Chapter 3
______Bumaba na kami at naabutan naming naghahanda ng hapunan si manang at kakarating lang naman ni tiya.
"Aba't dumito din pala kayo?"
"Oho, pero aalis na kami nakatulog si mama dahil sa anesthisiang tinurok ko para matahi ang sugat niya."
"Salamat Charlie."
Bumaba naman kami at hindi ako nagtapon ng tingin kay tiya o kay manang dahil deretso akong lumabas pero napahinto ako nung tawagin ako ni tiya.
"Salamat dahil pumunta kapa din dito."
Napangisi naman ako.
"Wag kang magpasalamat saakin, kay kuya ho tiya."
At tuluyan na akong lumabas at sumakay sa kotse ni kuya pero napahinto ako nung nakita ko ang dati kong motor.
Pero inalis ko ang alaalang iyon sa isip ko at sumakay na din si kuya, sa hindi malamang dahilan ay hindi umaandar ang kotse.
"Wala ng gas."
"Kingina."
"Miracle!!"
"Lalabas muna ako bibili ako."
"It's late wala ka ng mabibilihan."
Lumabas naman ako at sumunod si kuya, nagulat si tiya at manang pero ipinaliwanag naman ni kuya kung bakit.
"Yung kwarto banda sa kanan duon kana matulog Mira, ikaw naman charlie duon din sa dati mong kwarto."
Tumango nalang kami pagkatapos namin uminom ng tubig dahil wala akong ganang kumain ay nauna na akong pumunta sa taas.
Pagkapasok ko sa kwarto ay sobrang liwanag ang bumungad saakin dahil sa ganda ng kwarto ay hindi mo nanaising umalis, inalis ko na ang aking uniporme at kanina pa ako kating kati dito at pumasok na ako sa cr para maligo.
Pagkalabas ko ng cr ay nakaroba na ako ng pula habang binuksan ko naman ang mahahabang kurtina at ang sliding door, isang malamig na hangin ang dumampi sa katawan ko dahil sa sobrang liwanag ng silid ay napakaganda ito sa labas.
Madaming tao sa labas dahil may selebrasyong ginaganap sa harap ng bahay ni mama at alam kong anniversary iyon dahil sa taas ng bahay namin ay nakikita mo ang mga kotse at mag asawa sa baba.
Napangiti nalang ako at inalis ang tuwalyang nasa ulo ko, umupo ako sa isang malambot na upuan ng teresa at pinagmasdan ang mga bisita nila.
"Andito kalang pala." Napaangat ang tingin ko kay manang na nasa gilid ng door.
"Ano hong kailangan nyo?"
"Sinabihan ako ni charlie na puntahan at dalhan nalang kita ng kakainin mo dahil baka magutom ka mamaya."
Tumango lang ako at muling tiningnan ang okasyon.
"Kilala mo ba yang mga lewis?"
Tiningnan ko naman ang matanda.
"No."
"Yan ang bahay ng mga lewis, isang mayamang pamilya dito sa makati at maynila kung hindi ako nagkakamali ay anibersaryo ng señyor at señyora ngayon."
"Bakit dito ginanap kung mayaman?"
"Dahil yun ang kagustuhan ng dalawang matanda, kaibigan ng mama at papa mo ang mga lewis kaya inimbita nila ang mama mo para jan."
"But she didn't attend because of that shit."
"Anak miracle, Alam mo ba kung bakit nagkakaganyan ang mama mo?"
Umiwas naman ako ng tingin.
"Sa palagay ko ay hindi mo padin alam ang lahat kaya ayokong pangunahan si miraalyana sa desisyon niya para sayo."
"I don't understand her that's it."
Hinaplos naman ni manang ang buhok ko.
"Magbihis kana, kung gusto mong dumalo para sa mama mo jan ay nasa may lamesa sa sala ang imbitasyon pupunta ang kuya charlie mo pero madali lamang dahil sa gusto lamang nilang makita si charlie."
"Okay good to hear."
Binitawan na niya ang buhok ko at tumayo na ako.
"Aalis na ako, magpahinga kana kung ayaw mong sumama sa kuya charlie mo."
"Yeah."
Umalis naman sya at bumuntong hininga nalang ako pagkatapos nun ay pumasok na ako sa loob at hindi ko na isinarado ang pintuan. Pumasok ako sa aking closet
Nag suot ako ng sando at pajama dahil matutulog ako, ng biglang nag ring ang aking telepono
It's eunice.
"What?"
Nakita ko naman siyang tumawa sa screen.
(Kahit kailan ang taray mo.)
"What can i do for you?"
(Ahm, i have a favor for you kasi mira eh.)
"What kind?"
(Nasa practice lang naman tayo ng graduation, and besides---)
"Deretsuhin moko."
(I'm drunk and--)
"Nakikita ko ngang lasing ka, at wala kang mauuwian diba?"
Tumawa naman siya na parang tanga, lasing talaga sya dahil sa pula ng pisngi niya.
(Please help meee.)
"Nasa makati ako."
(Ohhh!)
"Yes, and call bryan matutulungan ka nun."
(Don't worry bibiyahe ako jan.)
"You're drunk eunice."
(No kaya ko.)
"Ikaw bahala."
(Magpapahatid ako kay bryan don't worry.)
"Hindi ako nagaalala." Deretsong sagot ko
(Hmp! Okay bye nice room.)
Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Mag hotel ka nalang wag dito hindi ko 'to bahay, bye!"
At binaba ko na ang tawag niya mula sa skype at humiga sa kama, pero napatayo ako nung nakalimutan kong isarado ang pintuan ng teresa. Tumayo ako at nag close maya't maya ay lumabas muna ako dahil sa ang ingay ng aso ni kuya sa baba ilalabas ko muna at ikukulong.
Pagkababa ko ay bukas ang ilaw ng buong bahay kaya sobrang ganda talaga, lumabas ako hanggang pinto at hindi nakalock ang gate so it means nasa party si kuya kaya sinilip ko muna.
At pagkasilip ko ay may bumabang lalaki sa isang itim na sports car. At nagkatinginan kami pero agad akong umiwas sa kanyang tingin pero muli akong
Napatitig ako sa tindig niya at naka pormal ang suot niya habang may kasamang apat na malalaking tao.Isinarado ko ng muli at pumasok na ako sa loob.