READ AT YOUR OWN RISK...
Portrayers:
Unedited...
"Thank you, Dañel!" pasalamat ni Jack na kaklase nilang inabutan ni Dañel ng lumang sapatos.
"Hindi na rin 'yan kasya sa akin," sabi ni Dañel. Noong isang araw pa niyang nakikitang natuklap ang unahan ng kanang sapatos nito nang umulan pero nagulat siya nang kinabukasan ay ito pa rin ang suot at nilagyan lang ng rugby. Pati notebook nito ay napansin niyang pinagtagpi-tagpi lang ng yarn ang lumang notebook last year na hindi pa nasusulatan. Recycled notebook 'ika nga.
"Malaki ang paa mo. Salamat talaga kahit na nakakahiya," masayang pasalamat ni Jack.
"Walang anuman. May extra pa ako sa bahay, dadalhin ko bukas."
Matalino si Jack pero nahahatak lang ito sa project dahil ang iba ay printed at computerized pero sa kanya ay handwritten. Labandera ang ina at ang ama naman ay magsasaka. Bago pumasok, nag-aararo pa muna ito at nagluluto ng makakain ng pito niyang kapatid. Siya ang pangatlo at ang dalawa niyang kuya ay tumigil sa pag-aaral para tumulong sa ama sa bukirin.
"Umuwi ka na," sabi ni Dañel at iniwan ang kaklase saka pumunta sa basketball court. Kaninang umaga, sinabihan niya itong mag-usap sila pagkatapos ng klase dahil may ibibigay siya.
"Uy, saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ng syota mo!" tanong ni Bryan nang makasalubong siya. Kasama nito sina Jan Mark na anak ni Jannes at Hanz na anak ni Hannel na mga kaibigan ng ama.
"Sino?"
"Marami ba, dude?" nakangising tanong ni Jan Mark.
Napakamot si Dañel sa ulo. "Si Jeramae ba?"
"May iba pa ba?" nakangising tanong ni Hanz.
"Ulol! Marami!" Sinakyan niya ang biro ng mga ito. "Saan kayo pupunta?"
Bumalik ang tatlo papasok sa court kasama niya.
"Hanapin ka sana namin," sagot ni Bryan. "Ayan na si Jeramae, pikon na, dude."
Nakasimangot si Jeramae at nang magtama ang mga mata nila ni Dañel ay inirapan siya.
"Kayo na ba talaga?" tanong ni Hanz.
"Maybe," wala sa mood na sagot ni King Dañel. "We kissed."
"Uy, hindi na ka na ba virgin?" natatawang tanong ni Bryan sabay akbay kay King Dañel. "Galing! Binata na ang anak ni Mayor a!"
Natawa silang tatlo. Madalas nilang inaasar si King Dañel dahil kahit na kilala sa campus, matanda pa rin silang tatlo rito.
"Fifteen na ako," depensa ni King Dañel. "Walang masama sa lalaki na sa edad na kinse ay nakatikim na ng preskang putahe."
BINABASA MO ANG
The Mayor's son
RomanceGuwapo. Makisig. Mayaman. Sa kabila ng kabutihan, may isang halimaw na natutulog sa kanyang katauhan. Halimaw na isang babae lang ang nakapagpukaw, nakapagpaamo at nakapagpatahan. Mahirap siyang tanggihan at iwasan because he is the mayor's son. Her...