10

3.8K 115 0
                                    


Chapter 10

Port:

Unedited...

"Ang ganda naman ng daanan kaso nakakatakot lang," mangha pero medyo may kabang sabi ni Gail habang nakasakay sa likuran. 7 seater ang gamit na sasakyan ni Henry.

Nakakatakot tumingin sa labas dahil malalim na bangin ang nandito at sa kabila naman ay mataas na bundok kaya masyadong natatakot kapag umulan dahil baka magka-landslide o baka mahulog sila sa bangin.

Pero kung sa view, wala siyang masabi. Kamangha-mangha talaga lalo na kapag naapagitnaan ang daan ng bundok at mahabang ilog. Dagdagan pa ng malalaking pinetree na tila sumasayaw at kumakaway ang mga dahon kapag madadaanan ng malakas na ihip ng hangin.

Madilim pa silang umalis para puntahan ang gusto ni Gail.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa nais puntahan.

"Wow!" manghang sabi ni Gail nang lumabas. "This is much prettier than internet pictures!"

Napuno ng magagandang tanawin ang mga mata niya.

"Finally, I'm here. Dati sa litrato at Facebook ko lang ito nakikita pero ngayon, totoo na ito! Nandito na ako sa Bessang Pass!"

Ito ang isa sa mga gusto niyang puntahan dito sa Ilocos Sur dahil napakamasaysayan ang lugar na ito. Mahigit 4 na oras ang biyahe kapag magmula ka sa Sagada.

Sa gilid ng kalsada, nakatayo ang mga monumentong para sa pag-alaala sa mga nangyari sa lugar na ito.

May taas na 1500 above sea levels kaya kitang-kita mo ang napakamagandang tanawin sa baba.

"Let's explore Bessang Pass Natural Monument!" masiglang sabi ni Christa at nag-abresiete sa braso ng kaibigan. "Picture tayo ng marami, sis!"

"Sure!" sagot ni Gail na nakahanda na ang video camera.

"Magbabayad lang ako," sabi ni Henry dahil bago sila makapasok sa maliit na monumento, kailangan muna nilang magbayad ng 10 pesos bilang entrance fee at magpa-register muna sa information center.

"Sama ako!" sabi ni Christa at sumama sa kasintahan.

"Maganda ba?" tanong ni Mateo at inakbayan si Gail na iginagala ang mga mata sa paligid.

"Sobra!" manghang sagot ni Gail at napasulyap kay Dañel na palapit sa kanila.

"Pare, sayang, mag-isa ka lang," sabi ni Mateo. "Kung may kasintahan ka sanang dalawa eh 'di masaya ka."

"Walang masama sa pagiging single," sagot ni Dañel. "Mas mai-enjoy ko ang tanawin."

"Talaga ba? Iba pa rin kapag may kasama ka!" sabi ni Mateo at pasimpleng niyakap si Gail. "Di ba, sweetheart?"

Napasulyap si Dañel kay Gail na hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Sige lang," sabi ni Dañel. "Ini-enjoy ko naman ang Ilocos Sur."

Tumalikod ang binata para puntahan sina Henry at Christa Battad Quelnan.

"Ang pogi niya pero walang dalang jowa? Baka bakla?" natawa si Mateo.

Kinuha ni Gail ang kamay nito sa balikat niya.

"Kapag walang jowa, bakla agad?" Medyo naiinis na sabi ni Gail.

"Baka lang naman, sweetheart," depensa ni Meteo.

"Ikaw Mat, nagjowa ka lang ba para hindi matawag na bakla?"

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon