FINALE

7.5K 201 29
                                    









Unedited...





"Thank you, baby!" masayang pasalamat ni King Dañel matapos halikan sa mga labi ang asawa.

"Hmm? Inaantok pa ako," sabi ni Gail.

"Kain na tayo, luto na ang breakfast."

"Ayaw ko pa. Gusto ko pang matulog," tanggi niya.

"Sige," pagpayag ni Dañel. Matapos ang kasal, dito pa rin sila sa parents nila naninirahan. Gustong magpatayo ni King Dañel ng sariling bahay pero hindi pumayag sina Danya at King dahil wala raw silang makakasama sa bahay at minsan lang sila umuuwi rito dahil sa bayan naman talaga sila ng San Francisco namamalagi.

Two months na silang kasal at one month pregnant na rin si Gail kaya sobrang alaga si Dañel sa kaniya. Dapat papunta sila  sa Germany ngayong week para bisitahin ang negosyo pero sobrang maselan ang paglilihi ng Gail kaya ipinagpaliban muna nila at sa Zoom na lang nakikipag-usap si Dañel sa mga pinagkatiwalaang tauhan.

"N—Nasusuka ako," sabi ni Gail at dahan-dahang tumayo. Agad na umalalay si Dañel sa asawa patungo sa sink.

"Tubig," alok ni Dañel matapos magsuka ang asawa.

"Umalis ka nga!" inis na pagtaboy ni Gail. "At huwag kang dikit nang dikit sa akin!"

"G—Gail..." usal ni Dañel.

"Ayaw ko ng amoy mo at ayaw kong nandito ka! Gusto kitang—I'm sorry," paumanhin niya nang makita ang mukha ng asawa. "H—Hindi naman kita inaaway e."

"N—Naunawaan ko," sagot ni Dañel at nginitian ang asawa. "Buntis ka kasi."

Sinubukan ni Gail na labanan ang inis. Oo nga't buntis siya pero may pinagdadaanan din si Dañel.

"Mahirap lang talaga ang pinagdadaanan ko kaya sana makakaya mo," pakiusap ni Gail at hinawakan sa kamay si Dañel. "I love you."

"Ich liebe dich auch," nakangiting sabi ni King Dañel. Once a week ay pinupuntahan siya ng psychiatrist niyang ina ni Henry para sa therapy niya at mga payo lalo na ngayong buntis si Gail. Ipinaliwanag din ng OB ang posibleng maging kilos ni Gail kaya dapat na maging handa siya.

"Gusto ko nang kumain," sabi ni Gail kaya bumaba na sila.

"Hindi ba uuwi sina Mommy Danya?" tanong ni Gail nang maupo sa silya.

"Mamayang hapon pa," sagot ni Dañel at nilagyan ng kanin at ulam ang plato ng asawa. "Kumain ka nang marami."

"Salamat. Siya nga pala, lumipat na raw sina Christa sa bahay sa Ilocos sur," sabi niya. Sina Christa at ang kapatid nitong babae ang pinatira niya dahil mag-aaral na ulit si Marriame.

"Tuloy ba tayo bukas?" nag-aalalang tanong ni Dañel.

"Kailangan ako ni Christa," sagot ni Gail. Wala na si Nerissa. Ang sabi ni Christa, nang puntahan nila para mag-breakfast, hindi na ito magising. Cardiac arrest ang ikinamatay nito.

"Galit ka pa rin ba sa tiyahin mo?"

"Hindi ko alam," sagot ni Gail. "May part sa akin na nalulungkot. Hindi ko kayang maging masaya dahil sa pagkamatay niya. Ina pa rin siya ng mga pinsan ko at higit sa lahat, kapatid ng nanay ko. Killer siya but I think, napagbayaran na niya ang mga kasalanan niya pero ang plastic ko kapag sabihin kong hindi na ako galit sa kaniya."

Nagsimula na silang kumain at nirerespeto ni King Dañel ang nararamdaman ng asawa.

Napatingin si Gail sa asawa habang umiinom ito ng gamot pagkatapos kumain. May tine-take na gamot si King Dañel. Maintenance nito.

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon