8

4.2K 141 3
                                    

Chapter 8

A/n:

Causes of psychological disorders are "UNKNOWN!" but there are some factors.

Factors include:
chemical imbalances in the brain
childhood trauma/experiences
hereditary
stress, etc...

Kung gusto ninyong matutunan at mabusisi ang explanation, magtanong kayo sa expert or professional sa mga ganito(not me).

Example:
Depression: Kaunti ang serotonin sa brain.
serotonin- regulate mood, memory, sexual desire and functions, etc.

Sige, meron tayong phantom limb pain- Example: Sabi ng babae e, masakit ang paa niya when in fact, naputulan na siya ng paa. "more on psychological." Nasa utak lang niya.

Merong masakit ang ulo mo at paulit-ulit na nagte-take ng gamot at kapag hindi bigyan ay hindi mawawala kaya ang ginawa ng doctor, binigyan ka ng gamot kaya biglang nawala pero hindi mo alam, candy lang iyon na hugis gamot. "More on psychological."

Why am I posting these kahit na urat na urat na ang utak ko? Kasi darating ang araw na may magqu-question sa mga gawa ko lalo na sa mga info.

Share ko lang...☺️☺️☺️

"I can imagine it so I wrote it!"

(sha_sha0808/Bobong Author)

Port:

Unedited...

"Dañel!" bulalas ni Hannel nang sunduin ang inaanak.

"Ninong," sabi ni Dañel at nakipag-fist-to-fist sa kaibigan ng ama.

"Wala ka nang dala?"

"Wala po, backpack lang," sagot ni Dañel at inayos ang mamahaling shades. Chocolates lang talaga ang laman na ibinilin ng kapatid at ina niya.

Napapikit siya at inamoy ang maalinsangan na hangin at maitim na klimang sumalubong sa balat niya.

"Let's go?"

"Sure!" sagot niya at pinatong sa ulo ang sunglasses saka napatingin sa Ninoy Aquino International Airport na logo.

Lumapit sila sa chopper para umuwi sa San Francisco, Quezon province.

"Hindi ka ba dadaan sa grandparents mo?" tanong ni Hannel na ang tinutukoy ay mga Bautista at Villafuerte.

"Hindi nila alam na umuwi ako," sagot ni Dañel nang umandar na ang chopper. Si Hannel ang professional piloto. Natupad na ang pangarap nitong makapagdala ng helikopter.

Paunti-unting lumiliit ang mga bahay at sasakyan sa paningin ni Dañel kaya ipinikit niya ang mga mata.

Winter ngayon sa Germany kaya masarap sa pakiramdam ang init ng araw sa balat niya.

Matapos ang ilang minuto, nakalapag na sila sa helipad ng resthouse nila sa Nasalaan, San Francisco.

Nang bumaba siya, agad siyang sinalubong ng ina at mahigpit na niyakap.

"Miss na kita!" paglalambing ni Danya.

"Last week ka lang sa Germany, Mom," sabi niya at napailing.

"Kahit na!" nakalabing sabi ni Danya.

Iginala ni Dañel ang paningin. Marami pa ring puno sa paligid at may mga kalabaw sa 'di kalayuan na pag-aari ng kapitbahay nila.

"Halika, nagluto ako ng pinakro!" masayang yaya ni Danya na kahit nagkakaedad na, na-maintain pa rin nito ang magandang hubog ng katawan. Paano, kakaiba ang ehersisyo ng parents niya.

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon