Chapter 9
Portrayers:


Unedited...
Napabangon siya nang maramdamang may nakatitig sa kanya.
"D—Dañel," usal niya nang makita ang lalaking nakaupo sa couch habang nakatingin sa kanya. Napalingon siya kay Mateo na mahimbing na natutulog sa kabilang kama.
"K—Kanina ka pa ba gising?" nahihiyang tanong niya at inayos ang buhok.
"Kakagising lang," sagot ni Dañel. "Matulog ka pa."
"H—Hindi na ako makakatulog," sagot niya. Alas sais pa lang ng umaga sa wristwatch niya. "Saan ka natulog?"
"Sa tabi ni Mateo," sagot ni Dañel saka tumayo. "Punit ang damit mo, you can wear my tshirt."
Kinuha nito ang itim na tshirt saka inabot sa kanya.
"M—Malaki."
"Hihiraman na lang kita kay Christa. I'm sure may damit siyang naiwan dito kina Henry."
Nahihiya man pero tumango siya. Tumayo si Dañel saka lumabas kaya naligo muna siya sa shower room.
Paglabas niya, nasa ibabaw na ng kama ang damit kaya nagbihis siya.
"Salamat, Dañel."
Hindi sumagot ang binata. Kumuha ito ng damit saka pumasok sa shower room para maligo.
Nagising si Mateo at napatingin sa kanya.
"Sweetheart," tawag nito na napahawak sa sumasakit na ulo. "Ang sakit ng ulo ko!"
"Bumangon ka na at ayusin mo ang sarili mo dahil uuwi na tayo," sabi ni Gail na salubong ang kilay. Hindi niya nagustuhan ang ginawa nito kagabi. Paano kung wala si King Dañel?
Napalingon siya sa pinto nang pumasok si Christa.
"Friend? Ready na ba kayo? Tara, breakfast tayo," yaya ni Christa.
"Mamaya na, busog pa ako," tanggi niya.
"Hindi rito. Tara na, saan ba si Dañel?"
"Saan? Nasa shower room pa."
"Papanan yo? (Saan kayo pupunta?)" tanong ni Mateo na inayos ang sarili. Wala pa siyang dalang pamalit.
"Mapannak lang mammigat(mag-aalmusal lang)" sagot ni Christa.
"Susunod na lang ako sa inyo, sweetheart, magpapalit lang ako ng damit," sabi ni Mateo. "Uwi muna ako. Ikaw?"
"Okay na 'to sa akin," sagot ni Gail dahil maayos naman ang suot niyang black walking shorts at white sleeveless.
"Text ninyo kami mamaya kung saan kayo ha," sabi ni Mateo at hinalikan siya sa noo. "Uwi muna ako, Christa."
"Ingat ka," sabi ni Christa.
Nang lumabas si Mateo, naupo si Christa sa sofa.
"Kumusta kayo kagabi?"
"Okay lang."
"Uy, swerte mo, dalawang guwapong lalaki ang kasama mo kagabi."
"Nakatulog ako kagabi, nag-inuman pa sila," sabi niya at pinagmasdan ang mukha ni Christa. Maganda ito, medyo chubby at maputi. Mahaba ang buhok pero mas matangkad lang siya dahil 5'4" lang ang height nito. S ganda nito, hindi rin nahuhuli kung ihanay sa mga naging babae ni Henry.
Pareho silang napatingin kay Dañel na nakabihis na.
"Tara?" yaya ni Christa.
"Saan?"
![](https://img.wattpad.com/cover/233391307-288-k229066.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mayor's son
عاطفيةGuwapo. Makisig. Mayaman. Sa kabila ng kabutihan, may isang halimaw na natutulog sa kanyang katauhan. Halimaw na isang babae lang ang nakapagpukaw, nakapagpaamo at nakapagpatahan. Mahirap siyang tanggihan at iwasan because he is the mayor's son. Her...