Unedited...
"H—Hindi ko ginusto ang nangyari sa 'yo," umiiyak na sabi ni Christa at hinawakan sa kamay si Gail. "A—Alam kong masakit pero nakikiusap ako, p—patawarin mo si Mommy, Gail."
Pinahidan ni Gail ang mga luha. Nasa presinto na sina Mateo at ang ama nito kasama ng goons na sumugod sa kanila kagabi.
"N—Nagmamakaawa ako, Gail, huwag mong ipakulong si Mommy, matanda na siya." Masakit kay Christa na tanggapin ang lahat dahil pinsan niya si Gail at matindi ang paghihirap na dinanas nito pero bilang anak, hindi niya kayang makulong ang ina niya. Ang unfair man pero kailangan niyang magmakaawa kay Gail. "M—May sakit si Mommy, nagpapagamot pa siya at h—hindi niya kayang kumilos nang mag-isa."
"D—Dapat lang na pagbayaran k—ko ang mga ka . . . k—kasalanan ko," sabi ni Nerissa na palabas ng pinto. Napagdesisyunan nilang dito na siya sa ibabang kuwarto tumuloy dahil kapag umalis na sina Henry ay wala nang magbubuhat sa kanya pababa.
"M—Mom..."
"G—Gail, s—sorry. A—Alam kong hi . . . h—hindi mo ako ma . . . patawad pero s—sana huwag m—mong idamay sina C—Christa..." sobrang bagal na sabi ni Nerissa habang nakatingala sa umiiyak na dalaga. Naging sakim siya nang dahil sa pera. Hindi niya inisip ang kalagayan ng kapatid noon at nagawa niya ang kababuyang iyon. Pero ganoon nga talaga ang buhay, paikot-ikot lang at hindi porket nasa itaas ka ngayon ay palagi ka na lang nasa itaas. Tumatakbo ang oras. Ang mga bata ay tumatanda at ang katandaan ay may hangganan. Sabi nga nila, hindi lahat ng oras ay nasa iyo ang halakhak.
Inangat niya ang isang kamay at pinahidan ang mga luha.
"M—Magpapakulong a—ako." sabi ni Nerissa.
"Mommy, no!" madiing tanggi ni Christa.
"M—May ka . . . salanan ako. H—Hindi a—ako matatahimik hanggat h—hindi ko pi. . . p—pinagbayaran iyon," hirap na hirap man ay sinubukan niyang ituwid ang bumabaluktod na dila. Hinihintay na lang niya ang kamatayan niya at gusto niyang lisanin ang mundo nang magaan ang loob. Bahala na ang Diyos na humusga sa kaniya kung sa impyerno ba o langit siya mapupunta. Gabi-gabi nananalangin siya at humihingi ng kapatawaran lalo na sa kapatid niya. Mabigat na parusa ang pagpatay sa tao kaya kung ano man ang hatol ng Panginoon, buong puso niyang tatanggapin.
Napapikit si Gail nang marinig ang hagulgol ng mag-ina. Tumulo lalo ang mga luha niya nang pagdilat ay nakita niyang yakap na ni Christa ang ina nito.
"N—Napakaswerte mo pa rin, Nerissa," wika niya. "K—Kasi kahit na masama ka, may anak kang hindi ka iniiwan. K—Kahit na makasalanan ka, nakasama mo sila nang matagal."
Pinahidan ni Gail ang mga luha at mapait na ngumiti sa mag-ina.
"M—Maswerte kayo kasi h—hindi ko kayang m—mamatay ka sa kulungan!" Humagulgol siya sa pag-iyak kaya lumapit na si Dañel at niyakap siya. "K—Kasi baliktarin man ang mundo, k—kayo na lang ang natitirang pamilya ko."
Nagulat ang mag-ina sa narinig. Medyo hindi pa nga naa-absorb ng utak nila ang pinagsasabi ni Gail dahil ang lakas din ng iyak ng dalaga habang yakap ni Dañel.
"G—Gail? Tama ba ang pagkakaintindi ko?" tanong ni Christa at iniwan ang ina para lapitan ang pinsan. "H—Hindi mo na ipapakulong si Mommy?"
Lumayo si Gail kay Dañel para harapin ang pinsan.
"K—Kung ikaw sa kalagayan ko, Christa?" baliktanong ni Gail.
"To be honest, hindi ko rin alam," sagot ni Christa. "H—Hindi ko rin alam ang gagawin ko at m—maintindihan kita kung ano man ang maging desisyon mo pero b—bilang anak, hindi ko matitiis na makulong si Mommy lalo na sa ganyang kalagayan. Mahal kami ni Mommy kahit na masungit siya." Nagulat si Gail nang mahigpit na niyakap siya ni Christa. "A—Akala ko wala ka na. A—Akala ko talaga, i—iniwan mo na ako." Umiyak siya kaya hindi rin napigilan ni Gail ang mga luha at nagsibagsakan na naman. Naalala na niya. Si Christa ang una niyang naging matalik na kaibigan. Si Christa ang pinsan niyang walang ginawa kundi purihin siya at maging masaya para sa mga bagong gamit niya. Si Christa na hindi lang niya pinsan kundi itinuring niyang kapatid. "Masaya ako sa 'yo, Gail! Sobrang saya ko dahil b—buhay ka."
BINABASA MO ANG
The Mayor's son
RomanceGuwapo. Makisig. Mayaman. Sa kabila ng kabutihan, may isang halimaw na natutulog sa kanyang katauhan. Halimaw na isang babae lang ang nakapagpukaw, nakapagpaamo at nakapagpatahan. Mahirap siyang tanggihan at iwasan because he is the mayor's son. Her...