Chapter 36

71 4 0
                                    

Ken's POV:

"We're going to Iceland." Sambit ni sam na ikinagulat namin. Na andito ngayon si jacob at sila zadie.

"Why?" I asked.

"For vacation?" Taka kaming tumingin sa kaniya. Vacation? E hinahanap namin si luna ah? Pero siguro kailangan ngang mag bakasyon ni jacob, sobrang kaawa awa ang itsura niya ngayon. Lagi siyang puyat para lang maasikaso ang paghahanap kay luna. Bakit ba kasi umalis ang babae na 'yon? Aish.

"Wala ka ba talagang alam kung bakit o saan siya umalis?" I asked, napatingin naman silang lahat sa akin. Malungkot na bumalis si jacob sa akin. Naandito din si aliana para hanapin din si luna. Pero kahit dalawang grupo na ang nag hahanap, wala pa din.

Sasagot na sana si jacob nang sumingiti si sam. "Huwag niyo munang alalahanin yan."

"Pero miss--" Natigil ulit si jacob sa pagsasalita.

"Wala tayo sa trabaho jacob. Mag impake na kayo." Sambit nito at umalis silang dalawa ni ace. Oo, nandito din si ace. May something na ata sa kanila.

"F*ck! Its almost 10 months pero hindi ko pa rin siya mahanap!"

"Oh pre, inom ka muna." Sambit ni xerses at ibinigay ang isang bote ng beer kay jacob. Ilang buwan na rin yang ganiyan, inom, haharap sa computer. Nag aalala na rin sa kaniya si jane.

"Sandali, hindi ba't hawak niyo ang cellphone ni Luna?" Aliana asked while staring at the floor. Napatingin ang lahat sa kaniya at napaayos ng tayo.

"Oo, nasa akin. Bakit?" Jacob asked.

"Amin na!" Bigla niyang sambit at inilahad pa ang mga kamay sa harap ni jacob. Kahit nag tataka ay ibinigay niya pa din iyon.

"Bakit ba?" I asked.

"Si luna, ayaw niya sa mga malalayong bansa. I mean, gusto niya yung nasa siyam na oras pababa ang biyahe niya. Pero ngayon, kahit na naghahanap na tayo sa kalapit bansa. Wala pa din, kaya, I'm pretty sure na nag search siya ng bansa na safe at medyo malayo rito dahil hindi natin iisipin na nasa malayong bansa siya." She explained.

"Ganon ba talaga siya?" Kath asked.

"Oo, naiinip nga siya sa pag upo ng matagal at hindi rin niya kayang matulog ng ganon." Jacob said. Napatingin kami kay aliana nang bigla itong sumigaw. Agad kaming nagsi-tungo sa pwesto nito.

"Bakit?" Jacob asked.

"Nakita ko na!" She shouted, ipinakita niya sa amin ang history ng pag search ni luna. Sinearch niya ang bansang Iceland?

"Iceland? Hindi ba't yan ang binaggit ni sam kanina?" Kath asked again.

"Oo nga 'no. May nalalaman na kaya sila ni boss? Sa pag kakaalam ko, sila ang nagplano na pumunta doon e." Kairo said. Oo, kasama rin siya rito dahil sa sila na ni aliana.

"Mag-impake na tayo!" Sigaw ni jacob at mas nauna pang lumabas ng computer room. Mukhang excited ang mokong. Natatawang sumunod kami rito at kahit kami ay excited na.

***

"Dito ba siya nag tatrabaho?" Jacob asked while we're staring at the restaurant. Mataas na building 'yon, madami ring tao ang nagpupunta.

"Oo, saan niyo gusto kumain?" Sam asked.

"Hindi ba't dito na 'yon? Yung restaurant? Edi dito na tayo kumain." Sambit ni aliana at mauuna na sanang maglakad pero nagtanong ulit si sam.

Revenge of the Disguised NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon