Chapter 1

9K 197 4
                                    



Read at your own risk






Unedited.....

"Morning," bati ni King Dañel kay Gail na nakaupo sa sala at nagbabasa ng notes. "May exam ba tayo?"

Grade 9 students na silang dalawa at magkaklase pa.

"Sabi ng teacher mayroon daw," sagot ni Gail at napasulyap sa tasang hawak ni Dañel.

"Coffee?" tanong ni Dañel at itinaas ang hawak na tasang may kape.

"Huwag na, mahilig ka talaga sa kape."

Pitong taong gulang siya nang ampunin ng parents ni Dañel dahil nakulong ang ama niya at nagpakamatay naman ang ina dahil hindi nito matanggap ang nangyari sa ama niya. Nag-iisang anak lang siya pero mula nang makulong ang ama, itinakwil na siya ng buong pamilya. Nasa bakasyon noon ang mag-asawang King at Danya nang makita siyang naglalakad na basang-basa sa ulan habang umiiyak dahil sa edad na pitong taong gulang ay pinalayas na ng kapatid ng kaniyang ina.

"Ah, pakopyahin mo 'ko sa exam ha," sabi ni King Dañel na nakaupo na sa tabi ng dalagita. Napasulyap siya sa mahaba at makinis na binti ni Gail dahil maiksi ang shorts nito. Morena ang dalaga, mahaba ang tuwid na buhok, matangos ang ilong at bilugan ang mga mata.

"Kapag alam ko," sagot ni Gail. Nasa unahan si King Dañel pero nasa likuran naman siya. Alphabetical kasi ang sitting arrangement nila sa classroom.

"Ugh! I hate physics!" sabi ni Dañel at inunat ang mga kamay saka ipinatong ang mga paa sa center table.

"Me too," ani Gail at hinayaan ang kanang kamay ni Dañel na nakaunat sa likod ng upuan niya.

"Sweet n'yo naman ni Jomar kahapon," sabi ni Dañel kaya napatingin si Gail sa binatilyo. "May pakain-kain pa kayo ng fishball sa labas ng school."

"Nilibre kasi niya ako dahil pinakopya ko siya ng assignment," sagot ni Gail.

"Nanliligaw ba siya?"

"Ha? Naku, bata pa tayo."

"Teenagers na tayo," pagtatama ni King Dañel.

"Hindi pa pumapasok 'yan sa isip ko. Marami pa akong pangarap sa buhay."

"Gaya ng?" usisa ni Dañel at inilapag sa center table ang tasa at nahiga ero inuunan ang ulo sa hita ng dalagita.

"G—Gusto ko pang makatulong kina Mommy Danya," sagot niya. Malaki ang utang na loob niya sa mga ito.

Narinig ni King Dañel ang pababang mga yabag kaya napabangon siya at inayos ang pagkakaupo saka lumingon sa mga magulang.

"Alis na kayo, Dad?" tanong niya sa amang nakabihis na.

"Yes. Wala pa ba kayong pasok?"

"Sa hapon pa po, may meeting ang mga teacher ngayong umaga," sagot ni Dañel at napasulyap sa inang halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong malalim na V-neck kaya napangiwi siya. "Wala na bang mas disenteng damit, Mommy?"

"Wala na!" mataray na sagot ni Danya at inirapan ang anak. "Alam mong bawal gumamit ng ducati pero tinakas mo pa rin kahapon!"

Nahuli siya ng ina dahil pumutok ang unahang gulong ng ducati niya. Lastweek kasi nadisgrasya siya at nagasgasan ang tuhod kaya pinagbawalan na siyang gumamit ng motor at mag-bike na lang daw siya.

"I'm bored, Mom! Wala naman akong magagawa rito sa bahay kaya nagbasketball lang naman ako sa kabilang barangay," depensa niya.

"Itlog mo ang i-basketball mo kapag mahuli pa kita!" ani Danya at lumapit sa anak saka sinabunutan sa ulo.

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon