Part 28

2.6K 84 3
                                    

#I'm sorry kung natagalan ng update, wala masyadong signal here at province but don't worry as soon as possible mapapabilis ang update. Happy reading!

Umuwi ako ng bahay at exactly eleven pm in the evening dahil pagkababa ko ng kotse ay malamig na hangin ang dumampi sa aking balat, pagkapasok ko ng bahay ay naabutan kong nakaupo si Izrael sa couch.

"Honey.." at balak niya akong halikan pero agad kong iniwas ang mukha ko.

I look at him, at bumalik nanaman ang nakita ko kanina bigay ng babae sa labas ng hospital, Hindi ko padin naiisip na magagawa saakin iyon ni Izrael.

"Pwede ba tayong mag-usap?" I said.

"Sure, sa kwarto tayo. Tulog na din ang mga bata."

"No, dito lang Izrael." May diin ang bawat salita ko kaya tumango sya at naglakad ako papunta sa upuan harap ng hardin.

"Ano iyon?" Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang mga bulaklak.

"Who's tina?" Buong lakas kong tanong sakanya.

At humarap ako, bahagya syang nagulat at di kalaunan ay lumapit sya saakin.

"She's friend of mine honey."

Tinaasan ko naman sya ng kilay, at inabot ko sakanya ang dala kong brown envelop na naglalaman ng mga pictures nila ng tina na iyon.

"What's this?" He asked.

"Open it, at siguraduhin mong maniniwala ako sa palusot mo Izrael."

At naglakad na ako paalis pero agad akong napainto ng magsalita muli sya.

"Honey."

"Totoo ba iyan Izrael?" Naramdaman kong may namumuong luha galing sa mga mata ko.

"Yes."

Para akong kinakapos ng hininga sa narinig ko sakanya.

"Kailan pa Izrael? Kailan mo pa ako niloloko?!" Kalmado at malamig kong saad sakanya at tuluyan akong lumingon ulit at nakita kong nakayuko sya.

"Hindi mo man lang ba naisip ang mga bata? ayokong magalit sila sayo. Ayokong magalit si Rael at heaven sayo! Lalo na si Ysmael. Si Ysmael isang taong gulang lang iyon Izrael pero anong ginawa mo?"

Lumapit sya saakin.

"No, stay there. Wag mokong lalapitan."

"Honey I'm sorry, I'm sorry I didn't know. Please maniwala ka saakin. Tina is—"

"Tumigil kana Izrael, ilang beses na din tayong nag-away ng dahil sa babae."

"But Mira, Please ayusin natin 'to. Ayusin natin 'to hon."

At duon niya ako niyakap ng mahigpit, at bumuhos ang luha galing sa mga mata ko. Duon na din bumuhos ang mga luha ko.

"Tama na Izrael." At buong lakas ko siyang tinulal.

"Pagod na pagod ako galing sa trabaho, bente kwatro oras ang duty ko sa hospital. Kahit nga pagaalaga kay Ysmael naiasa ko na. Si Rael at Heaven? Hindi ko na napupuntahan ang mga foundation nila sa school. Tapos ikaw? All of people Izrael bakit? Alam kong may pagkukulang ako pero bakit? Bakit mo nagawa saakin ito? Pangatlong beses na. Pangatlong beses na din kitang pinapatawad."

Humagulgol ako sakanya habang nakatingin lang sya saakin at hindi ako magawang lapitan, ayoko. Pagod na pagod na ako

"Alam kong hindi maganda ang simula ng marriege natin Izrael, pero tangina naman. Asawa moko! Asawa mo padin ako! Pagod na pagod na ako. Pagod na ako Izrael."

At duon ako nawalan ng lakas at napaluhod nalang ako sa sahig at umiyak ng umiyak.

"Miracle, listen to me first." Pagmamakaawa niya.

"Pagod na akong umintindi, pagod na akong magpatawad, pagod na ako Izrael. Pagod na pagod na ako."

"Please, honey. Please wag kang mapagod!" Habang yumuko sya at niyakap ako.

Wala na akong marinig kundi tanging iyak ko lamang, iniyak ko lahat ng sakit at kumalas sa yakap niya. At humarap at tumayo

"Tama na Izrael."

"Mira nagmamakaawa ako sayo, please makinig ka muna sakin oh." Umiiyak na din siya.

"Ilang beses na akong nakinig sayo pero anong ginawa mo? Nagloko ka nanaman ulit?! Ilang ulit ba ang gusto mo ha?! Ano?!" Hindi ko na napigilang sumigaw ng dahil sa hirap na hirap na ako.

"Tina is my ex wife." Tila nabagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko.

"I was 18 nung nagpakasal kami sa italy and nagtagal ang marriege namin in two years pero iniwan niya ako at sumama sa isang mafia, anong laban ko sa isang mafia? Hinabol ko si tina. Hinabol at hinabol hanggang sa mapagod na ako. And I saw you after a year."

Hindi ako nagsalita habang tinitingnan sya.

"After we met that night, inakala kong asawa ka ni charlie but charlie said na ikaw ang bunso niyang kapatid and I like you. No what i mean is Love at first sight isn't it. Gumawa ako ng contract para maging mag-asawa tayo habang kasal ako kay tina sa italy."

Tila isang malamig na tubig ang bumuhos saakin, isang malamig na hangin ang dumampi sa aking mukha sa narinig ko.

"Ginawa mo akong kabit?"

"No, nag file na ako ng annulment paper kay tina noon but binasura lang niya iyon but i didn't give up. Hanggang sa pirmahan niya iyon but that annulment is fake. Fake pala ang akala ko yun yung ginawa kong annulment paper namin kaya nagpakasal na tayo agad sa simbahan dahil pirmado na ang paghihiwalay namin."

"Itinago mo saakin lahat Izrael, at akala mo lang lahat."

"And I'm sorry for that, three weeks ago. Tina and I met in Cebu para sa isang meeting and she said na kasal pa kaming dalawa."

"Hindi na kita maiintindihan."

"Alam kong magagalit ka saakin miracle."

"Oo at hindi ka nagkamali, ginawa mo akong kabit habang kasal ka? Fuck! Tapos sasabihin mo hindi ka sumuko? Attorney ka Izrael. Bakit pati fake na annulment ay hindi mo man lang napansin? Dahil magkasing tulad naman sila? Dapat kabisado mo ang inissue mong annulment paper."

"I'm sorry."

Naglakad na ako patalikod sakanya.

"Wala akong laban sa unang asawa Izrael."

IT'S JUST A ONE NIGHT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon