Chapter 10

216 10 1
                                    


Ace POV: 

Its been a week since naging kami ni sam. Pero turing niya sakin ay parang kaibigan lang. Samantalang ako napaka sweet sakaniya. Nang makita ko siya papasok ng room ay pinuntahan ko na agad siya at inaya sa likod ng building.


Nananatiling sikreto ang aming relasyon. Para daw sa kaligtasan tss. She doesn't want to be the center of attraction. Pero iyon ang gusto ko e, anong magagawa niya? Wahaha!




"Anong gusto mo?" masungit na sabi niya sa akin. Tsk, kala mo kagandahan ah. 


"Wala naman babe ko, gusto ko lang na makasama ka" sabi ko sakaniya at yumakap sakaniya. 


Nakakainis lang dahil wala siyang kasweet sweet sa katawan. Parang kaibigan nga lang ang turing niya sa akin. Hindi katulad ni Mazy, sobrang sweet.


Lumipas ang minuto at bumitaw na siya sa pagkakayakap ko. 


"Bakit babe ko?" 

"Tara na, malelate pa tayo dahil sayo e"

"Sorry na babes hehe, sige na una kana punta lang akong canteen" 


Hindi na siya sumagot sa akin at bigla na lang umalis ng walang halik. Tsk boring talaga 'to! Hindi naman talaga ako pupunta sa canteen. Pupunta ako sa bebeloves ko wahaha!

Nang makita ko na ang bebeloves ko sa tapat ng kanilang room ay nilapitan ko  siya. 


"Hi baby!" sabay hawak ng kaniyang kamay. 


"Ano ba ace nakakahiya andito mga kaibigan ko oh!" sabi niya pa at pilit binibitawan ang kamay ko.

"Ano ka ba Mazy okay lang HAHAHAHA" sabi ng mga kaibigan niya. 

"E okay lang naman daw e!"

"What do you want ba kase?"

"Nothing i just want to be with you" sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Eto mga tipo ko maganda na sexy pa. Di katulad nung isa HIPON tsk.

Pagtapos naming maglambingan ay nagpaalam ako sakaniya na babalik ng room. Pagkarating ko sa room ay wala si nerd, pero 'di bale na, tatanungin ko na lang sila jared kung nagklase kanina.


"Pre, wala bang klase ngayon??" Tanong ko kila jared.


"Wala" maikling sabi naman ni ken.


"Nako pre kung nakita mo lang ginawa ni sam" sabi ni jared habang ngumingiti at tumataas baba ang kaniyang kilay. Parang manyakol naman to.

"Ano ba yun?" 

"Pinagtanggol ka lang naman niya dahil nga late ka" cold na pagkakasabi ni ken. 

"Grabe ang angas ni sam kanina" hangang sabi ni vience. 

"Ganon talaga pag gwapo mga chong"

Sabi ko sakanila sabay hawi ng aking buhok. Hays hirap maging gwapo!

"Tsk, proud pa" masungit na sabi ni ken.

"E ano bang nangyari?" Tanong ko naman sakanila.

"Pinagtanggol ka nga niya kase nga hinahanap ka ni maam kanina so sabi niya may pinuntahan ka lang daw tapos yon nagkasagutan sila tapos pinapunta siya ni maam sa office niya ayun lang" paliwanag sakin ni jared


Revenge of the Disguised NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon