12

3.6K 125 5
                                    


Chapter 12

Unedited...

"Good morning," bati ni Christa. "Kumusta ang tulog?"

"Okay lang," sagot ni Gail. Mas pinili niyang itikom ang bibig kaysa ipaalam sa kanila ang panloloko ni Mateo kagabi.

"Hmm? Mabuti. Tara na, breakfast daw tayo sa La Simeona cafe."

"Saan 'yon?" tinatamad na tanong ni Gail.

"Malapit sa Plaza Burgos," nakangiting sagot ni Christa. "Gala rin tayo mamaya roon."

"Sige. Saan na ba si Henry?"

"Nasa sasakyan na sila nina Dañel at Mateo," sagot ni Christa.

"Nandito si Mateo?" tanong niya tapos naramdaman niyang uminit ang buong katawan niya. Nanggigigil siya.

"Yes," sagot ni Christa. "Maaga pa siya.

"Okay," sagot ni Gail saka matamis na ngumiti kay Christa. Bestfriend nga pala nito si Mateo kaya ayaw niyang ibuko ang kagaguhan nito dahil baka ito pa ang kampihan ni Christa.

Lumabas siya.

"Hi, good morning, ladies!" nakangiting bati ni Mateo at lumapit kay Gail saka humalik sa kanang pisngi.

"Halik ni Hudas!" bulong ni Gail at matamis na nginitian ang kasintahang alam niyang may ginagawang kalolohan.

"Kumusta ang tulog mo, sweetheart?"

"Masarap naman," sagot ni Gail. "Ikaw? Kumusta ang tulog mo lalo na't malamig kagabi, sweetheart?"

"Okay lang din, masarap ang tulog ko."

"I know, right?" ani Gail at pumasok sa van nang pagbuksan ni Mateo. Nasa likod na si Dañel na nakikinig ng music gamit ang earphone.

"Pasensiya ka na pala kung hindi ako nakapunta kagabi, kasama ko kasi si Mommy at hindi na siya pumayag na umalis pa dahil may bisita sa bahay," paumanhin ni Mateo.

"Ah, akala ko ba sa La Union ang mommy mo?" tanong ni Gail.

"H—Ha? Umuwi sila. Hindi ko nga inaasahan e," sagot ni Mateo. "I thought one month pa sila roon."

"Okay lang," sabi ni Gail na pinapakalma ang sarili. Kagabi pa niya pinag-iisipan o pinaghandaan itong pagkikita nila ng kasintahan. Ilang buwan pa lang naman sila kaya walang problema sa kanya kung hindi sila magkatuluyan pero ang hindi niya matanggap ay ang lokohin lang siya nito. Of course, sino ang babaeng matutuwa sa ganito?

"Guys? Maglakad-lakad muna tayo ha, ten a.m pa ang bukas ng cafe," sabi ni Henry nang umuusad na ang sasakyan. Alas otso pa lang kaya medyo maghihintay pa sila nang matagal.

"Okay lang," sabat ni Gail. "Gusto ko ring ma-explore ang Palza Burgos."

"Guys, di ba mahilig ka sa history, Gail? Sa Syquia mansion museum  na lang kaya tayo pumunta?" suhestiyon ni Henry habang nagmamaneho.

"Ay, oo. Madadaanan naman natin ang plaza Burgos e," sabi ni Christa. "Maganda sa Syquia museum."

"Sure," sagot ni Gail at nilingon si Dañel pero nakapikit ito at relax na relax ang mukha.

Nang dumating sila, sarado pa ang museum pero dahil kakilala ni Henry ang bantay, nakapasok sila. Nagrehistro muna sila bago isinama ng tour guide sa taas.

"So, this is syquia museum,  owned by the sixth Ilocano-born President of the Philippines Elpidio Quirino’s wife, Doña Alicia Syquia Quirino," sabi nito habang paakyat sila sa hagdan. "Ito ang 13 stand staircase."

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon