24

3.9K 145 0
                                    








UNEDITED...




Sila ang namalengke ngayon at dahil matagal na silang hindi nakauwi, sila ang pinagtitinginan ng mga tao.

Lumuwas sila kaninang umaga at sumama kay King para dito na muna mamalagi sa bahay nila sa bayan.

"Ang dami nang nabago, 'no?" tanong ni King Dañel dahil ang dating papag na gawa sa kawayan na tiitindahan ngayon ay tiles na. Pati ang apakan ay sementado na rin.

"Kaya nga e. Bili naman tayo ng pork, magsigang tayo," sabi ni Gail.

"Hmm? Sawa ka na ba sa seafoods?"

"Medyo," sagot ni Gail na hinayaan si Dañel na akbayan siya.

"Oh my ghad!" hindi makapaniwalang sabi ng babae nang mamukhaan si Dañel. "King Dañel?"

"Hello," nakangiting bati ni Dañel sa naging kaklase na ngayon ay may puwesto na rito sa palengke. "Kumusta ka na, Aira?"

"Kilala mo pa ako?"

"Oo naman," sagot ni Dañel. "Aira Marcelo, right? Ikaw ang nakaupo sa unahan ni Gail."

"Shocks! Naalala mo pa nga ako. Nakauwi ka na?" Lumipat ang mga mata niya at namilog nang mamukhaan din ang kasama ng binata. "Gail?"

Ngumiti si Gail.

"Hello."

"Hala, umuwi na kayong dalawa?" hindi makapaniwalang tanong ni Aira Marcelo.

"Yes," sagot ni Dañel at itinaas ang mga kamay nilang may engagement ring. "And we're getting married."

"Oh my! Kayong dalawa ang nagkatuluyan?"

"Well, if it is meant to be, it is meant to be," sagot ni King Dañel na bakas ang labis na kasiyahan sa mukha.

"Wow, congrats!"

"Salamat," pasalamat ni Dañel. "At dahil diyan, bibili kami ng limang kilo ng baboy."

"Salamat naman," pasalamat ni Aira at binigyan ang dalawa ng limang kilo ng baboy. "Naalala ninyo si Sam Angelo Ramirez?" tanong niya.

"Ah, ang nasa linya nina Gail sa likuran?" tanong ni Dañel.

"Oo!" natatawang sagot ni Aira. "May puwesto siya sa gulayan, doon na rin kayo bumili, mura lang."

"Bakit ba puro sitting arrangement ang mga naalala mo?" tanong ni Gail.

"Kasi naman, yon ko lang talaga sila matandaan," sagot ni Dañel. "Heto pala ang bayad, Aira."

"Salamat. Keep the change na?"

"Sure," sagot ni Dañel at nagpaalam saka hinanap ang puwesto ni Sam Angelo Ramirez para bumili ng mga gulay. Nagulat din ito nang malamang nakabalik na ang dalawa at ikakasal na nga.

Marami ang nakakapansin sa kanila lalo na't matatangkad ang dalawa at nagmistulang mga modelo na may pictorial lang sa palengke. May mga nagpa-picture pa nga kay King Dañel nang malamang ito ang nag-iisang anak na lalaki ni Mayor King Hanniel.

"Mukha kang artista a," sabi ni Gail nang makasakay na sila sa bisikleta.

"Hmm? Ikaw nga rin naman e," sagot ni Dañel na sige ang padyak sa bisikleta.

Kani-kaniya silang bike na gamit.

"Paunahan tayo, baby? Mukhang uulan a." Dumilim bigla ang kalangitan na parang uulan na naman.

"Hmm? Sure!" pagpayag ni Gail at nauna na.

"Daya!" reklamo ni Dañel.

Naunang makarating si Gail sa bahay at agad nilang inilagay sa ref ang karne.

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon