18

3.7K 134 0
                                    


Chapter 18

Unedited...

"By the way, sa bahay na lang kayo mag-dinner, nakausap ko na ang parents ko," alok ni Mateo nang makauwi sila. Nagpapahinga muna sila sa sala habang nanonood ng TV kasama ang ina ni Christa.

"Huwag na, baka ayaw ni Abby," tanggi ni Christa dahil mukhang badtrip nga ang kaibigan. Nakausap niya si Henry kanina at pinaliwanag ng kasintahan ang tungkol sa maling akala ni Mateo.

"Okay lang sa akin," sabat ni Gail. "Gusto ko ring makita ang parents ni Mateo."

"Pamanhikan na ba ang next? Ayieee. Meeting the parents?" kinikilig na tanong ni Christa.

"Hopefully," nakangiting sagot ni Mateo.

"Magbibihis lang ako," paalam ni Gail at tumayo.

"Aalis na ba tayo?"

"Anong oras na, baka gabihin pa tayo. One hour kaya ang layo ng bahay namin."

"Akala ko ba nasa Ilocos sur ang mom mo?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Christa. "Ikaw bes..."

"Kasama ko silang bumalik," sagot ni Mateo.

"Hayaan mo na, basta sasama tayo," ani Gail at umakyat sa kuwarto nila ni Christa dahil nandito ang gamit niya.

Naligo muna siya, nagpabango at naglagay ng kaunting blush on at lipstick pero hinayaan niyang nakalugay ang mahaba at tuwid na buhok.

"Kailangan ba talagang magpaganda?" tanong ni Dañel na nakasandal sa gilid ng pintuan.

"Bakit nandito ka? Mahuli na naman tayo!"

"I hope nextime, magpaganda ka na kasi kapamilya ko na ang kikitain mo," sabi ni Dañel.

"Picture pala namin ni Mateo," sabi niya. "Pa-send."

Natigilan siya nang mapa-smirk si Dañel.

"Do you think, kinuhaan ko talaga kayo?" mahinang tumawa ang binata.

"Dañel!"

"My video cam, my rule!"

"Baliw ka talaga! Sabi ko na nga ba eh!" pagmamaktol niya pero okay na rin naman na wala silang remembrance sa bahay na bato ni Mateo.

"Ayusin mo lang ang kilos mo mamaya, Gail, I'm watching you!"

Napabuntonghininga si Gail.

"So, mukhang wala na akong itinatago sa 'yo, Dañel, pero please lang, huwag kang makialam sa mga plano ko."

"Hahayaan kita pero again, hindi ko hahayaang maging masama ang babaeng mahal ko. You mean so much to me, Gail. Hindi porket mahal kita, hahayaan lang kita. Hate me but I will take you away from hell!"

Tumayo si Gail at lumapit kay Dañel saka tumingala at matamis na ngumiti.

"You are highly appreciated, Dañel. But it doesn't change the fact that they killed my parents!"

"Exactly! It will never change the fact that they were killed! Wala na sila! Patay na at kahit kailan, hindi mo na maibalik pa ang buhay nila sa pamamagitan ng paghihiganti!"

"Thank you!" sarcastic na sabi ni Gail at lumabas.

Pagbaba niya, naka-ready na ang mga
kasama.

"Si Dañel?" tanong ni Christa na kay Henry nakatingin. "Hindi ba siya sasama?"

"Sasama pero may kinuha lang. Tara, sa labas na lang natin hintayin," yaya ni Henry kaya lumabas na sila.

"Sa sasakyan ko na lang ikaw, sweetheart," alok ni Mateo habang hawak ang kamay ng kasintahan.

The Mayor's sonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon