Chapter 19
Kakatapos ko lang maligo at nakahiga na din si Izrael sa kama.
Humiga na din ako at tumingin sya saakin at gaya ng kinasanayan niya ay sa braso nanaman niya ako nag unan.
"Goodnight." Saad niya.
"Goodnight." At hinalikan lang niya ako sa noo at pumikit na sya.
Napapansin ko simula nung dumating sya ay parang binagsakan sya ng langit at lupa.
Hindi ako makatulog sa hindi malamang dahilan kaya bumango ako at dahan dahan na umupo sa balkonahe.
"This is not good anymore."
Uminom ako ng beer dahil kumuha ako sa baba at bumalik dito sa balkonahe upang uminom, hindi ko alam kung bakit naiisip kong isang araw kung mahal ko na si Izrael ay masasaktan niya ako?
Ayokong masaktan.
Gusto ko lang magmahal.
LUMIPAS ang panahon at ngayon ang aming graduation day, nasa UP si mama,kuya at Izarel sa makalipas ang mahigit isang buwan namin ay okay ang naging takbo ng buhay naming lahat.
Pauwi kami ng makati pagkatapos ng seremonyang iyon dahil naghihintay na duon ang pamilya ni Izrael,si tiya at manang pati ang pamilya ni manang ay dumalo mga malalapit kong kaibigan na si vaness si eunice ay nag flight sila agad sa ibang bansa dahil mas gusto daw ng parents niya na duon gawin ang celebrasyon.
Ang black eagle ay dadalo sa nasabi kong celebrasyon at ang dalawang hukom.
"Are you okay?" Bulong ni Izrael dahil nakasakay kami ngayon sa isang van at sa may likod kaming dalawa.
"Yes." Saad ko.
Wala pading alam si Izrael sa organisasyong kinabibilangan ng Treechada at ayokong malaman niya iyon dahil nasa unang batas iyon. Kailangan ay siya mismo ang makadiskubri duon.
Dumating kami sa bahay at nakabukas ang malaking gate ng bahay ni mama hanggang sa bahay nila Izrael ay may mga bisita. Bisita na inimbita ng mommy niya.
Bumaba na kami ng sasakyan at naka formal dress naman ako habang sila kuya ay naka suit gayun din si Izrael.
Sinalubong ako ng yakap ng mga magulang ni Izrael.
"Congratulation doctor Zendaya."
"Tita, hindi pa po ako nageexam." Natatawa kong saad.
"Alam kong papasa ka hija, tara na." At nagbeso silang lahat kila mama at hinawakan lamang ni izrael ang kamay ko.
Binati ako ng eagle, si vaness at lahat ng mga kaibigan ng pamilya namin ni Izrael.
"Can i talk to you privately?" Hukom
"Sure." Nagpaalam muna ako na kakausapin ko muna ang dalawang hukom at pumayag naman si Izrael dahil sa may mga bisita pala sya galing sa ibang bansa.
Nasa may hardin kami ng bahay.
"What's the problem?"
"Nothing Violet, pero I'm just to inform you na iaalis na ang panghuling batas."
Nanlambot ang aking puso sa narinig kong iyon.
"Pero may problema tayo" saad ng isang hukom
"Ano?"
"Kailangan na natin pumunta ng sicily as soon as possible ng hindi namamalayan ng asawa mo." Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nalaman ko.
"He deserve to know na aalis ako."
"Alam mo ang batas violet."
"Pero asawa ko yun!"
"Sa papel." Saad ng hukom.
"No, hindi ako papayag na aalis ako without his permission dahil kahit asawa ko lang sya sa papel kailangan niyang malaman."
Natahimik naman ang dalawang hukom at tiningnan lang ako.
"I can see your eyes, do you love him right?" Deretsong sagot niya.
"Yes, I love my husband at kaya kong umalis sa Organisasyon para sakanya."
Natawa naman ang isanh hukom.
"The power of love."
"Aalis na ako." Tumalikod na ako at iniwan sila sa hardin.
Pagbalik ko ay nagkakasiyahan ang lahat, nagsasayawan at nagtatawanan. Ito ang gustong gusto kong makita palagi.