Sam's POV:
Limang araw na kaming na andito sa korea, kasalanan to ni aliana at myung-hee e. Nag tagal kami sa korea dahil aya sila ng aya na mag party sa kung saan saan, nakilala rin namin si athena, ang friend ni myung-hee. Half pinay din siya kaya naman nag kakaintindihan kami, mas nauna siyang umuwi sa pilipinas dahil sa ka-business meeting daw niya. At kami naman ay nag hahanda na sa pagsugod sa teritoryo ng hinuhuli namin. Ngayong araw namin tatapusin ang misyon na ipinagawa sa amin ng chairman, hindi kami pwedeng mag tagal dahil malapit na rin ang engagement party ko.
"Naka pwesto na ba lahat?" Tanong ko kay ate zadie dahil siya ang naka toka sa mga tauhan namin.
"Oo, tayo na lang ang iniintay."
"Okay, tara na."
Sumakay kami sa kaniya-kaniya naming motor at pare parehas kaming umalis na. Since nasa ilalim ang kuta ng mga tinutugis namin, sila mismo ang palalabasin namin. Hindi maisasagawa ng maayos ang plano kung pare-parehas kaming nasa ilalim ng tubig.
***
"Ilagay niyo na." Sambit ko mula sa earpiece na naka-konekta sa mga tauhan ko.
Kailangan naming magkonekta ng bomba sa mga lupa, upang maalarma ang mga tao na mula sa baba nito. Sa pag kaka-alam ko ay apat silang mag kakapatid, pero dalawa lang ang may litrato mula sa amin. Mukha namang nasa iisa lang silang lugar, mag kakapatid sila e.
Nakita kong nag si-balikan ng muli ang nga tauhan ko mula sa dati nilang mga pwesto. Limang minuto lang ang iintayin namin at sasabog na ito. Masiyadong nakakainip at gustuhin ko na lang sumugod sa loob pero masisira ko lang ang plano namin at marami pang madadamay, ayoko naman ng ganon.
"Kamusta kayo ni ace?" Biglang tanong ni ate zadie kaya napabaling ang tingin namin ni aliana sakaniya.
"Nung nakaraan ilang beses siyang tumatawag. So pinatay ko muna yung phone ko." Napatango naman ito at saka ibinaling ang tingin kay aliana, tingin na nagtatanong kung okay na ba sila ni kairo. Pero iling lang din naman ang isinukli nito, mukhang hindi tumatawag sa kaniya si tanga, tsk tsk.
Tumingin ako sa orasan ko at isang minuto na lang at sasabog na ang bomba. Nag handa ako para sa maingay na pag sabog nito maya maya lang, ganoon din naman ang ginawa nila ate zadie at ng iba pa. 'Di kalaunan ay sumabog ang bomba, kailangan na lang namin intayin ang pag labas ng mga tao mula sa baba.
"Paano naman kaya sila makakalabas ng mabilisan diyan?" Tanong ni aliana habang tumitingin sa paligid.
"Maghintay na lang tayo." Sambit ni ate zadie habang nag mamatyag din.
Lumipas ang ilang minuto at may nakita kaming pawang elevator sa gitna ng damuhan. Mukhang doon nga sila dumadaan. Pero paano naman kaya ang pagbalik nila? Parang ang labo, kung ganiyan karami ang tauhan nila at ang lahat ay sabay sabay na papasok, parang napaka hirap at sayang sa oras. Malaki naman ang elevator na itinuturing nila, kakasya ang higit sa sampung tao. Pero nabaling din ang tingin namin sa kabila nito nang may umangat uli na lupa, ganoon din, mukhang elevator din, pero puro naka itim at naka maskara na tao lang ang laman non. Ang kabila naman ay kasama nila ang dalawang tao na naka hoodie lang. Hindi rin namin kita ang mukha nila gaano pero base sa itsura mukhang sila ang dalawang leader kung itituring nila.
Muli akong nag salita gamit ang earpiece ko upang pag handain sila sa pagsugod. Inayos ko ang dalawang baril na hawak ko at agad na tumayo mula sa kinauupuan ko. Kita ko ang pag lingon ng dalawang naka hood sa pwesto ko. Nilapitan ko sila sa paraang maangas na lakad, hindi ko inisip kung may babaril na agad sa akin nang itutok nila ang mga armas nila sakin pero kasabay noon ang pag labas ng mga tauhan ko't sila aliana.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Disguised Nerd
Fiksi Remaja- Kaya mo bang mahaling muli ang taong sinaktan at pinagpalit kana? Maybe she can. - Pero kaya mo bang maghabol sa taong alam mong wala ng pagmamahal para sayo? Maybe he can. But there is one thing, kung itinadhana kayo, magiging kayo pa rin sa ba...