22

3.9K 134 5
                                    





Unedited...

"Kumusta ang tulog mo?" tanong ni Danya habang nagkakape sila sa hardin. Maaga pa silang nagising at nagkape sa pavilion sa gitna ng malawak na hardin.

"Okay lang po," sagot ni Gail at iginala ang mga mata sa paligid. Mas lalong pinalawak nila ang bakuran at mas marami na ngayon ang bulaklak at ang mga punong mangga sa gilid ng gate ay malalaki na. "Ang aga mo naman pong magising."

"Kasi gusto kong makasama ka sa breakfast," sagot ni Danya at pinagmasdan ang magandang mukha ni Gail. "Na-miss kita, Gail. Sobrang na-miss."

"M—Mommy..."

"Alam kong hindi madali para sa 'yo na kalimutan ang nangyari pero noong natagpuan ka namin ni King, nakikita ko ang katapangan sa mga mata mo at kahit sa kilos, naging matapang ka. Nag-aral ka. Sinubukan mong mamuhay ng normal na parang walang nangyari. Hindi mo kami pinag-alala. Hindi lahat ng bata, kasing tapang mo," pagmamalaki ni Danya kaya napangiti si Gail. Ito na ang naging pangalawang ina niya. Ito ang nagbibigay ng lakas sa kanya noon. Nang dahil sa pagmamahal nila sa kanya, sinubukan niyang maging matatag. Ito ang pader na naging sandalan niya kahit na hindi naman niya hiniling. People think na maarte siya dahil sa mamahaling gamit. Mapagmataas dahil sa kayamanan. Maarte dahil sa makeup at labis na pagmamahal ng asawa pero lingid sa kaalaman ng lahat, sobrang lambot ng puso ni Danya lalo na pagdating sa pamilya. Kaya siguro kahit na may attitude nga ito, naging tapat ang asawa nito.

"Hindi ko po akalain na buong pusong tatanggapin pa rin ninyo ako," mahinang sabi niya.

"Oo naman. Anak ka namin eh," sabi ni Danya. "May gusto ka bang ipaluto? Balita ko model ka? Ang galing naman ng baby namin."

Natawa siya.

"Opo, pero hindi na ako nag-renew ng contract. Magma-manage na lang siguro ako ng negosyo dahil may kaunting ipon naman ako," sagot niya.

"Tama 'yan tapos mag-alaga ka na lang ng mga apo ko."

"May apo ka na po?"

"Hala, wala pa ba?" mulagat na tanong ni Danya. "Hindi ka pa ba buntis?"

Napangiwi si Gai at uminit ang magkabilang pisngi niya.

"Huwag na nga kayong mahiya sa akin. Matanda na kayo kaya bigyan na ninyo ako ng apo."

"Mommy naman."

"Ano ba kayo! Pag-usapan na nga natin ang kasal. Ganito na lang, dahil wala ka nang parents, mamanhikan sina Dañel at King sa atin. Ako ang tatayo na nanay mo tapos mag-usap na tayo sa kasal, okay?" Natutuwang sabi ni Danya. Siyempre pabor sa kaniya ang lahat. Dalawang anak ba naman niya ang ikakasal at magiging manugang niya ang anak-anakan. Kaya tama lang talaga na hindi na nila pinalitan ang apelyido ni Gail noon dahil nakikita niyang gusto ito noon ni King Dañel.

"Hindi ko po alam kay King Dañel," sabi ni Gail. Siyempre babae lang siya at nakakahiya naman na pangunahan niya ang binata. Isa pa, hindi siya sigurado kung ano ba talaga ang naging buhay ni Dañel mula nang umalis siya. Paano kung may girlfriend ito at may anak sa iba? Clueless pa rin siya.

"Siyempre sigurado akong matutuwa siya. Mamaya, pagsabihan ko."

"Mommy Danya? Ano nga po pala ang nangyari kay King Dañel noong umalis ako? I mean ano ang naging buhay niya bago siya maging CEO?"

"Ah, 'yon ba? Sa Germany na siya nagpatuloy ng pag-aaral hanggang sa makatapos."

"W—Wala ho ba siyang naging kasintahan?" usisa niya.

"Sa pagkakaalam ko, wala. Isa pa, sigurado akong hindi niya nagawang maghanap ng iba," siguradong-siguradong sagot ni Danya.

"Siyempre mommy, hindi naman po yon aaminin ni Dañel."

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon