Chapter 37

83 2 0
                                    


Zadie's POV:

Patungo ako ngayon sa bahay ni tito edward at tita sara, sam's parents. Ewan ko ba at hinahayaan nila tito si sam kay anderson. They already know kung anong ginagawa ni anderson kay sam pero still, tahimik pa rin sila. And I want to know the truth but at the same time, naandito din ako para sa sasabihin ni tito na nanggaling daw kay sam. Bilib talaga ako sa babaeng 'yon, kahit pa na wala lagi sakaniya ang phone niya ay nakakahanap siya ng paraan para makapag hatid ng mensahe sa amin.

Nakarating din naman agad ako at nadatnan ko silang nasa dinning area, kasama si zaed. Kumaway ako't hinalikan si tita sa pisngi. Sumabay na rin ako sa pag kain nila dahil ayaw ni tito ang naghihintay sakanila habang sila'y kumakain. Natapos kami nang tahimik at si zaed ay agad na nagtungo sa taas. Pawang magkapareho sila ng ugali ng kaniyang ate. And i can remember how he ask me how's the feeling of being in love. Well i think that little boy had been a lover boy.

"Tito," I called him, umupo naman ito sa pang isahang upuan habang ako ay nasa mahabang sofa. "Uhm, tito, why did you let him?" I asked.

"Anderson?" He asked and I nodded.  "Because he have the one thing that its important to this family." He said and tita stiffened. I look at them, nalilito ako sa mga sinabi nito. Important? Parang wala naman akong nakikitang importanteng bagay sakanila. Ika nga ni sam, mayaman sila hindi nila kailangan ang mga bagay bagay, mas okay na daw sakanila ang buo at magkakasama. Kaya naman ganoon ang pagkalito ko nang sabihin ni tito iyon.

"What kind of important, tito?"

"Ang diamond na minana pa ni edward mula sa ninuno nila. Matagal na ang diyamanteng 'yon, ipinamana sa amin iyon ng kaniyang ama. At ngayon ay ang mag mamana sana noon ay si sam, pero nanakaw ni anderson 'yon, kaya ganoon na lang ang pag desisyon ni sam na sumama doon, ito'y dahil sa diyamanteng nalaman na niya kung saan nakatago."

Ako ang nagulat sa sinabi ni tita sara. Si sam ay kumikilos ng mag isa lang! Paano naman niya magagawa ang mga bagay na 'yon kung wala siyang ibang kasama? Kahit ang look out lang sa mga kalaban niya. Pero hindi ko dapat bastahin na lang ang katangian ni sam, kung papanoorin mo siyang makipag bakbakan ay talagang masasabi mong may kapangyarihan siya. At sadyang matalino ito pagdating sa mga bagay bagay, kaya kahit na kidnappin siya ay walang sino mang magtatagumpay.

"Pero tito, alam ba ni anderson kung kanino 'yon?"

"Oo, alam niya. Kaya nga niya ninakaw iyon dahil alam niyang makukuha niya si sam. Pero hindi niya alam, na alam na ni sam kung saan nakatago 'yon."

"Kung ganon, ano ho ang balak na sabihin sa akin ni sam?"

"Sam told us, you and ty--" Natigil si tito sa pagsasalita nang may tumikhim mula sa gilid ko. Napatingin naman ang mag asawa sa gilid ko, samantalang ako ay nanatili ang paningin sa mag asawa, kinakabahan ang puso ko. Pabilis ng pabilis iyon na pawang hindi ako makahinga. Kahit pa ilang hakbang lang layo niya sa akin ay nakilala ko agad siya. Lalo na ang pabangong bumabalot sa katawan niya na halos langhap ko ang amoy mula sa kinauupuan ko.

"Ikaw pala, tyler." Bati ni tita dito. Naramdaman ko naman ang presensya niyang umupo sa tabi ko, doon lang ako napatingin sa kaniya, pawang tarsier na nanlalaki ang aking mga mata. Kung hindi lang ako magalang ay baka iniwan ko na ang mga tao dito dahil lang sa lalaking iniiwasan ko noon pa man.

Nabaling ang tingin 'ko kay tito nang bigla siyang natawa ng marahan. "Nakakatuwa, parang ganito rin noon, pumunta kayong dalawa para ipaalam na may relasyon kayo." Sambit nito at natawang muli. Napapahiyang yumuko naman ako at hindi malaman ang dapat na gawin.

Kung sila man ay natatawa, ako naman, sobra na ang pula! Mas mapula pa ata sa mansanas. Grabe ang kahihiyan na dulot nitong pagtatagpo namin! Pero hindi makaka ilang lalo siyang gumwapo ngayon. After three months naming hindi pagkikita ngayon ko na lang ulit nakita ang pag mumukha niya. Kahit ano pang hindi pag sang ayon ang gawin ng sarili ko ay sumasangayon pa rin ang utak at paningin ko.

Revenge of the Disguised NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon