Chapter 13

200 14 0
                                    


Sam's POV:

Almost 5 months na ang lumipas at napapansin kong lumalayo ang loob sa akin ni ace. Sa tuwing pupuntahan ko siya after class, wala na siya o kaya idadahilan niya may group project or aasikasuhin, inuutusan, nagmamadali dahil family prob. Ewan! Pupuntahan ko na lang ulit siya mamaya.

Pagtapos ng aming last subject ay agad akong tumungo sa may parking at inabangan si ace malapit sa kaniyang sasakyan.



After a minute nakita ko na siya na may.. kasama. Hindi ko kilala ang babaeng kasama niya, sa tingin ko ay bago siyang estudyante rito. Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan na sapat lang para makita ko ang mga kilos nila hanggang sa nakasakay na sila at umalis.


Kaya ba ganon siya kacold sa akin? Nakalimutan kong ito nga lang pala ako, mas gusto niya pa rin nga pala yung maganda at sexy. Siguro, nagsawa sa akin?


Nakita kong sumakay sila sa kotse ni ace, inalalayan niya pa ito na never niyang ginawa sa akin. Sumakay rin ako sa motor ko at sinundan sila.  Nakarating kami sa isang mamahaling restaurant. Sa labas lang ng restaurant ako nag hintay dahil kita ko naman sila mula rito sa aking kinatatayuan, naka puwesto kasi sila sa may gilid.


6 pm na ng sila'y magdesisyong umalis roon. Kaya agad din akong sumakay sa motor ko at muli silang sundan. Sinundan ko sila hanggang sa mall at pumasok sila sa isang sinehan. Hindi ko na sila sinundan sa loob sapagkat masasaktan lang ako ng todo sa mga makikita ko.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganto. Siguro dahil lang sa siya ang naging una ko sa lahat. Hindi naman ako ganto dati e. Nagpasiya na akong umuwi dahil pagod na ako.

***

Maaga akong pumasok ngayon dahil gusto kong mapag isa. Parang ang lungkot lang ng magiging araw ko ngayon. 

Nagpunta ako sa Library upang manghiram ng mababasang libro pansamantala. Pagtapos nito ay nagtungo na ako sa may garden kung saan payapa ang aking buhay.


Habang nagbabasa, may nararamdaman akong nakatitig sa akin.


"Huwag mo akong titigan" sabi ko sa lalaking nakatayo di kalayuan sa bandang likod ko.


"Huh? Paano mo nalamang nakatitig ako sayo?" Sabi niya sa akin at tumabi sa gilid ko.


"Ken, kilala ko na ang mga titig mo"

"Edi ikaw na, ano yan?" Sabi niya at tiningnan ang libro.


"Tsk, history? Seryoso?" Sabi pa niyang muli.


"Hindi naman boring to, kaya okay lang"


"Well for me its boring" sabi niya at humiga sa damuhan.


"For you kase hilig mo science and math"


"Kilala mo na talaga ako ano?" sabi niya at napatawa ng mahina.

"Hindi naman ganon kakilala"

"Sus, ikaw pa haha"


Naaattract talaga ako sa mahinang pagtawa niya. Masiyado kasing sexy 'yon sa pandinig ko. Hinahangaan ko lang naman siya sa maliliit na bagay! Mas mahal ko pa rin si ace.

"Oh ikaw naman tong napatitig sa akin binibining Samantha?" Pang aasar niya sa akin.


"Tsk, hindi no. Tara na nga sa room!" sabi ko at iniwan siya. 

"Hey! Wait for me"



Namula ata ako sa kahihiyan! Lagi na lang niya ako nahuhuli. Nakakainis na!

***

Lunch break ngayon kaya nasa garden na naman ako, nagbabasa. This time, wattpad book na ang hawak ko.

Hindi muna ako lalapit kay ace. Masiyado kasi akong naapektuhan. Sobrang sakit lang para sa akin na makitang may ibang kasama yung lalaking mahal mo na dapat e ikaw ang kasama niya sa mga lakad niyo.

Habang nagbabasa ako ay naalala ko si francine. Kamusta kaya siya? Pinadala kasi siya ng pamilya niya sa US at doon pinag aral. Kaya heto ako nagiisa lagi. Minsan si ken ang kasama ko pero masiyado siyang busy dahil siya na ang president ng student council.


Iniiwasan kong mahulog kay ken dahil alam ko sa sarili kong mali ang mahulog sa iba hangga't may karelasyon ka. Pero sa lagay ni ace hindi ko alam kung alam niya din ba iyon. 


Siguro hindi niya pa nararanasan ang mga ganong bagay? Kaya patuloy siyang nagloloko kahit may nasasaktan na siya. Iniisip niya kaya ako sa bawat araw o oras na kasama niya yung babae?

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko na napigilan pang umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Nagpatuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa may naramdaman akong may yumakap sa akin.


"Shh, tahan na" kilala ko ang boses na iyon. 


"Salamat ha dahil lagi kang nandiyan para sa akin" sabi ko at humiwalay na sa pagkakayakap sakaniya. "Alam mo.. sobrang sakit. Parang hindi siya aware na may nasasaktan. Parang wala lang sakaniya yung feelings ko. Minahal ko naman siya ng sobra sobra e! Pero bakit ganon?"  Lalo akong naiyak sa nailabas kong bigat sa puso ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang kanina pa tumutulo.



"Alam mo sam marami pang lalaki ang makikilala mo na nag aantay lang sayo" sabi nito at pinunasan ulit ang luhang pumapatak.



"Imposible..."



"At kung iniisip mo na walang nagkakagusto sayo. Nagkakamali ka, malay mo meron na pala diba?"


"Huwag mo nga akong bolahin" sabi ko rito at pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya sa pisngi ko. Pero hindi rin ako nag wagi.

"Hindi kita binobola sam? Okay? Nandito lang ako palagi para sayo" sabi niya sa akin at niyakap akong muli.

"Salamat ken, maraming salamat talaga sayo.."


Malaki ang pasasalamat ko sakaniya dahil sa tuwing may masakit na nararamdaman ako siya ang nasa tabi ko.









Each and every single day,




I am truly grateful





for having you.





My boy best friend.

Revenge of the Disguised NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon