Chapter 17

230 10 0
                                    


Ace POV:

Masiyado akong naging masama kay sam this year, though napag tripan ko siya noon, pero may magagandang memories pa rin naman kami. Pero ngayon parang nagsisisi akong hindi ko siya gaanong nababantayan, imbis na ako ang lumalapit sakaniya sa tuwing may problema siya, si ken ang lumalapit sakaniya. Imbis na ako ang yumayakap sakaniya sa tuwing umiiyak siya, si ken ang yumayakap sakaniya. At nawala din 'yon noong malaman ni ken ang sinabi nila jared sakaniya. Alam ko kasalanan ko rin 'yon, i suddenly judge her without knowing who's that guy at the mall and worst, napagsalitaan ko siya ng masama.


And last time was her painful memory, muntik na siyang marape. Nabalitaan ko na nag iinom siya lagi noon, then papasok kahit medyo lasing pa siya, ang sabi ng iba mukhang sanay daw si sam sa inuman dahil kapag papasok siya parang normal siya lagi. Kaya siguro bumaba ang grades niya sa iilang subject lalo na sa math, at naisip ng siraulong teacher na 'yon ay ang gahasain si sam for her high grades. Mabuti at nasa tamang pag iisip si sam that time.

Pero hindi ko rin maipaliwanag ang sarili ko ng makita ko siya that time na nakahandusay sa gilid ng kalsada.

-Flashback-

Kalalabas ko lang galing coffee shop nang makita ko si nerd na parang may humahabol sakaniya. Parang nirape siya na ewan o baka naman nakipaglandian na naman? Tsk.


Yung itsura niya kase, gulo gulo ng buhok at halos mapunit na ang uniform niya. Malayo layo ako sakaniya ng nagtago siya at may inaabangan sa gate. Ilang minuto lang ay lumabas si sir francis na parang may hinahanap din. Hindi kaya pumatol si nerd sa teacher? Eww.


Ilang minuto ang lumipas ay bumalik din sa loob si prof at kasabay noon ay ang paglabas din ni nerd at naglakad palayo, tanaw ko pa din siya dito sa aking pwesto. Bigla ko na lang naramdaman sa aking sarili na gusto ko siyang lapitan ngunit, nahihiya ako na ewan. Kaya sinundan ko na lamang siya.

Naglalakad siya ng nakayuko, na parang umiiyak? Huminto ako ng siya'y huminto din. Anong nangyayari sakaniya? Nagulat ako ng bigla siyang bumagsak sa sahig. Hindi ko na naman maintindihan ang aking nararamdaman. Parang.. parang gusto ko siyang tulungan...



"SAM!!"



-End of Flashback-


Kaya ngayong graduation namin ay bibigyan ko siya ng magandang memorya. Feeling ko kase... iba na yung nararamdaman ko. Sa tuwing nakikita ko sila ni ken na magkasama, gusto ko na lang sapakin si ken. Ewan, sana hindi ako magsisisi sa nararamdaman kong 'to.

Nag start ang aming graduation at talagang masaya kaming lahat dahil walang uulit at bagsak ngayon. Pagbubutihan ko pa lalo sa susunod na taon. Mabuti na lang ay nakabawi sam sa lahat ng naiwan niya noon, at ngayon ay mas tumaas pa. Kahit ako ay nagulat sa balitang iyon.


Pagkatapos ng graduation ay kaniya kaniyang picture ng magkakapamilya. Agad kong hinanap sila mom and dad, nakita ko sila di kalayuan sa mga parents nila jared. Lumapit ako sakanila ng malawak ang ngiti na parang sinasabi ko 'Mom! Naka graduate na ang gwapo niyong anak!'.




"Congrats anak" nakangiting tugon ni dad. Nginitian ko na lang din siya.


"Congratulation my son!" Tuwang tuwa na tugon naman ni mom.


"Mom, dad, salamat sainyo ha. Salamat sa pagtugon ng mga pangangailangan ko" naluluha kong sabi sakanila. Nginitian naman nila ako't niyakap.


"Huwaaaw, ang playboy iyakin din pala" panira naman ni jared samin kasama nito sila vience. Tsk, kahit kailan talaga! -.-



Revenge of the Disguised NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon