Napatingin naman sya sakin.

"Sir? Diba po acidic kayo? Bawal po coffee sayo kasi mananakit sikmura mo. Kaya hot choco ginawa ko." Sagot ko. Parang nagulat naman sya.

"You're right. You know me very well didn't you?" Tanong nya saka hinigop yung hot choco. "You got my taste. Buti naman at may ibang tao pa na magpapa alala ng nakaraan ko." Sabi nya.

"Sana nga po maalala nyo." Sagot ko. Napatingin ako kay Leighton. Ngumiti ako kahit na inis ako sa kanya ay malaki ang utang ko ngayon dahil pinayagan nya akong malapit sa asawa ko.

"Sana. By the way, welcome to A.Add (Alcantara Advertising Company)"

"Thank you sir." Sagot ko at nagpaalam ng lumabas. Pagbukas ko ng pinto ay sinulyapan ko sya ulit. 

Ibabalik kita sa dati. Kahit masakit kahit dahan dahan kahit gaano katagal. Ibabalik ko ang dati. Mamahalin mo ko. Mamahalin mo kami ng mga anak mo.. 

Forlorn VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon