Chapter 21
Dumating kami ng bahay ng walang kibuan pumasok na ko sa kwarto namin at naligo dahil na din sa nalinis na din ang dugong umgos kanina.
Pagkalabas ko ay humiga na ako dahil nakahiga na din sya sa baba na siguro sy naligo.
"Magpahinga kana." Sambit niya
"Galit na galit ako sayo pero hindi ko magawang magalit ng matagal kase alam kong wala akong karapatan dahil hindi mo pa ako mahal"
Mabigat sa dibdib ko ang bawat katagang sinambit ko habang nakatalikod sakanya, naramdaman kong gumalaw sya at niyakap ako.
"Mahal kita Miracle, at hindi ko magagawang lokohin ka dahil ikaw at ang magiging anak ko ang buhay ko."
Napabuhos ang luha ko sa narinig ko at humigpit ang yakap niya.
"Mahal kita Izrael."
_____________
Maaga palang ay napabalikwas ako ng bangon dahil sa kumakalam na sikmura ko.
Kaya napatakbo ako sa banyo at duon nagsuka, agad hinipo ni Izrael ang likod ko.
"Thank you." At nagpunas ako ng labi bago ako lumabas.
"What do you want to eat?"
Napataas naman ang kilay ko.
"I need your explanation."
Habang nakaupo ako sa kama at sya naman ay nakatayo sa harap ko, maya't maya ay umupo din sya.
"Bago kapalang dumating ay nauna si yanna at sa sobrang pagkabaliw niya ay hinalikan niya ako at hindi ako makawala dahil sa kahit itulak ko sya ay para siyang lintang hindi makaalis. Kaya nung dumating ka ay ganung posisyon ang naabutan mo please maniwala ka saakin miracle hindi ko magawang lokohin ka."
I can see his eyes na nagsasabi sya ng totoo habang nakaluhod sya saakin dahil na din sa nakaupo ako.
"Bring me a cupcake yung madaming icing tapos bati na tayo." Ngumiti siya saakin at niyakap ako.
"Alright, tara na baba na tayo." At inalalayan niya akong lumabas kami ng kwarto at pagkababa namin ay naabutan naming nagkakasiyahan sina mama?
Ba't andito sila?
"Tinawagan ko sila kagabi and Sabi ko may sasabihin tayo." Nakangiting sagot ni Izrael.
"Sweetie." Niyakap agad ako ni mama sunod ay si tita ang mama ni Izrael at ang papa ni Izrael. Kasama din ni mama si tiya at manang.
"Maghahanap muna ako ng cupcake with overload icing." Natatawang saad ni Izrael.
"Kamusta kana? Mukhang tumataba ka this past few weeks?" Mama
"Ahm I have to tell you something." Habang kumakamot ako ng ulo, nasa labas na din si Izrael at habang ang mga magulang namin ay naghihintay ng sagot.
Ang walangya ay iniwan ako sa kalagitnaan ng ganito at ang excuse niya ay ang cupcakes ko, huhu makatulo ng laway.
"We are waiting Sweetie pie." Saad ni mama.
"I'm pregnant." At natahimik naman sila, katahimikan ang nanaig saamin.
Maya't maya ay sinunggaban ako ng yakap ng ina ni Izrael kasunod ay isang tawa mula kay tito Kasunod ay isang group hug mula kay mama at manang.
"Ilang buwan na? What do you want? You want cakes? Chocolates? Fruits?" Ani ni tita.
"Nagpabili na po ako bg cupcake tita."
"Oh god, thank you thank you!" At hindi maipaliwanag ang saya ng buong pamilya namin.
Nung kami nalang ni mama ang naiwan dahil sa malalaki na ang bulaklak ko dito sa hardin ng bahay namin.
"Congratulation Sweetie."
"Thanks mom." Saad ko, hinawakan naman niya ang kamay ko.
"Alam kong magiging mabuti kang ina para sa mga anak mo Miracle." Saad niya
"Mama..."
"Wag mokong gagayahin anak, at nakikita kong mabuting asawa't ama ang asawa mong si Izrael."
"Oo nga ho." Saad ko.
Niyakap lamang ako ni mama.
"Tara na at excited masyado ang biyenan mo." Natatawang saad ni mama at pagkapasok namin ay pumunta na siyang kusina, nakaupo lang ako sa sofa at biglang dumating si Izrael na may bitbit na.
Cupcakesss!
Sinalubong ko sya ng yakap at hinalikan naman niya ako.
"I'm sorry, hinintay---"
"Thank you Izrael!!!" At kinuha ko na ang box at kumain ng madami.