Chapter 41

85 4 0
                                    


Sam's POV:

"Sam," I heard mom's voice and she knock on my door. Tumayo ako para buksan ang pinto, "Anak-- look at your face! Napaka gulo ng buhok mo, pati na rin ang kwarto mo!" She said and walk inside my room. "Ugh! Your room smells stink! And its so messy! What happened to you?"

"Nothing mom, mag aayos na po ko." I said and started to fix my room.

She sighed, "Mamayang gabi darating ang pamilya ng mapapangasawa mo. Pati na rin si Chairman Lee, darating. Make sure your fine already, hm?" I nodded then she already left.

I started to clean my room again and everything. Napakagulo nga, hindi ko alam kung ano bang pinag gagagawa ko kagabi. Basta ang naaalala ko lang, bago ako umuwi ay bumili muna ako sa convenience store ng alak. Dito ko ininom sa kwarto ang lahat ng 'yon. Kaya marami ring bote ang nakakalat sa kabilang side ng kama ko, mabuti na lang at hindi nakita ni mommy. Paniguradong patay ako kapag nalaman nilang uminom ako ng marami.

Bandang ten a.m. na ako natapos. Nagpahinga muna ako at kumain sa baba. Hinanap ko naman sina mom and dad sa mayordoma namin, pero umalis daw sila. While i was eating, zaed came with his food.

"Hi noona!"

"Hey, kamusta?"

"Ito, gwapo pa din." Then he shrugged. Napailing naman ako't ipinagpatuloy ang pagkain ko. "Noona," he called then i look at him, "Maging masaya ka sana sa piling ng lalaking mapapangasawa mo ah?" He said and smiled.

"Baliw ka? Alam mo namang arranged marriage lang 'to," Then i rolled my eyes. Niligpit ko na rin ang pinagkainan ko't bumalik sa kwarto ko.

Seconds turn into hours, and now its the time to get ready. Naligo ulit ako para maayos at mabango pa rin ako kapag humarap sakanila. Lalo na't naandon din ang Chairman, ayokong mapahiya. After I take a bath and do my skin care routine, namili ako ng susuotin ko na pormal pero komportable ako.

I wear my bishop sleeve croptop, it is also a off shoulder with a ribbon in front of it and the color of it, is a mint. And i wear a denim high-waisted short. I also wear my black ankle-boots, and put some light make up. I tie my hair into a messy bun and done!

Tinignan ko ang oras from my wrist watch and its already six P.M. Bumaba na rin ako at nadatnan ko sila mom na nag aayos na ng lamesa. Agad akong lumapit sakanila para sana tumulong nang mapansin ako ni dad.

"Sam," he called me, "Can you buy a wine?" He asked while looking at his wine collection. Napailing na lang ako ng maubusan na naman si dad ng wine niya.

"Okay po, i'll just go to the mall."

"Okay, Mag iingat ka." He said and smiled. Kinuha ko ang susi ko sa kwarto ko at muling bumaba para umalis na.

After a couple of minutes, i arrived at the mall near at our village. Bumili ako ng ilang snacks and everything na para sa akin. Then nagpunta ako sa wine and alcohol drinks section. Alam ko ang gusto ni dad at ni Chairman Lee, pero ang gusto ng bisita ay hindi ko alam. Kaya dalawang wine na lang ang binili ko, mag kaiba 'yon para sure akong magugustuhan nila kung ano man dito.

After makapagbayad agad na akong bumalik sa parking lot. Bago ko mapaandar ang kotse ko, biglang nag ring ang phone ko. Agad ko namang sinagot iyon nang makitang si daddy iyon.

"Dad."

"Bilisan mo na, nandito na ang mga bisita."

"Yes po, on the way na."

Then i ended the call and start the engine of my car. After a few minutes i arrived at home. Pagkapasok ko sa may gate, kita ko agad ang dalawang kotse na nakaparada. Pagkababa ko ay pinagmasdan kong maigi 'yon. Pamilyar pero hindi ko malaman kung kanino o saan ko nga ba nakita. Sigurado akong nakita ko na ang kotseng pula na 'to.

Revenge of the Disguised NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon