Unedited...
"Magtitigan lang ba tayo?" tanong ni Danya kay King. Nasa sala sila ngayon para sa masinsinan at seryosong usapan. "Ikaw, Dañela, saan ka maupo?" tanong niya sa anak na nakatayo habang nagte-text.
"Kahit saan. Puwede bang sa gitna na lang ako?"
"Dito ka sa amin kasi babae ka," sabi ni Danya kaya mapasimangot si Dañela at naupo sa tabi ng ina na napagitnaan na nila ni Gail.
"So, ano na ang balak ninyo, boys?" panimula ni Danya kaya natawa si Dañel.
"Mommy, ano na naman ba 'to?"
"Don't don't call me mommy dahil hindi pa kayo kasal ng anak kong si Gail," seryosong sabi ni Danya. "So what's the plan? Ano ang balak mo sa anak ko? Hindi mo ba pananagutan?"
"Sobrang panagutan ko po," sagot ni Dañel at napatingin kay Gail na nakangiti na rin dahil sa drama ng ina nila.
"Saan ang kasal?"
"Gusto ko dito na sa Quezon, province," sagot ni Gail.
"Ich auch(me too)" pagsang-ayon ni Dañel.
"Sa birthday na lang ni Dañel," sabi ni Gail. "Tutal next month na 'yon."
"Ayaw ko," tanggi ni Dañel.
"Gusto ko!" nakataas ang kanang kilay ni Danya. "Beach wedding tayo?"
"Sige po," pagpayag agad ni Gail dahil noong bata pa siya, iyon naman talaga ang balak niya. "At maganda pa ang panahon niyan." Isa pa, memorable ang naging karanasan nila ni Dañel noong kaarawan ng binata.
"Good," sabat ni Dañela. "Ako ang bridesmaid, okay? Tapos lahat ng kababayan natin, invited."
"Oo siyempre," excited na sabi ni Danya. "Tapos may palaro sa dagat."
Ayun, nagtilian ang mag-ina.
"Gusto ko pink ang motif," sabi ni Danya.
"Mom? Peach at aquamarine na lang po para malamig sa mata," suhestiyon ni Dañela.
"Ay, sige. Mukhang maganda nga 'yan," pagpayag ni Danya. "Tapos sa invitation, may kakilala na ako na gumawa. Magpatahi na lang din tayo at magpasukat na bukas."
"Ilista ko po ang mga dadalo," sabi ni Dañela at kumuha ng ballpen at papel saka inilista ang mga pinsang wala pang asawa at mga pamangkin para sa ring bearer at flower girl.
"Magluluto lang ako," paalam ni King.
"Samahan na kita, Dad," sabi ni Dañel saka tumayo na rin. Tutal, hindi naman sila pinansin at mukhang sila lang naman ang may balak na magplano. Mag-suggest sila, wala rin namang silbi.
"Congrats, Dañel," bati ni King at tinapik sa balikat ang panganay. "Alam kong sobrang saya mo ngayon."
"Sobra po," sagot ng binata. "Ngayong mapasaakin na talaga siya."
"Alam na ba niya ang nangyari sa 'yo?"
"Dad, kailangan pa ba 'yon? Okay na ako."
"Pero—"
"No need na, Dad. Kaya ko po ang sarili ko."
"Malalaman din naman niya."
"Okay lang po," sagot ni King Dañel. "Salamat po kasi hindi ninyo ako binitiwan, Dad."
"Siyempre anak ka namin at sanay na ako sa inyo," sagot ni King kaya natawa ang anak. "So, ano ang ulam natin?"
"Ang paborito ng team galaxy," natatawang sagot ni Dañel. Seafoods.
![](https://img.wattpad.com/cover/233391307-288-k229066.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mayor's son
RomanceGuwapo. Makisig. Mayaman. Sa kabila ng kabutihan, may isang halimaw na natutulog sa kanyang katauhan. Halimaw na isang babae lang ang nakapagpukaw, nakapagpaamo at nakapagpatahan. Mahirap siyang tanggihan at iwasan because he is the mayor's son. Her...