Chapter 40

89 3 1
                                    


Sam's POV:

After one week ng panunuluyan sa bahay nila ace, wala namang gumambala sa aking tauhan ni anderson. Dapat pinatay ko na ang gag-ng 'yon, hindi siya nararapat na mabuhay sa mundong 'to. Mabuti na lang at nakuha ko agad ang dapat na sa amin. Should I kill him silently, or should I do it in public? Hm, i wonder how great in public.

As of now, patungo ako sa bahay ng mga LEE. Ngayon ang kaarawan ni dad and i want to make sure na mataas ang seguridad sa bahay kaya naman ang ilang tauhan ng GD at R.E ay pinalibot ko sa labas ng bahay. Hindi en grande ang magiging handa dahil nga sa buhay pa si anderson. At hindi ko pa din nasasabing nakuha ko na ang diamonds.  Isang beses ko lang nakausap si dad at 'yon ay ang sinabihan ko siyang huwag mag hahanda ng en grande. Pumayag naman siya, though, kinukulit niya 'ko at ngayon ay tawag siya ng tawag.

Malapit lapit na ako sa village namin at naalala ko na naman ang kahihiyang nagawa ko noong nakaraang araw. Naiinis ako sa sarili ko, dahil masiyado akong nag paapekto sa damdamin ko. At higit sa lahat maling pagdedesisyon. I should know it first, cousin niya pala 'yon, aish!

Napailing ako't nag drive na lang para makarating agad sa bahay. After a few minutes, natanaw ko na ang gate namin. Agad akong tumawag kay manang, at pinagbuksan ang gate. Nakita ko naman ang pagbukas noon kaya pumasok na ako. Ipinark ko ang kotse at kumaway sa lalaking nasa hardin. Agad naman itong lumapit sa akin at yumuko ng kaunti.

"Ano po iyon maam?"

"Paki-park naman 'tong kotse ko sa garahe. Salamat." Wika ko't ibinigay sakaniya ang kotse. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay manang, "Asan pala si dad?"

"Ah nasa kwarto po nila señorita, naghahanda po para sa maliit na salo-salo."

"Mabuti naman at sinunod niya ako." I said and sighed, "Siya nga po pala, yung mga gamit ko po sa kotse paki-kuha na lang. Salamat." Nag bow naman siya sa akin at umalis na. Agad akong nagtungo sa front door, pagkapasok ay inilibot ko ang paningin ko kung may tao roon. Mukhang ang lahat ay naghahanda, abala sa maliit na salo-salo ng kanilang señor. Pasimple kong binuksan ang earpods ko na nakakonekta sa mga tauhan na nasa paligid namin.

"Anong balita?" I asked while walking, patungo ako sa kusina para tingnan ang mga taong naroroon.

"May isang naka motor po na lalaki ang nag park di kalayuan sa tahanan ng señor. Sa tingin ko po ay espiya ito na nagbalat- kayo bilang isang kusinero."

"Hm good, magbantay lang kayo diyan sa labas at ako na ang bahala dito sa loob."

Pagkarating sa kusina ay nakita ko ang limang babae na alam kong maid na dito at ang tatlong lalaki na ang dalawa ay namumukhaan ko, tama nga, may isang nakalusot dito. Pasimple kong tinignan ang mga kilos niya at mukhang sanay nga siyang gumawa sa loob ng kusina. Pumasok na ako ng tuluyan sa loob at kita ko ang gulat sakanilang mga mukha. Agad silang nagsiyuko maliban sa lalaking nagbabalat-kayo, pero agad din naman siyang yumuko nang mapagtantong  yumuko ang lahat.

Sumenyas ako na ituloy ang kanilang ginagawa at nagtingin na lang din sa kanilang mga niluluto. Nakita ko ang lalaking nagbabalat-kayo na may tattoo sakaniyang batok, hindi ko matandaan kung kaninong logo ng mafia ang ganoong tattoo. Siya lang ang pinagmamasdan ko't ilang minuto ang lumipas ay napansin kong may kinuha siya sa kaniyang bulsa. Agad akong naglakad sa gawi nila na animo'y kunyaring nanonood.

Nang sakaniya na ako nakapwesto ay pasimple na naman niyang itinago ang kung anong bagay sa bulsa niya. Kumuha ako ng kutsara at kunyaring tinikman ang luto niya, di-maipagkakailang masarap ang luto niya. Nginitian ko siya't inilipag ko ang kutsara. Mabuti na lang at hindi pa niya nailalagay ang kinuha niya kanina lang.

Revenge of the Disguised NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon