15

3.9K 121 2
                                    



Chapter 15

Unedited...

"Hindi raw makakasama si Mateo ngayon," sabi ni Gail matapos makausap ang kasintahan, "pero susunod daw siya sa atin sa La Union."

"Alam mo, sobrang busy ng lalaking 'yon, eh hindi naman ganyan si Tita."

"Dating police ang tatay ni Mateo, right?" usisa ni Henry.

"Retired PNP chief officer," sagot ni Christa. "Pero ngayon nagbu-business na lang sila."

"Let's go?" tanong ni Henry nang makitang pumasok na si Dañel sa loob ng sasakyan.

"Hanapan mo kaya ng girlfriend 'yan? Sayang naman," suhestiyon ni Christa.

"Nagpapahinga lang 'yan sa babae," sabi ni Henry. "Gaganyan-ganyan lang 'yan pero aktibo ang lovelife niyan."

Natawa si Christa. Hinawakan niya sa braso si Gail.

"Tiyak mag-ienjoy ka sa La Union. Hindi nga lang malaki ang bahay namin pero at least maganda roon."

"Okay lang, hindi naman bahay ang pinupunta ka," sagot ni Gail. "Sabi nga nila, aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay demonyo?"

Natawa si Christa.

"True. Kung hindi lang talaga naghihirap ang pamilya namin, baka mapa-renovate pa namin ang mansion pero—haist! Nevermind! Ganyan talaga ang buhay.'

Binuksan ni Henry ang upuan sa backseat kaya pumasok si Gail.

"Frontseat ka na,  babe. Huwag mo akong gawing driver," sabi ni Henry.

"Sure, babe."

Nang umusad na ang sasakyan, napasulyap si Gail sa katabi na may hawak na Menthos.

"Gusto mo?" offer ni Dañel.

"No, thanks."

"Kailan tayo magsa-Sagada?" tanong ni Christa.

"Pag pauwi na ako sa Maynila," sagot ni Gail na may one week pang natitira para magbakasyon.

"Sabay na tayo," sabi ni King Dañel.

"Oo nga, sabay na kayo," sabi ni Henry.

"Huwag na..." tanggi ni Gail. "Baka makaabala pa ako."

"Hindi naman," sabi ni King Dañel. "Kaya okay lang na sumabay ka."

Pumikit si Dañel at mas piniling makinig ng music habang nasa daan.

"Babe? Okay lang ba sa parents mo na mamasyal tayo?" tanong ni Henry.

"Yes," sagot ni Christa. "Mas sasaya si Mommy kapag makita kayo."

Dahil maaga pa silang umalis, inaantok pa si Gail kaya umidlip muna siya.

Napamulat si i Gail ng nang dumaan ang sasakyan sa malubak na daan.

"S—Sorry," paumanhin niya nang malamang nakasandal na pala siya sa kaliwang balikat ni Dañel. Lalayo sana siya nang pigilan ni Dañel ang ulo niya.

"Matulog ka lang," bulong ni Dañel.

Napasulyap siya sa unahan. Nakapikit din naman si Christa kaya hindi na niya inayos ang puwesto dahil sa antok. Isa pa, masarap naman talaga matulog sa balikat ni King Dañel dahil maliban sa mainit, langhap na langhap pa niya ang pabango nito.

Sa sobrang antok, nakatulog ulit siya.

Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata nang tinapik siya ni Dañel sa balikat.

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon