14

3.7K 123 3
                                    



Chapter 14

Unedited...

"Kumusta sa mansion ninyo?" tanong ni Gail kay Christa.

"Okay lang," sagot ni Christa. "Pero umalis na sina Mommy. Sa La Union naman sila lumipat," sagot ni Christa. Nagpapahinga at nagpapahangin sila sa
veranda habang naglalaro ng chess sina Mateo at Henry sa kabilang table.

"Mabuti naman. Punta tayo!" excited na sabi ni Gail.

"Sa susunod na araw na lang," sabat ni Henry pero agad na humarap kay Mateo. "Hoy, huwag kang madaya. Kakatalikod lang e."

"Hindi a," tanggi ni Mateo. "Cheater ba ako?"

"Hindi ba?" sabat ni Dañel na kanina pa nakikinig ng music sa isang sulok. Napalingon sila sa binata na nakasalubong ang kilay.

"Bakit? Nakita mo ba?" May paghamong tanong ni Mateo.

"Hindi ba't kakagalaw mo lang?" sagot ni Dañel.

"Dude, ako na ang magmo-move!" depensa ni Mateo.

Huminga muna nang malalim si Dañel at ngumiti. "Akala ko, si Mateo pa."

"Biro lang 'yon ni Dañel," sabat ni Henry. "Ayan na, ikaw na naman. Touch move tayo ha."

"Kuha lang ako ng makakain at maiinom," paalam ni Gail saka tumayo at tumungo sa kusina. Wala si Manang Jhen kaya siya na ang nag-prepare ng egg sandwich at nag-init ng spicy empanada na binili pa nila sa Irene's Vigan empanada.

Naghiwa siya ng sampung orange juice.

"Waah!" Muntik na siyang mapatili nang pagharap niya para kumuha ng mga baso ay nasa likuran na niya si Dañel.

"Mukha ba akong multo?" malamig ang boses na tanong ng binata.

"H—Hindi ko lang napansin na nasa likuran na pala kita," sagot ni Gail. "May kailangan ka?"

"Kapag ba aminin kong ikaw, ibibigay mo ba?" pabalik na tanong ni Dañel.

"Dañel..."

"Break up with your boyfriend, Gail."

Napanganga si Gail na nakipagtitigan kay Dañel.

"N—No."

"Warum (why)?"

"Hindi ganoon kadali iyon, Dañel."

"Hindi?" bulalas ni King Dañel. "Hindi ganoon kadali pero sobrang dali lang na isuko mo ang sarili mo sa akin?"

Napalunok si Gail ng laway. "K—Kung mayroon man akong pagbibigyan ng sarili ko, alam kong ikaw iyon, Dañel."

"Hindi ko makuha ang point mo!"

"I'm sorry," mahinang paumanhin niya.

"Kung may respeto ka pa sa sarili ko, makipaghiwalay ka sa kanya! Huwag mong ibaba ang sarili mo sa mga babaeng nagpapagalaw sa iba kahit na may boyfriend na!"

Napabuntonghininga si Gail at tinalikuran si Dañel saka ini-squeeze ang orange.

"Shit ka, Gail!" pagmumura ni King Dañel kaya pumanting ang tainga ng dalaga.

"Ulitin mo ang sinabi mo, King Dañel!"

"Shit ka!" gigil na ulit ni Dañel. "I hate to say this but shit ka!"

"Sabihin mo ang lahat ng gusto mong sabihin pero hindi ako makipaghiwalay kay Mateo!" Buo ang loob na sagot ni Gail.

"Naturingan ka pa namang matalino!" gigil na wika ni Dañel. "Wala kang respeto sa sarili mo!"

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon