Chapter 5
Portrayer:

UNEDITED....
"May gusto ka bang bilhin?" tanong ni Danya.
"Wala po," sagot niya.
"Ikaw, Dañel?"
"Wala!" may halong inis na sagot ni King Dañel.
"Ano ba ang pinuputok ng butsi mo, King Dañel?" naiinis ding tanong ni Danya. "Kung ganyan ka, dapat umuwi ka na sa bahay!"
"Yan din baman ang sabi ko kanina, 'di—ouch!" reklamo niya nang kurutin siya ng ina sa tagiliran.
"Kung may problema ka, huwag mong dalhin dito! Naninira ka ng modo e!" singhal ni Danya na walang pakialam sa mga tao kung makakuha man sila ng atensiyon.
"Mommy, I'm sorry," paumanhin ni Dañel.
"Tama na nga!" saway ni King sa mag-ina niya habang buhat si Dañela na tinatamad nang maglakad.
"Oh my ghad!" bulalas ni Danya. "Pinagagalitan mo ba ako, King?"
"Of course not," tanggi ni King pero lahat sila ay nagulat nang biglang umiyak si Danya. "Heto na naman siya," bulong ni King saka inakbayan ang asawa. "Baby, may gusto ka bang bilhin?"
Umiling si Danya. "H—Hindi na ninyo mahal ni Dañel, sinisigawan ninyo ako e," parang batang sabi nito.
"Mom? Tumigil ka na, marami ang tao!" saway ni Dañel pero mas lalong umiyak si Danya. "Mom? Ano ba?"
Mas lumakas pa ang iyak ni Danya.
"Hindi ninyo ako mahal," sabi ni Danya saka pinahidan ang mga luha. "Palibhasa may iba na kayo."
"Baby, tahan na, may mga tao sa paligid e," saway ni King at hinarap ang dalawang bata. "Bumili na kasi kayo ng gusto ninyo!" Pinandilatan niya ang dalawa.
"Gusto ko ng helmet!" Labag sa loob na sabi ni King Dañel kaya tumigil sa pag-iyak ang ina.
"G—Gusto ko rin po ng bagong gulong ng bisekleta," sagot ni Gail.
"T—Talaga?" parang batang tanong ni Danya na para bang nagwawala nang hindi ibinigay ang gustong pagkain pero tumahimik nang abutan ng lollipop.
"Yes po," sagot ni Gail.
"Sige, sige!" masiglang sabi ni Danya. "Halikayo, bili tayo!"
Napailing na lang si King habang sinusundan ang mag-ina niya. Oo nga pala, what Danya wants, Danya gets. At wala itong pakialam kung sino man ang mga nasa paligid o kung mapapahiya man ang mga kasama nito. Basta ang mahalaga ay makukuha at mapapasunod niya ang mga tao sa paligid.
-------------------
"Dito na lang tayo maupo," sabi ng babae sa dalawang kasama at naupo. Napalingon siya sa lalaking nakahiga pero nakatakip ang mukha at mukhang natutulog.
"Hindi naman maganda si Gail, bakit siya inampon ng parents ni Dañel?" tanong ng babaeng may maiksing buhok at kumuha ng makeup kit para mag-retouch.
"Kaya nga e, hindi talaga. Maitim pa at mukhang ita!" segunda ng isa nitong kasama. Wala pang gaanong tao sa gym at nag-aabang sila sa mga basketball player na mga boyfriend nila.
"Teka lang, tama ba ang narinig kong gusto siya ni King Dañel kaya nakipaghiwalay si Dañel kay Jeramae?" usisa ng isa.
"What? Mas bet ni Dañel si Gail? E, mukha naman 'yong uling!" sabi nito kaya napamulat si King Dañel ng mga mata. Bigla yatang lumapad ang tainga niya. "Isa pa, magkapatid sila."
![](https://img.wattpad.com/cover/233391307-288-k229066.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mayor's son
RomansaGuwapo. Makisig. Mayaman. Sa kabila ng kabutihan, may isang halimaw na natutulog sa kanyang katauhan. Halimaw na isang babae lang ang nakapagpukaw, nakapagpaamo at nakapagpatahan. Mahirap siyang tanggihan at iwasan because he is the mayor's son. Her...