Chapter 16
UNEDITED....
Nang papadilim na, nag-usap lang sila sa balkon dahil wala naman silang pupuntahan. Isa pa, kailangan nilang magpahinga nang maaga dahil mamamasyal sila bukas dito sa La Union.
"Anong oras na ba?" tanong ni Dañel kay Henry.
"Seven pa lang. Madilim na talaga dahil alam mo na, sobrang dami ng puno rito kaya madilim talaga sa paligid."
Tunog na mga hayop lalo na ng mga kuliglig ang naririnig nila. Wala ring ingay ng sasakyan at mga tao.
"Iba pa rin talaga kapag nasa province ka. Mabuti at dito ang nabili ninyong lupain, tahimik," sabi ni Henry at inakbayan ang katabing kasintahan.
"May lupa talaga si Daddy rito at ang kalahati ay sinadya nilang bilhin para lumapad ang lupa namin. Nauubos na rin kasi ang perang binayad sa mansion namin sa Ilocos Sur," sagot ni Christa.
"Talaga? Eh 'di mabuti at may natira pa kayo para kina Mommy," sabi ni Henry at napatingin kay Dañel nang tumunog ang cellphone nito.
"Excuse me," paalam ni Dañel at tumayo para lumayo sa kanila.
"Dañel anak ko!" tili ni Danya sa kabilang linya kaya inilayo ni King sa tainga ang cellphone.
"Mom? Huwag ka ngang tumili!"
"A—Anak, si Daddy mo, inaaway ako," umiiyak na sumbong ng ina niya kaya napangiwi si King Dañel. Of course, hindi iyon magagawa ng ama niya. Sa katunayan, ang mommy nga niya ang palaging naninigaw at umaaway sa mayor niyang ama.
Until now, ang daddy pa rin niya ang mayor sa San Francisco, Quezon province. Kapag matapos ang termino, ang mommy niya ang pumapalit. Gusto naman sila ng tao at kilala naman nila ang mommy niya lalo na pagdating sa pananamit na sobrang daring.
"Dañel, uwi ka na. Ngayon ka pa lang nakauwi sa Pinas, tapos nandiyan ka pa!" nagtatampong sabi ni Danya. Kilala niya ang ina, sobrang madrama talaga ito at lahat ng gusto ay binibigay ng ama niya.
"Next week po, uuwi na ako, Mom. Isa pa, huwag mo nga pong dramahan si Daddy, kawawa naman po siya," pakiusap ni Dañel.
"Hindi naman a. Siya kaya ang nang-aaway sa akin!" depensa ng ina. "Tapos si Dañela, wala na naman sa bahay."
"What? Saan na naman ba siya?"
"Sa boyfriend niya. Ano ba? Uwi ka na nga at nang mapagsabihan mo ang kapatid mo! Sinusugod na kami ng ama ng boyfriend niya!"
Napahilamos sa mukha si King Dañel. Bente pa lang ang kapatid niya at naging pasaway na ito sa kanila.
"Saan pa ba 'yan magmana?" bulong ng isip niya. Mula nang mag-boyfriend si Dañela, wala na itong naibigay kundi sakit sa ulo sa mga magulang nila. Madalas pang hindi pumapasok sa klase. Pinayagan kasing sa Westbridge mag-aral e.
"Sige na, Mom, may gagawin pa po kami."
Bago pa makapagsalita ulit ang ina, tinapos na niya ang tawag dahil dadrama na naman ito.
Bumalik si King Dañel sa mga kasama at naupo sa tabi ni Gail.
"Ano? Dude, tutal dalawa naman ang kama sa kuwarto natin, baka puwedeng palit na lang tayo?" tanong ni Henry. "Kung okay lang? Gusto ko lang makatabi si Christa."
"Okay lang sa akin," sagot ni Dañel.
"Uy, huwag! Alam naman ninyong magagalit si Mommy," sabat ni Christa.
"As if na malalaman nila. Sige na, babe. Sa gabi lang naman e. Maaga pa ako babalik," hirit ni Henry.
"Si Abby..."
BINABASA MO ANG
The Mayor's son
RomanceGuwapo. Makisig. Mayaman. Sa kabila ng kabutihan, may isang halimaw na natutulog sa kanyang katauhan. Halimaw na isang babae lang ang nakapagpukaw, nakapagpaamo at nakapagpatahan. Mahirap siyang tanggihan at iwasan because he is the mayor's son. Her...