Chapter 14

191 10 0
                                    


Sam's POV:

After a months nagbago ang lahat. Ang sarili ko, ang pag aaral ko, ang mga malalapit sa buhay ko, lalo na si ace.

Nagpumilit akong bumangon para lang makapasok ako ngayong araw. May hangover pa din kasi ako dahil naginom ako kagabi kasama ang grupo ko.

Pagkapasok ko sa classroom ay agad akong tumabi kay ken at umubob sa lamesa, antok na antok pa din ako. Haaayyss.



"Naginom ka?" Cold niyang sabi sa akin.

Napatingin naman ako sakaniya dahil sa sobrang lamig ng pagkakasabi niya noon. At hindi nga ako nagkakamali, pati ang mga titig niya ay cold din. Ano bang nangyayari sakanila at ang cold nila ngayon? Magkakaron na ba ng snow sa pilipinas? Aiishh.


"Oo" maikli kong sabi sakaniya at muling umubob sa mesa.


Ken's POV: 

Hindi ko alam kung bakit nagkaganiyan si sam at kung totoo ba ang balitang nalaman ko. Kumakalat dito sa school na lagi daw siyang nasa bar this past few weeks. Siguro dahil na naman kay ace. Hindi ko alam kung sadyang manhid lang ba siya or tanga na siya. 

Muntik na niyang mapabayaan ang pag aaral niya noon, naging section B na siya nayon dahil sa lalaking 'yon tapos ngayon magkakaganiyan ulit siya? Hindi talaga ako makapaniwala sa lalaking iyon at napag titiisan niya si sam. Matalino si sam, maganda ang kalooban, maganda kung iyong titingnan. 


Pero sa lagay niyang iyan nagbabago ang naging tingin ko sakaniya. Kahit sila jared at vience ay nagulat sa nasabi ni ace sakaniya one time. 



-Flashback-

Nasa HQ namin ako ngayon kasama sila ace at si sam. Kagagaling lang namin ni sam from the library kase nag search kami about sa assignment namin in science.

At ngayon naman ay nandito siya para gumawa ng project ni ace na ang dapat ay si ace ang gumagawa dahil siya ang nakagawa ng mali. Pinagtripan ba naman ang teacher sa oras ng klase ayon pinagawa tuloy siya ng project at tinakot siyang sasabihin daw ang nagyari kay tito cedric, ace's father. 




"Ken, ako na. You don't need to help me. I'm fine, okay?" sabi niya sa akin at pilit inaagaw ang mga materials. 



"No--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang sumingit si ace kaya sakaniya nabaling ang tingin namin.


"Oo nga naman ken, tsaka konting layo baka mahawa ka ng kapangitan diyan! Wahahaha!" sabi ni ace. Sumusobra na siya, kung noon naiitatago niya pa ang pagiging plastik niya kay sam, ngayon e hindi na, lagi na niyang nilalait o tinataboy si sam.


"Tsk wala ka talagang respeto"  mahinang sabi ko na saktong si sam lang ang makakarinig. 


"Anong sabi mo? Ha!?" Mayabang na sabi ni ace.

"Ace please stop, wag na kayong mag away" pang aawat samin ni sam.


"Tsk, wag ako ang pagsabihan mo b*tch, yang lalaki na yan!  Isa ka lang patapon na babae! Kala mo kung sino!" Sabi nito kay sam at umalis rin.


"Uhm.. sundan lang namin si ace, pre" tumango na lang ako at saka na sila umalis.


"Hey, are you okay?"


"Yes.. yes i'm fine" sabi niya sakin at ngumiti.



Behind does smile i know she's hurt. Bakit ba siya nagtitiis sa mga masasakit na salita ni ace? Masiyadong malabo ang lalaking 'yon.



Revenge of the Disguised NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon