Chapter 10
Halos mapadaing ako sa sakit ng pagkakahawak ni Izrael sa braso ko.
"Don't. Touch. Me." At inalis ko naman ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"I saw you near."
Napataas naman ang kilay ko sakanya.
"Did you already shot the head of mrs. Santos?" Para akong binuhusan ng tubig dahil sa unang pagkakataon ay may nakakita sa ginawa ko.
"But your secret is safe."
Mas nagulat ako sa sinabi niya pero di ko iyon pinahalata bagkus ay hinila niya ako papasok sa isang fastfood chain at umupo sa pinakadulo.
"What do you need? Alam kong may kapalit ang pagtatago mo ng sekreto." Agad kong saad sakanya.
"Tama.." sabi ko na nga ba, kaya nagorder muna sya at naghintay naman kami.
"I have a proposal to you, kapalit ng maliit mong sekreto." Para akong nainsulto sa sinabi niya kaya kinasa ko ang baril sa ilalim ng mesa.
"Chill miracle." Natatawa niyang saad, this man! This fucking man.
Natigil ang paguusap namin ng dumating ang aming order, at maya't maya ay umalis na ang waiter at may inilagay syang folder sa mesa.
"What's this?" I asked
"A contract."
Napataas naman ang kilay ko sakanya, kakakilala ko palang tapos may pa contract na porket nakita niyang sumabog ang ulo ng donya, wait saan niya nakita? Malinis ako mag trabaho.
"Alam ko ang tumatakbo sa maliit mong utak." Napangisi naman ako sa sinabi ko at tumayo at handang umalis.
"I am a lawyer, miss Miracle Mint Treechada Zendaya."
Napalingon naman ako sakanya.
"Hindi halata." At tumalikod na ako.
"Bilang abugado sinasampahan kita ng kasong murder, sa pagpatay sa donya. Asawa ng governor santos." Napatingin naman ako sakanya.
"I'm not guilty as well." Taas-noong sagot ko.
"I have many evidence Miss Zendaya." Tiningnan ko lang sya.
"What kind of proposal is that?" Muli akong umupo at bahagya syang natawa.
"Being my wife."
________________
Nakauwi na ako at malakas na ulan ang bumabagsak ngayon habang nakatitig ako sa may teresa ng bahay namin, mula nung magkausap kami ni Izrael ay ayoko ng makarinig ni isang balita sa lintik na yun.
Being his wife? It his joking or what? fuck! Tumayo ako at lumabas ng silid, habang nasa labas ako ay sobrang lamig ng hangin ang pumapasok sa bahay. Nakabukas ang buong ilaw dahil ayaw ni mama na nakapatay ang mga ilaw sa sala sa kusina at sa lahat.
Nasa third floor ngayon natutulog si eunice dahil sa dumating daw ito kanina habang lasing na lasing hinatid naman siya ni triana at bryana kaya nag stay muna sya sa guest room sa taas kasama ang dalawa sa magkakabilang mga guestroom at ayos naman daw kay mama as long as safe sila.
Nadatnan kong nagkakape si mama sa may sala habang naka tshirt ito ng maluwang.
"Bakit gising kapa? masakit ba--"
"Ikaw ba ang may kagagawan sa pagkamatay ng donya?" Naglakad ako papasok ng kusina at kumuha ng beer at bumalik sa kusina.
"She deserve it." Bahagya syang tumingin saakin.
"Why? Why did you do that anak?" Uminom ako ng beer at tumingin kay mama.
"Dahil sinaktan ka niya." Nailang ako sa sinambit ko at uminom ulit ako ng beer bago ako tumalikod.
"But you don't know the governor sweetie."
"I know him, I'm already search for it don't worry I clean my mess." At naglakad na ako papunta ng hagdan.
"You need to rest, goodnight Màma."
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil malamig ang klima ngayon dahil sa may bagyo at halos sirain niya ang buong hardin ni manang kaya agad silang nagayos ng hardin.
"Good morning Miraaa." Salubong saakin ni eunice.
"Sit down, I talk to you." Napakamot naman sya ng ulo.
"Bakit sumusulpot sulpot nalang kayo bigla?" Saad ko
"Alam mo naman si mommy." Habang nahihiya niyang tugon habang sina bryan at triana ay tahimik na kumakain habang napapailing alam kong nadamay nanaman sila dahil sa babaeng 'to.
"Nextime pag hindi mo kaya wag kana uminom." Tumango-tango nalang ito, maya't maya ay nag ring ang aming landline at agad akong tumayo upang sagutin ito.
"Who's this? Miracle Zendaya speaking."
(Hi baby.) it's kuya.
"Hey kuya."
(Sweetie, tell mama na nasa medical mission ako now. This is good for weeks.)
"Alright."
(Okay, i need to hang up this iloveyou take care.)
"You too." At binaba ko na ang linya maya't maya ay nag ring nanaman ito.
"Lintik naman kuya oo na sasabihin ko."
(Mukhang maaga pa para maging high blood ka Miracle.) ang boses na un, natahimik naman ako at napataas ng kilay.
"Bakit ka tumawag?" Malamig kong tugon.
(The warrant of arrest is ongoing right now, wag mo na din subukang tumakas natatrace ka namin.)
Lintik!
"Pucha ano bang kailangan mo?"
(Being my wife.)
"Magkita tayo, isesent ko kung saan."
At ibinaba ko na ang linya, maya't maya ay kinuha ko ang aking phone at nagsent ng location sakanya kung saan kami magkikita. Bumalik ako ng hapag kainan.
"Uuwi kami mamaya Mira, sasabay kaba?"
"No, I'm stayinh here."
Ngumiti si eunice at ang dalawa pa saakin, bumaba si mama habang nakaalalay si manang tumayo si bryan upang tumulong sa pagbaba ni mama.
Matagumpay silang nakababa at wala namang nahulog pinaupo na nila si mama para kumain, malamig ang panahon ngayon at nasa may space kami bg hardin dahil mas magandang kumain dito.
"Nasa medical mission si kuya, and he want to inform you." Saad ko, tumango lang si mama at tumayo na din ako.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako at nadatnan ko sila sa baba na nanonood ng tv habang si triana ay nasa hardin dahil mas gusto nya daw tumambay duon.
"Saan ka pupunta anak?" Mama
"Lalabas muna ako saglit."
"Mira..."
"Don't worry, I can handle myself."
Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na ako, hiniram ko ang kotse ni mama at sumakay na. A ferrari car huh?
Mabilis akong dumating sa tagpuan namin nung batang lewis at bumaba na ako sa kotse, pagkapasok ko ay tanaw ko na sya na kampanteng nakaupo. His wearing a white polo nakatupi ito hanggang siko nakaopen ang tatlong botones with his coat.
"Anong paguusapan natin?" Panimula ko.
"Sit down first wife."