Chapter 7
a/n:
Basaaaaaaaaaaaaaa...
Nagsusulat ako ng psychosexual disorders/paraphilic chuvaness na sobrang maselan ang topic etc... Some might say, "Stop sugar-coating" "do not romanticize" "Love cannot heal it", etc ... I do believe na makapangyarihan ang pagmamahal. Love can heal an imaginary wounds na hindi kayang pagalingin ng siyensya.
Let me use this quote.
"If there's a book that you want to read, but hasn't been written yet, then you must write it."-Toni Morrison.
If you are confident enough about your story and you really wanted to make a book with a little bit of experiment about life, mind, soul and love, never ever hold yourself because you might regret it someday.
Maraming theory na hindi pa nadi-discover. Maraming opinion at istorya na hindi pa napalaganap. Maraming katotohanang nanatiling haka-haka na lang dahil hindi naisulat.
Marami ang nangyari sa nakaraan na hindi nasulat sa kasalukuyan.
"Write as if your story really exists . . . Do not depend on what was written in the book of others. Remember, you are an AUTHOR and it is your book!What was written was done and what was not written was not done!"
sha_sha0808(Bobong author)
Port:


UNEDITED...
"T-Thank you sa bike," alanganing pasalamat ni Gail dahil sa napakagandang bisiklitang bigay ni Dañel sa kanya.
"Alam kong mahilig ka sa bike," nakangiting sabi ng binatilyo. Nang pumunta sila sa Hamburg, Germany, natutuwa si Gail dahil marami ang nagbibisikleta at may license doon kahit na bike lang ang gamit kaya nahilig na rin itong mag-bike.
"Pero masyado naman yata itong mahal," sabi ni Gail. Kulay sky blue ang bisikleta at may maliit na basket sa unahan para lagayan ng gamit o nga pinamili kapag mamalengke siya. May maliit na upuan din sa likuran para sa kung sino man ang gustong makiangkas sa kanya. Kahit na ang gulong, makapal din at hindi basta-basta ma-flat o mabutas. Puwedeng-puwede kahit na mabato ang kalsada.
"Okay lang 'yan, pinag-ipunan ko naman 'yan," sabi ni King Dañel. Kung tutuusin, mura lang ito para sa kanila dahil mayaman naman ang parents niya pero sa isang teenager na wala pang trabaho at umaasa lang sa allowance na bigay ng parents ay mahal na. Isang taon din niyang pinag-ipunan ito para maregaluhan si Gail.
Humingi siya sa ama ng pambili pero sabi nito noon, kapag may gusto siya ay paghirapan niya. Well, iba rin naman ang ugali ng germans pagdating sa trabaho't pera. Kahit na mayaman, kailangan pa rin talaga nilang maghirap at magsumikap para ma-appreciate bawat sintimo na kinikita.
"Salamat, Dañel, sobrang nagustuhan ko," pasalamat ni Gail at matamis na ngumiti sa kababata. He did everything para mapasaya siya. Ne hindi na nga ito nagpupumilit na magustuhan din niya pero ipinapakita at ibinibigay naman nito ang bagay kahit na hindi niya hinihiling.
Spoiled siya kay Dañel at nahihiya siyang tanggihan ito dahil alam niyang matampuhin ang binatilyo.
"Tara, testing natin," yaya ni Dañel.
"Sige!" pagpayag ni Gail at sumama kay Dañel na magbisikleta sa labas.
Nagpaunahan silang makarating sa port pero kagaya ng nakagawian, natalo siya ni Dañel.
"Kapagod!" hinihingal na sabi ni Gail at isinandal ang bagong bisikleta sa malaking bato sa tabing-dagat.
Naupo siya sa buhanginan at itinukod ang mga kamay sa likod.
BINABASA MO ANG
The Mayor's son
Roman d'amourGuwapo. Makisig. Mayaman. Sa kabila ng kabutihan, may isang halimaw na natutulog sa kanyang katauhan. Halimaw na isang babae lang ang nakapagpukaw, nakapagpaamo at nakapagpatahan. Mahirap siyang tanggihan at iwasan because he is the mayor's son. Her...
