Chapter 11

192 11 0
                                    


Sam's POV:

Its been a year since naging kami ni ace. Sa panahong lumipas ay ang sweet niya sa akin. Ako naman 'tong si tanga at hulog na hulog na sakaniya. Sino ba namang hindi mahuhulog ng todo diba? Sa gwapo ba namang iyon hindi ako mahuhulog? Tapos ang sweet sweet pa.


Kailangan na naming magsipag dahil graduating na kami this year. Nakapag enroll naman na kami ni ace kaya ang problema ko na lang ay ang mga school supplies ko. 


Papunta akong mall ngayon at magkikita kami ni ace para sabay na kaming bumili ng aming school supplies. 


Pagkarating ko ay pumunta agad akong NBS para kitain si ace. Agad ko naman siyang nakita malapit sa entrance ng NBS na nag dudutdot ng  phone. Lumapit na rin ako sakaniya pagkatapos ko siyang titigan di kalayuan.




"Hi babe" sambit ko sakaniya kaya napaangat ang tingin niya sa akin.

"Oh babe, andiyan kana pala. Where do you want to go first?" sambit nito sakin ng nakangiti.

"Mamili na agad tayo tapos mamaya na lang tayo kumain" sambit ko din sakaniya ng nakangiti.


"Are you not hungry?" tanong niya sakin. Agad naman akong umiling sakaniya. 


Pagkatapos ng aming munting paguusap ay pumasok na kami sa NBS at namili ng mga gamit. Tapos na kong makapili ng akin at kumpleto na, iniintay ko lang siya mukhang madami siyang bibilhin e. Habang iniintay ko siya ay nagtungo muna ako sa mga wattpad books. Nakita ko ang mga paborito kong libro. Magpapagawa pa lang kasi ako ng book shelf sa kwarto ko. Noon kasi ay 'di ko hilig ang magbasa puro kpop at social lang. Hindi naman talaga ako yung palabasa.



Nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko. Pagkalingon ko ay si ace na nakatingin sa book na hawak ko.



"You want that?"

"Oo sana kaso sakto lang ang dala kong pera para dito sa school supplies ko" sambit ko at akmang ibabalik na 'to sa lalagyan ng kuhain niya mula sa pagkakahawak ko ang libro. 


Nagtaka naman akong tumingin sa kaniya.



"Bibilhin mo yan?" Tanong ko habang nakatingin sa librong hawak na niya.

"Halata ba babe?" He asked and chuckled.


"Tsk, tatanong lang" lalo siyang natawa sa inasta kong parang bata.


Nagbayad na rin kami sa counter to pay those things na kinuha namin. After that, we went to a restaurant na unang kita mo palang sa menu ay sobrang mahal!





"Huh? Bakit dito?"


"Ayaw mo?"


"Masiyadong mahal ang mga pagkain diyan 'no!" 



"E saan tayo?" tanong nito kaya dinala ko siya sa isang fast food chain na sikat talaga. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. Sobrang daming tao kaya agad ko siyang hinila sa loob.





"Jollibee? Masarap ba mga pagkain dito?" Tanong nito at tinitignan pa ang mga sineserve na pagkain sa table ng mga customers.



"Aba shempre! So what do you want to eat?" Tanong ko naman habang nakatingin sa menu.


"Ano bang masarap?"


"Try mo yung rice and chicken nila"


"Hm sige, isang order non tapos gusto ko ring tikman yung jolly hotdog nila then coke float tapos large french fries" sabi niya sakin at binigyan ako ng 2,000. Rich kid talaga! Nasa jollibee na nga 2,000 pa ang binigay sakin!



"Gutom ka pre?" Taas kilay kong tanong sakaniya ng mapagtantong ang dami niya palang inorder.


"Hindi naman babe, wahaha!"


"Sige na, maghanap kana lang ng upuan don ako ng bahala dito" sambit ko at ngumiti sakaniya. 



Pagkatapos kong magorder ay binitbit ko na ang aming pagkain at hinanap si ace. Agad ko naman siyang nakita sa sulok na nag se-cellphone na naman. May kausap ata siya? Pagkalapit ko sakaniya ay agad kong binaba ang aming pagkain dahil mabigat bigat ito. Nakita ko pang nagulat siya at agad na tinago ang phone niya pero di ko na lamang ito pinansin, alam ko naman kaseng magugulatin siya. 


"Kain na tayo" ngiting sambit ko sakaniya.


"Ano naman 'yang inorder mo?" Tanong niya sa akin.


"Ah ito, spaghetti and chicken tapos nag order din ako ng coke float tas ng fries tas ng burger" 

"Ah patikim din ako ng iyo ha! Wahahaha!" Tsk, takaw talaga ah. Parang mauubusan ng pagkain e. 


Nagsimula na rin kaming kumain at halos lahat ata ng pagkain ay siya ang umubos. Nabusog naman ako kahit papano. Kaso parang kulang pa den. Yung inorder ko din kasi ay siya rin ang kumain pero nakakain pa rin naman ako.





"Busog na ko" sambit niya habang nakasandal sa upuan at nakahawak sakaniyang tiyan. 

"Sanaol busog" pagpaparinig ko habang nakatingin sa mga taong dumadaan sa tapat ng jollibee. 

Agad naman siyang napatingin sa akin at tumingin sa mga kalat sa side niya. Narealize atang halos kinain niya na ang pagkain ko, tsk. 




"Hala, kinain ko ba yung mga pagkain mo?" 



"Ay hindi zer! May natira ka naman yung coke float at fries" sarkastiko kong sabi sakaniya at umirap. 


"Sorry na babe hehe! Masarap pala ang mga pagkain dito!"


"Oonga e, 'di halatang nasarapan ka" pang aasar ko sakaniya



"Babe naman eh, bili na lang tayo ulit ng food mo. Ano bang gusto mo?"


Napangiti naman ako sa sinabi niyang iyon. Kaya agad ko siyang hinila sa bilihan ng shawarma. Bigla akong nag crave dito e.



"Anong shawarma gusto mo?" Tanong niya habang kumukuha ng pera sa wallet niya.


"Yung all beef tas lagyan mo na den ng cheese" 



Agad naman siyang pumila at nagorder na ng pagkain ko. Pagkatapos niyang mag order ay pumunta kami sa tindahan ng takoyaki. Isa siyang japanese food pero grabe ang sarap!


Pagkarating namin ay agad kaming bumili at umupo sa isang lamesa na sakto lang para saming dalawa. 





"Is that your favorite food?" Tanong niya sakin. 

"Ah oo tagal na 'no haha"

Kumuha ako ng isang takoyaki at isinubo sakaniya iyon, kinain naman niya at sinabing favorite din daw niya iyon. Ang sarap makasama ng minamahal mo sa buhay 'no?


Pagkatapos namin ay agad kaming umuwi para makapaghanda sa darating na pasukan. Magpapahatid na lang ulit ako sa may park. Tutal dun naman niya ako laging hinahatid since nililigawan niya pa ko. 



Pagkarating namin, nagpaalam na ako sakaniya. 


"Magiingat ka sa pag dadrive ha" sabi ko at agad naman siyang tumango. 



"Magiingat ka sa paglalakad babe! Love you!" sabi niya sakin at agad akong hinalikan sa cheeks na ikanabigla ko. Aish! Ito talagang lalaki na to. Muli akong nagpaalam sakaniya at bumaba na ng kaniyang sasakyan. 



Pagkaalis ng kaniyang sasakyan, agad akong dumeretso sa aking motor. Umuwi na rin ako para makapag-pahinga.

Revenge of the Disguised NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon