19

3.7K 142 2
                                    

Chapter 19

Unedited...

"Alam mo, nanggigigil talaga kay Mateo! Partida bestfriend ko pa siya, ha!" Hindi pa rin siya maka-getover sa nangyari kagabi. Bago nga siya natulog, nakipagdebate pa siya kay Mateo sa telepono.

Alas kuwatro na ng hapon at naisipan nilang magnilay-nilay rito sa maliit na pavilion na malapit lang sa hardin.

"Hayaan mo na siya! Hindi ko siya kailangan," sabi ni Gail dahil mas nakakagaan nga ng loob ang nangyari.
At least nakalaya na siya sa relasyong wala namang patutunguhan. Mas pabor sa kanya ang pambabae ni Mateo pero siyempre masakit pa rin naman na lokohin siya bilang babae.

"Pero kahit na! Uk-kin nanam niya!" Nagulat si Henry at Gail sa pagmumura ni Christa. "Manloloko talaga! Nag-gago siya!"

"Tama na, ang puso mo," natatawang saway ni Henry saka inakbayan. "Mas galit ka pa kaysa kay Abby, eh! Baka magselos na ako niyan."

"Ba't ka magseselos?" tanong ni Christa.

"Kasi mukhang ikaw ang affected. May gusto ka ba kay Mateo?"

"Yuck!" bulalas ni Christa. "Ba't ako magkagusto sa manyak na 'yon? Hindi marunong makuntento sa isa! Sa ganda ni Abby, ipagpalit lang niya? Baliw ba siya?"

"Hayaan mo na siya," sabi ni Gail.

"Hmm? Mukhang nagka-develop-an kayo ni Dañel ah," parang detective na sabi ni Christa. "Mas pogi at mabait si Dañel kaysa kay Mateo. Si Dañel na lang."

Napasulyap si Gail kay Dañel na palabas ng bahay at may dalang pizza.

"Merienda na," sabi ni Dañel nang makalapit.

"Wow! Ang galing mong gumawa ng pizza!" puri ni Christa at kumuha ng isang slice saka tinikman. "Hmmm? Masarap!"

"Saan ka natuto?" tanong ni Gail na kumuha rin.

"Germany," sagot ni Dañel saka naupo sa tabi niya. "Masarap?"

"Yes."

"Pizza oder mich? (pizza or me?)" tanong ni Dañel na malagkit ang tingin kay Gail habang kumakagat ng pizza.

"Beide(both)" pilyang sagot ni Gail.

"Ehem!" tikhim ni Henry kaya napakagat sa ibabang labi si Gail. Oo nga pala, galing din sa Germany si Henry kaya malamang ay naiintindihan sila nito. Muli siyang napasulyap kay Dañel na patay malisyang kumakain ng pizza.

"Hindi ko kayo maintindihan!" sabat ni Christa. "Pero isa lang ang sure ko, bagay kayo."

"Kumain ka na," saway ni Henry. "At puwede ba, huwag kang kiligin sa lovelife ng iba, ikakasal na tayo e."

"Kapag may lovelife na, bawal bang kiligin sa lovelife ng iba?"

"Oo," sagot ni Henry.

"So, what's your plan?" tanong ni Dañel.

"Babalik ako sa susunod na araw," sagot ni Gail.

"Sumama ka sa akin," sabi ni Dañel. "Sabay na tayo."

"Pag-isipan ko," sagot ni Gail at pinagmasdan si Christa na nakatitig kay Henry. Bakas sa mga mata nito ang labis na paghanga at pagmamahal sa fiancé. Agad na iniwas nito ang mga mata nang tumingin si Henry kaya ipinagpatuloy ni Gail ang pagkain ng pizza.

Kagaya niya, bata pa noon si Christa. Mas wala itong alam at walang nasaksihan kaya lumaking walang sama ng loob sa mga nasa palibot.

"Isa na lang, umusin na ninyo," sabi ni Henry.

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon