Chapter 9
Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw, bumangon na ako at dumeretso sa banyo upang maghilamos at nag toothbrush.
Pagkalabas ko ay nagsuot ako ng puting roba dahil naka nighties pa ako, lumabas na ako at pagkababa ko ay tanging si manang lamang ang tao sa sala.
"Goodmorning manang, saan si kuya at tiya?" I asked
"Maagang umalis ang tiya mo, kasunod ay ang kuya mo dahil sa may nagaagaw buhay na pasyente kaya kailangan sya baka bukas o sa makalawa pa sya makakauwi dito sa makati."
Umupo na ako at tumango lamang, pinaghandaan ako ni manang ng almusal, maya't maya ay may bumaba galing sa hagdan.
Mama.
"Ayjusko naman miraalyana." Agad na inalalaya ni manang ang namimilit sa sakit na si mama, uminom ako ng gatas at tiningnan sila. Napahinto ako nung nakita kong dumudugo nanaman yung hiwa sa likod ni mama.
Tumayo ako at nilapitan sya dahil pinaupo sya ni manang sa sofa para duon muna ipahinga.
"Dumugo nanaman yang sugat mo." I said.
"Shit." Bulong niya, agad akong pumunta sa likod nya at itinaas ang damit niya bumungad saakin ang duguan na bandage niya.
"It's okay darling, kailangan lang palitan-"
"Shut up." Napahinto naman sya agad kong binuksan ang bandage niya at nakatahi naman ito pero tuwing gumagalaw sya ay bumubuka dahil hindi pa ayos ang pagkatahi neto.
"I need some bandages manang." Sigaw ko kay manang dahil nasa kusina ito.
Matagumpay kong naalis ang bandage sa buong likod ni mama at alam kong magiiwan yun ng scars sa likod nya. Isang napakalaking hiwa ang maiiwan dito.
"Thanks.." mahinahon niyang saad habang pinupunasan ko ang sugat niya.
Hindi ko sya pinansin at dumating si manang dala ang dalawang bandage at agad na umalis dahil may niluluto sya sa kusina para sa tanghalian namin.
It's 11am na din naman.
"Itaas mo ang mga braso mo para maitali ko ng maayos." At sinunod naman niya ang sinabi ko, at para dina sya dudugo ulit ay tinakpan ko ng dalawang bandage.
"Bakit hindi ka lumaban sa malditang yun?" Inis kong saad sakanya.
"Dahil pag lumaban ako anak ay sainyo niya ibubuntong ang galit niya."
"Kaya please, stop working of that fucking club."
Pagkatapos kong ayusin at gamutin ang sugat niya ay pinaupo ko sya ng maayos at nag on ng tv para manood nalang sya ng netflix duon.
Iniwan ko sya sa sala habang kasama naman niya si manang, naligo at nagbihis na ako.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako, naabutan kong may pagkain sya sa mesa na hindi pa galaw.
"Kumain kana, lalabas muna ako." I said
"Saan ka pupunta miracle?" Nagaalala niyang tanong.
"Pagbabayarin ko ang babaeng yun sa paghiwa jan sa likod mo." Tinalikuran ko na sya at rinig na rinig ko ang sigaw niya at namimilipit sya sa sakit pero agad na dinaluhan ni manang. Sumakay ako sa kotse na regalo noon saakin ng eagle.
"Search the house of governor Santos."
(Copy Miss.)
Lintik ang walang ganti.
Nag park na ako malayo sa bahay ng gobernador at tila madaming guwardiya ang nakapalibot sa bahay.
Nagring naman ang phone ko dahil nasa loob padin ako ng sasakyan.
(Mrs. santos is busy with her work.)
"Saan sya ngayon?"
(At the office miss, nasa pangalawang palapag ng bahay ang opisina niya at kasama ang manugang niya.)
"The exact location."
(In the second floor, the left side miss.)
"Wait me in the second."
(Yes miss.)
At ibinaba ko na ang tawag, bumaba ako sa sasakyan at naglakad palapit sa gilid ng bahay, nagsuot ako ng leather jacket na itim nakatshirt at pants with my favorite boots. Naka facemask ako ng itim at halos balot na balot ako.
Umakyat ako sa may gilid ng bahay nila, sa may mahahabang sementadong gilid ng gate.
Hindi ako napapansin ng mga guwardya at matagumpay akong nakaakyat sa bakod ng bahay, tumalon ako at dahan dahan naglakad. Nagkasa ako ng baril at inilagay sa likod ko.
Dahil na din sa may takip ang mga kamay ko ay hindi masakit sumuntok ngayon, pero wala akong balak manuntok dahil ang gusto kong patayin ay ang babaeng muntik ng patayin ang mamá ko.
Matagumpay akong nakapasok sa bukas na bintana sa may gilid at pagkatalon ko ay isang silid, isang maids quarter.
Dahan dahan akong lumabas at walang tao sa may kusina, kaya dumaan ako sa likod bahay at inilabas ang tali.
(Miss, the governor.)
"Why?" Bulong ko.
(Malapit na sila, 20 minutes left.)
Napamura ako kaya agad agad akong umakyat ng bahay at pagkaakyat ko ay nagtago agad ako dahil sa may dumaang guwardiya, this is the second floor.
Halos takbuhin ko na ang buong second floor, the left side. Agad akong lumiko at nakita ang nakasulat na 'Mrs. Santos Office.' Napangisi ako at dahan dahan iyon binuksan.
"Here you are." Salubong ko sakanya, at agad na nilock ang pinto, inilibot ko muna ang paningin ko at may malaking bintana na kasya ako.
"Who are you?" May panginginig sa boses niya kahit na nakangisi ito.
"Well..." dahan dahan akong lumapit sakanya at kinuha ang baril ko.
"I-i said W-who a-are you?!" Agad kong itinutok ang baril sa bungo niya.
"Any last word?"
"Don't fucking play a game, who are you?"
Napatawa ako dahil ang lakas ng loob niyang hiwain ang likod ni mama pero nagtimpi lamang ako.
(The governor is already there miss.)
Mas naengganyo ako dahil sa narinig ko, kaya agad kong binaril ang cctv at itinutok ulit ang baril sa ulo niya.
"Good bye, By the way I'm Miracle." At duon ko ipinutok ang baril at dahan dahan syang natumba sa sahig.
"Clean the mess."
At tumakbo na ako dahil nararamdaman ko ng anjan na ang mga tauhan nila, tumalon ako sa may labas ng bahay nila at duon naghihintay si vanessa. Pagkatalon ko ay agad akong nakadama ng sakit sa katawan pero hindi ko na iyon ininda dahil kailangan ko ng makaalis.
Umakyat ako sa bakod ng bahay at tagumpay akong nakaalis, pagkalabas ko ay nasa likod na ang sasakyan ko.
"Nice shot miss." Bungad saakin ni vanessa dahil sa dumating na pala ito.
"We need to go, anjan na sila." Nagunahan kami sa pagddrive na parang may car racing kaya hindi nila mahahalata ang sasakyan ko dahil wala itong plate number.
Nung makalabas na kami at nasa hi way na ay nagpaalam na uuwi na si vaness dahil sa mess na sinasabi niya.
Nagpark ako saglit at inalis ang mask at jacket, pagkatapos ay inalis ko ang tshirt at naka sandong puti lamang ako na hapit sa katawan.
"Mukha akong sundalo neto." Natatawa ako sa sinasabi ko kaya bumaba na ako saktong nasa fastfood chain naman ako.
Napahinto ako nung may humawak sa braso ko.
"I saw it."
"Izarel.."