Chapter 15

211 11 0
                                    


Sam's POV:

After a week, nakaligtas rin ako sa loko lokong teacher na 'yon. Ang balita ay naipakulong na daw. Sa tingin ko ay pinigilan nilang kumalat ang insedenteng nangyari nung nakaraan kaya walang kamalay malay ang mga estudyante kung bakit nga ba sinisante ang magaling na teacher sa math.

Pero ang inaalala ko ay ang pagligtas ng isang taong hindi ko naman inaasahan. Hindi ko nga rin alam kung anong mararamdaman ko, nito lang nagdaang buwan ang cold niya tapos bigla na lang akong ililigtas, sinong hindi mabibigla diba?

Nanatiling nakayuko ang aking ulo habang nagiintay na magring ang bell. Nakakamiss talaga kapag wala yung taong mahal mo ano? Parang nagsisi ako na hindi ko siya gaanong naasikaso dahil busy kami pareho.



"Tahimik mo ata?" Tanong ng lalaking nasa tabi ko.


"Ikaw naman cold.." bulong ko na sapat lang para ako lang ang makarinig nito.

"Ano?"

"Wala" hindi na siya muling nagsalita pa dahil dumating na ang teacher namin.




"Good morning class" bati ng aming prof.


"Good morning Sir Nicholas!" bati ng iba.


"Okay, sa ngayon ay magkakaroon tayo ng intramurals 2017. Kailangan nating mag focus sa P.E alam niyo naman siguro ang mga mangyayari sa intrams right?"


"Yeees sir!" 


"Pero may mga idinagdag na sports and activities ngayong Intrams. Kung noon ay basketball boys, volleyball boys, football, table tennis, badminton at board games lang ang naging sports. Pwes mayroon ng basketball girls, volleyball girls, futsal, at billiards boys and girls, at Marathon, ngayong intramurals 2017" paliwanag nito at kaniya kaniyang komento na naman ang narinig ko mula saking mga kaklase.



"Oweeemjiiii!! I'm so excited!"


"I'm ready na! Oh my gosh!"




"Grabeee, kakayanin kaya ng girls naten yung mga bago na yun? Baka kulangin lang tayo sa players sir, onti lang ang mahilig sa sports saten e!" Protesta ng lalaking kaklase namin na sinundan ng iba pang lalaki.


"Oo nga zeeerrrr!"

"Pano yun seeeerrr?"

"Baka matalo tayo sir!"



"Shhhh! Pwede manahimik kayo? Pwede namang doble doble daw ang sasalihan, kaya yung ibang girls na hindi mahilig sa sports ay bibigyan natin ng training. At sisimulan naten ngayon. Pwede na kayong magbihis, bibigyan ko kayo ng 25 minutes"


Pagkaalis ni sir ay agad silang nagtayuan upang pumunta sa kaniya kaniyang locker at para na din magbihis. Tumayo na din ako kahit tinatamad ako ngayong araw magkikikilos. 

Akala ko pa naman ligtas na 'ko sa kahit anong training, may gantong training pa pala? Jusko naman oh! Pero keri lang, baka may dagdag sa grades e.

Pagkatapos kong magbihis ay nagtungo na ako sa gym, karamihan ng nauna ay lalaki. Nang makumpleto na kami ay pinag hiwalay kami ni sir sa dalawang grupo. Ang group A at group B.


Ako naman ay napunta sa group B kung saan ka-member ko si ken. Ang cold niya pa rin sa akin hanggang ngayon.



"Okay class, listen. Ang lalaruin muna naten ngayon ay volleyball at basketball. Shempre boys ang magiging leader niyo dahil sila ang nagiging players mula noon. Okay start now!"


Si ken ang naging leader namin kaya medyo awkward kapag nagkakatinginan namin.


"Okay ganto muna, sakto tayo 22 members, 11 girls at 11 boys. 6 na player ang kailangan sa volleyball, at 5 sa basketball girls so yung 5 na matitira sa lalaki ay kailangan itrain ang girls sa basketball ganon din sa volleyball. Okay?" paliwanag ni ken sa amin.

"Okay sir!" Sigaw naming lahat dito.


"So ang volleyball girls muna naten ay si Venus, Jen, Karylle, Queeny, Hanna and Sam" 

"H-huh? A-ako agad sa volleyball??" grabe sila, shempre for me basketball ang mahirap hirap para sa akin kaya dapat ayun muna ang itrain ko 'no.


"Gaga, training lang 'to, hindi pa 'to totoo. Tsk" sabat ng maarteng si venus. 


"Can you please shut up your mouth, the two of you?" Saway sa amin ni ken. "So ang basketball girls ay si Kate, Zoe, Wendy, Allyson, Vien. Sa mga lalaki hindi ko na kailangan pang magassign. Mag tatawag ako kapag switch na ng training"


"Yeess sir!" Sigaw ulit nila. 


Nahiya ako sa nangyari kanina, e gusto ko lang naman ishare yung opinion ko, pero di bale na. Nagtungo na kami sa kaniya kaniyang pwesto, ang lalaking mag t-train sakin ay si ken. Hindi ko alam na marunong pala siya mag volleyball, sa pagkakaala ko kase kasali sila sa basketball.



"Ituturo ko muna sayo ang mga sign kung outside or inside at--"


"No need ken, alam ko naman na eh. Maglaro na lang tayo" pagbitin ko sa sasabihin nito.


"Okay, dun ka sa kabila"



Sinunod ko naman ang utos niya at pumwesto na. Hindi ko na kailangang mag train dahil alam ko naman na. Nag start na kaming maglaro ni ken pero parang wala ako sa mood.




"Oh akala ko ba marunong ka na?" 

"Wala lang ako sa mood, pasensya na"

"Lumipat kana nga sa basketball, boring, tss." Sabi nito na ikinabigla ko, hindi ko inaasahang masasabi sa akin ni ken 'yon. Malaki talaga ang pinagbago niya. Sinunod ko na lamang ang kaniyang sinabi at nag intay ng maaaring magturo sa akin. 


"Sam" napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin, isa sa mga kaklase ko.

"Ikaw ba ang magtuturo sa akin?"

"Ah oo, bilis mo naman ata matuto ng volleyball?"

"May alam na din kasi ako doon"

"Akala ko tahimik ka lang, madaldal din pala haha!"

"H-hindi ah, tara na nga mag start na tayo"

Natapos ang aming klase sa buong araw na parang isang normal akong estudyante. Hindi naman kase ako dinadaldal ni ken. Dati dinadaldal niya ako, ngayon, hindi na. Hindi lang siguro ako sanay, naging kaibigan ko na rin siya e. 

Habang naglalakad ako sa parking lot, nakita ko si ace na papunta sa kotse niya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero mukhang nagmamadali. Agad akong lumapit para tanungin siya, napansin naman niya agad ako.



"Bakit?" Tanong nito ng napakalamig.

"Ah eh.. hindi ba tayo mag dedate?"


"Busy ako"


"Ba--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumakay na siya ng tuluyan at pinaandar ang kotse. Ano bang nagawa kong mali? Wala naman diba? Bakit sila ganon sakin? Sa tuwing dadaan ako sa corridor, sa canteen, maski sa room at cr pinag uusapan ako. 

Sumakay na lang ako sa motor ko at umuwi na kaysa sa isipin pa ang mga bagay na wala namang magsasabi sa akin ng sagot.

Revenge of the Disguised NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon