6

4.1K 145 0
                                    

Chapter 6

Frotteuristic Disorder is when an individual rubs up against or touches another person, resulting in his sexual stimulation. The victim of the Frotteurism does not give permission or approval of the behavior.(Google)

At least six months po 'to lahat ng paraphilic disorders ha.

Port:

Unedited...

"Sakay na," sabi ni Dañel.

"Hindi ba bawal kang gumamit kasi wala ka pang student license?"

"Birthday ko na sa Saturday, puwede na 'yan," sabi ni Dañel na excited nang maging 16. Mas matanda lang siya ng dalawang buwan kay Gail. "Kapag hindi ka sumakay, ibig sabihin galit ka pa sa akin."

Napatitig si Gail kay Dañel na medyo maaliwalas na ang mukha. Matapos siyang yakapin nito kagabi, ganito na ito nang magising.

"Masakit ba ang mga kamay mo?" nag-aalalang tanong ni Gail nang mapansing may bendahe ang mga kamay.

"Uminom na ako ng pain killer kaya huwag ka nang mag-alala. Isa pa, pinalinis na ito ni Mommy sa nurse kanina pa."

"Hep, magkotse kayong dalawa!" saway ni King nang lumabas. "Sumabay kayo sa akin!"

"Dad," may reklamo sa boses ng binatilyo.

"Hindi puwede. Ikaw Dañel, ilang beses mo na kaming tinatakasan ha. Baba na at lumipat ka sa kotse!"

"Dad—"

"Jetzt(now!)" madiing sabi ni King.

"Okay!" Napilitang bumaba si Dañel at nauna nang pumasok sa kotse.

Umusod siya nang pumasok si Gail at tumabi sa kanya.

"Wo ist Mom? (where's Mom?)" tanong ng binatilyo.

"Hindi na sasama."

"Warum(why?)". nagtatakang tanong ni Dañel.

"Kopfschmerzen(headache)" sagot ni King at nagmaneho matapos buksan ng katulong ang gate.

Pinakiramdaman ni Gail si Dañel pero nasa labas na ng bintana ang mga mata nito. Ne hindi na nga dumikit sa kanya. Napasulyap siya sa mga kamay nito. Gusto niyang siya mismo ang gagamot pero baka ma-misinterpret ni Dañel. Wala ring sinabi sina Danya at King kanina. Nanatiling tikom ang bibig ng mga ito pero sigurado siyang kinausap nila si King Dañel at gustuhin man niyang malaman ang pinag-usapan nila, hindi niya iyon magagawa dahil siya mismo ang sumakit sa damdamin ng tunay nilang anak.

Naglagay ng headset si Dañel at napapikit kaya malaya niyang napagmasdan ang maamo nitong mukha at mahahabang pilik-mata. Hindi nito namana ang pagiging blue eyes ng ama pero mukha pa rin itong foreigner dahil sa maputi at mabalahibong balat.

Iniwas niya ang paningin at pinagmasdan ang mga punong nadadaanan nila. Isa sa mga rason kung bakit mas pinili ng ina ni Dañel na manatili rito sa Quezon province ay dahil sa kapaligiran. Masyado na raw toxic sa ciudad para makipagsisikan pa sila roon.

Pagdating sa paaralan, naunang bumaba si King Dañel.

Pagbaba niya, napatingin ang mga estudyante sa kanila lalo na sa kamay ng binatilyo.

Pagpasok, agad na nakita niya si Jeramae na masama ang tingin sa kanya.

"Ano ang nangyari sa kamay mo, King?" tanong ni Jack.

"Wala ito, napaso lang ng kaldero nang hawakan ko dahil nakalimutan kong gumamit ng pot holder," pagdadahilan ni Dañel. Bahala na kung maniwala sila o hindi.

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon