A/n:
Sa mga bagong reader, baka naman gusto ninyong i-follow ako? Tutal libre lang ang pagbasa n'yo. Kung ayaw ninyo akong i-follow, i-follow n'yo na kasiiiiiiiiiiiiiii!
READ AT YOUR OWN RISK....
Portrayers:
King Hanniel Alba. (mayor)
King Dañel Bautista Alba. (Mayor's son)
Unedited...
"Waaaah! Dañel, ayaw ko na!" tili ni Gail sabay halakhak nang kilitiin ni Dañel sa tagiliran. "Ano ba?"
"Pasaway ka ha," gigil na sabi ng binatilyo at hindi tumitigil sa ginagawa kahit na nakahiga na si Gail sa buhangi.
"A—Ayaw ko na, suko na ako!" nahihirapang sabi niya. Pagod na talaga siya at ito ang pinakaayaw niya, ang pagod na nga pero kikilitiin pa siya. "M—Mommy Danya!"
"Huwag kang tumawag kay Mommy!" sabi ni King Dañel na walang balak na tumigil.
"Dañel, tama na 'yan!" saway ni Danya na inaayos ang malapad na tela para lagyan ng pagkain nila. Magpi-picnic sila ngayong hapon dito sa tabing-dagat. "Tawagin mo na nga ang ama mo, Dañel."
"T—Tama na," pakiusap ni Gail na napaluha na sa pagkiliti ng kababata.
"Pasalamat ka," sabi ni King Dañel at napa-smirk tapos tumigil sa ginagawa.
"Kainis ka!"
"Lagay mo na ang towel, nakikita ko na singit mo," biro ni King Dañel.
"Malisyoso ka!" sabat ni Danya.
"Tinuturuan mo po kasi si Gail, Mom," nakasimangot na sabi ni King Dañel dahil pinilit ng inang magsuot ng two piece si Gail kahit na ayaw talaga nito.
"Kaysa naman mag pilipiñana siya rito? Huwag killjoy, Dañel, tayo lang naman ang nandito!" depensa ni Danya. "Isa pa, ang ganda na kaya ng katawan ni Gail."
BINABASA MO ANG
The Mayor's son
RomanceGuwapo. Makisig. Mayaman. Sa kabila ng kabutihan, may isang halimaw na natutulog sa kanyang katauhan. Halimaw na isang babae lang ang nakapagpukaw, nakapagpaamo at nakapagpatahan. Mahirap siyang tanggihan at iwasan because he is the mayor's son. Her...