Unedited...
"Wow! Ang cute naman, kayo pala ni Jan Mark ang nagkatuluyan," masayang sabi ni Gail matapos yakapin ang dating bestfriend. Alas dos ng hapon na sila nakarating dito sa bahay ng bestfriend.
"Oo, schoolmate kami sa Maynila," nakangiting sagot ni Analie Flores na ngayon ay asawa na ni Jan Mark.
"Si Princess Mae naman ay si Hanz," sabi ni Gail na noon pa man ay napansin na nilang may gusto si Hanz sa kaibigan pero umiiwas si Princess Mae Zamora dahil mahirap lang sila at tauhan nina Hanz.
"Dude, papunta na sina Bryan," sabi ni Jan Mark kay Dañel.
"Sino ang kasama?" tanong ng binata.
"Lorlaine."
"Talagang seryoso siya kay Lorlaine?" bulalas ni Dañel.
"Alam mo namang on and off 'yang dalawa mula highschool pero mukhang namanhikan na rin eh," sagot ni Jan Mark at naupo sa tabi ni Analie. "Honey? Tulog na ba ang mga bata?"
"Kanina pa."
Dalawa na ang anak nilang mag-asawa at maayos naman ang pagsasama. Graduate ng masscom si Analie pero hindi na siya pinayagan ni Jan Mark na magtrabaho mula nang mabuntis ito kaya nag-o-online reseller na lang para may income kahit na nasa bahay lang.
Mayamaya pa'y dumating na si Bryan kasama si Lorlaine Salondro.
"Hello, Gail!" masiglang bati ni Lorlaine at nakipagbeso sa dalaga pati na rin kay Analie. "Oh my! Ang ganda mo na lalo."
"Kumusta?" casual na tanong ni Gail na may kaunting sama ng loob sa kaklase. Hindi naman talaga maiwasan na kahit matanda na tayo, maalala pa rin natin ang mga taong nang-api sa atin o kahit pa sabihing nadamay lang ito sa pagiging bully ng kaibigan.
"Okay lang. By the way, matagal ko nang gusto kang makita, Gail. Gusto ko lang humingi ng sorry noon dahil isa ako sa mga nanghusga sa 'yo. Sana naman ay mapatawad mo ako pero maniwala ka, hindi ko alam ang tungkol doon at isa lang ako sa mga admins ng page pero hindi ako ang mag-upload," paliwanag ni Lorlaine. Siyempre kabataan pa nila iyon at hindi pa ganoon kahinog ang pag-unawa sa mga bagay-bagay.
"Okay lang, tapos na iyon," sagot ni Gail at napasulyap kay Dañel na sinundan si Jan Mark na kumuha ng merienda.
Nag-usap-usap sila at nag-recall ng mga pinagdaanan.
"Wala kang marecall sa amin kasi si Jeramae Castillo ang bestfriend mo," sumbat ni Analie.
"Grabe kayo, eh nanlilibre siya ng isaw e," natatawang sagot ni Lorlaine."Pero masaya kami dahil sa wakas, mabigyan na rin ng katarungan ang parents lalo na ang nanay mo."
Malungkot na ngumiti si Gail. "Mabibigyan nga ng katarungan pero hindi naman maibalik ang buhay nila."
"Everything happens for a reason," sabi ni Analie na nalulungkot nang malaman niya ang totoo.
"Tama," pagsang-ayon ni Lorlaine. "By the way," pabulong na sabi niya. "Si Mike pala, magaling na ba?"
"Bunganga mo!" saway ni Bryan kaya napangiwi si Lorlaine. "S—Sorry, guys. Gusto ko lang kasing makatulong. I'm a psychiatrist."
Alam ng lahat dahil sa kuwento na rin ng mga tao at taga Nasalaan. Sabi nga nila, kahit gaano mo pa katago ang bagoong, mangamoy at mangangamoy 'yan.
"Okay na siya," sagot ni Gail. "Ang phobia lang niya ang hinahanapan ko pa ng solusyon. Mabuti pala ang psychiatrist ka, makakatulong ka sa amin."
Ipinaliwanag ni Gail ang tungkol sa takot ni Dañel sa ulan at kung ano ang naging sanhi nito.
BINABASA MO ANG
The Mayor's son
RomansaGuwapo. Makisig. Mayaman. Sa kabila ng kabutihan, may isang halimaw na natutulog sa kanyang katauhan. Halimaw na isang babae lang ang nakapagpukaw, nakapagpaamo at nakapagpatahan. Mahirap siyang tanggihan at iwasan because he is the mayor's son. Her...
