11

3.6K 123 3
                                    


Chapter 11

Portrayer:

A/n:

Mas na-trigger ang haters kaysa readers.

UNEDITED....

"Ano 'yan?" tanong ni Gail nang makita ang gulay na ulam.

"Dinengdeng tawag nito rito sa amin," sagot ni Christa at matamis na nginitian ang kaibigan. "Tikman mo, masarap."

May iba't ibang gulay: Bunga ng malunggay, sitaw, sigarilyas, patani, talong at pritong tilapya. May isang sanggap na hindi niya alam ang pangalan pero alam niyang masarap dahil nagluto na nito ang katulong ng mga Villafuerte.

(ctto: Ano tawag diyan sa isa? Paborito kong kainin yan kaso sobrang mahal dito sa Maynila...)

Tumango si Gail. Natakam siya nang makita ang isa sa specialties ng Ilocos sur, ang bagnet na may iba't ibang sawsawan: Sarsa, kamatis at suka. Nasa kanya na kung ano ang gagamitin niya.

"Ito ang pinagmamalaki namin dito sa Ilocos sur," sabi ni Christa. "Kain na."

Nasa tabi ni Gail si Dañel na hindi pa rin siya kinikibo. Kumuha ito ng kanin at ulam saka kumain.

"Masakit pa ba ang kamay mo?" tanong ni Henry.

"Okay na, nilagyan na ng gamot ng doctor, okay naman daw," sagot ni Dañel.

"Mabuti naman. Hirap nang magka-infection," sabi ni Henry. "Magpahinga kayo pagkatapos nating kumain para mamayang hapon, gala tayo sa Vigan. Mas magandang mamasyal sa gabi."

"Sasama ba sa atin mamaya si Mateo?" tanong ni Christa.

"Hindi ko rin alam e. Ikaw na lang tumawag sa bestfriend mo," sagot ni Gail.

"Sige, tatawagan ko na lang," ani Christa saka itunuon na ang atensiyon sa pagkain.

"Hmm... Sarap naman talaga ng bagnet at dinengdeng," puri ni Gail at nagdadag pa ng kanin at gulay.

"Siyempre!" ani Christa.

"Isa sa mga rason kung bakit gustuhin kong pumunta rito e, masasarap ang pagkain dahil masarap magluto ang mga ilokano," puri ni Gail. Naalala niya tuloy noong sabay pa silang kumain ng parents niya. "By the way, kailan pala tayo pupunta sa bahay ninyo?" tanong niya kay Christa.

"Sa Sabado na," sagot ni Christa. "Tiyak magustuhan mo roon dahil mas fresh ang hangin at maraming puno."

"I hope so," sagot ni Gail at pinagmasdan ang ngiti sa mga labi ni Christa. Kahit na medyo chubby, ang cute naman nito.

"Mangitugot tayo ti makan kin prutas kada mamang mo (Magdala tayo ng pagkain at prutas kina Mama mo)" sabi ni Henry dahil legal na silang dalawa at balak na nilang mamanhikan sa susunod na buwan.

"Maragsakan isuna nu makita naka(matutuwa iyon kapag makita ka)," nakangiting sabi ni Christa.

"Kain pa kayo," sabi ni Manang Jhen matapos ilapag ang isa pang bowl na may dinengneng.

"Gusto kong kumain ng maraming utong," nakangiting sabi ni Gail. Napatingin si Dañel sa kanya. "Sitaw pala," bawi niya.

"Hmm? Seryoso," bulong niya.

Pagkatapos nilang kumain, nagpahinga muna sila sa balcon at nag-usap-usap.

"Next month na pala ang pamanhikan," sabi ni Gail. "Nag-propose ka na ba?"

"Yes," sagot ni Henry at inakbayan ang katabing kasintahan. "Last week lang."

"Ikaw? Kailan ninyo balak na magpakasal ni Mateo?" baliktanong nu Christa.

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon