Sam's POV:Habang nag aayos ako ng gamit dahil break time na nga ay naramdaman kong lumapit sa akin si francine.
"Ikaw pala, may gagawin ka ba ngayon?"
"Ayun nga! Wala nga kong gagawin kaya sabay tayooo!" Sabi nito at hinila na ako palabas. Habang naglalakad kami muntik na akong manlata sa tanong niya.
"Kilala mo si ace diba?"
"Oo, bakit?"
"May dinedate na daw yun dito ah, and take note ang sabi pa ay seryoso daw si kuya ace dun sa babae!"
"Oh tapos?" Tanong ko rito at tinaasan siya ng kilay.
"Wala lang! Ang sinasabi ko lang e ang malas non! Kilala ko yang si kuya ace, imposibleng magseryoso yun. Tsaka, delikado pag nakita ng buong fans niya ang babaeng yon"
Hindi na ako nakapag salita kaya tinanguan ko na lang siya. Wala akong masasabi sa mga sinasabi niya. Pagkarating namin sa canteen ay nag order na kami at naghanap ng mauupuan, ang daming bumabati sakaniya, talagang sikat siya rito.
"Matanong ko lang, may crush ka ba dito sam?" Tanong nito habang nagmamasid sa paligid.
"Ako? Wala ah" i lied.
"Weeee? Kahit si kuya ace?" Umiling naman ako sa sinabi niyang iyon.
"Kanina ko pa napapansin ang pagtawag mo kay ace ng 'kuya' ah"
"Ah, eh, kase..."
"Don't tell me na kuya mo siya?"
"No, not that. Tinatawag ko siyang kuya, pero 1 year lang ang agwat namin"
"Pero bakit nga?"
"Kase.. he's my cousin"
"Ha?"
"Hakdoooog"
- . -
"Char lang! Wahahaha!" Sabi nito kaya inirapan ko siya sa kabaliwan niya. "Pero alam mo, may magkakagusto sayo kapag nag ayos ka! Tanggalin lang natin yung salamin mo tapos onting make up!" Sabi nito at akmang tatanggalin ang salamin ko pero pinigilan ko siya.
"No! H-hindi pwede malabo ang mata ko e"
"Ay ganun, sayang naman! Di mo agad sinabi! Try mong bumili ng contact lens!"
"Ah hehe, saka na"
"Okay payn!" sabi niya at kumain na lang ng tahimik.
Pagkatapos non ay nagpaalam siyang may pupuntahan lang. Kaya mag isa na lang akong tumungo papunta sa classroom. Habang naglalakad ako may tumawag sakin kaya nagtungo ako sa hindi mataong lugar.
"Oh?"
[Queen, may problema tayo!]
"Ano yon?"
[Si king kase, napasabak sa malaking gulo]
"Ano? Diba sinabi ko sainyo na manahimik muna kayo sa mga gulo?"
[Ehh queen, si king kasi ayaw makinig eh]
"Pupunta ako diyan in 10 mnts"
BINABASA MO ANG
Revenge of the Disguised Nerd
Fiksi Remaja- Kaya mo bang mahaling muli ang taong sinaktan at pinagpalit kana? Maybe she can. - Pero kaya mo bang maghabol sa taong alam mong wala ng pagmamahal para sayo? Maybe he can. But there is one thing, kung itinadhana kayo, magiging kayo pa rin sa ba...